Chapter 32 *Ang Huling Lima*

39 4 0
                                    

Ano ba ang pakiramdam ng taong malapit nang mamatay? tanong iyon ni Lexus sa isip. Sa totoo lang ay ilang beses na niya iyong naitanong. Sa tanang buhay niya kasi ay maraming beses na siyang muntik mamatay.

Mukhang masamang damo siya o may lahing pusa dahil hindi siya mamatay matay.

"Buhay ako."

Hindi nasaksak si Lexus, bagkos ay ang lalaking may espada ang duguang bumagsak. Pinana pala ito ni Mia.

"Ikaw!" Halos labasan na ng ugat sa noo ang babaeng alipin sa galit. Naglabas ito ng punyal at sinugod si Mia. "Magbabayad ka!"

Mabilis  itong nailagan ni Mia. Kumpara sa babae ay mas maliksi siya. 

Nasipa niya ang kamay ng babae dahilan para tumilapon ang hawak nito. Kasunod noon ang pagsipa niya sa ulo nito. Sa lakas niyon ay nabali ang leeg ng babae. 

"Sa palagay ko, lahat kayo na may mga hawak na sandata ay magkakasabwat," sabi ni Mia sabay tingin sa lahat ng alipin na naroon sa bahay tuluyan.

Iyong iba na nagtatago sa sulok ay lalong nagyupyop dahil sa takot.

May apat na alipin  naglabas ng kanilang mga punyal.

Napangiti si Mia dahil tama ang hinala niya.

Si Lexus ay ganoon din ang naisip kanina.


Sabay sabay na sumugod ang mga alipin dala ang kanilang punyal.

Sinugod nila si Mia

Lumukso nang mataas si Mia at sinipa nang mabilis sa ulo ang apat.

"Ang galing niya!" nasabi ni Zyra matapos mapatumba ni Mia ang mga sumugod.

Tumingin si Mia sa iba pang mga alipin.

Apat na lang ngayon ang natitira, bukod sa grupo nina Emerald.

"Ayoko na sa lugar na ito, kaya tapusin na natin ito kaagad," sabi ni Mia. Kinuha niya ang punyal na pag-aari ng babaeng alipin na tinapos niya. Dinampot niya rin ang espada na gamit naman ng lalaki kanina. Inihagis niya ang espada kay Emerald.

Nasalo  iyon ni Emerald.

"Labanan mo ko!" hamon ni Mia.

"A-Ano?" tugon ni Emerald.

"Kapag hindi mo ko natalo, papatayin kita. Papatayin ko kayong lahat!" paninindak ni Mia.

Dito na pumorma sina Lexus, San at Zyra. Handa silang labanan si Mia.

"Ayoko na! Ayoko na!" isa sa mga alipin ang tila nawala na sa sarili at tumakbo palabas. Katulad ng nangyari sa isang alipin, nasunog din siya.

Bigla rin bumagsak ang isang parte ng bubong ng bahay tuluyan. Saktong naroon ang tatlo pang alipin na takot na takot. Kitang kita  kung paano nasunog ang mga ito dahil sa tubig ulan.

Napaawang lamang ng labi si Zyra. Si Emerald naman ay napapailing.

"Maglaban na tayo!" Sumugod na si Mia. Gamit ang punyal na nakuha niya.

Humarang si Lexus. Pinangsangga niya ang isa mga kama. "Tama na! Tapos na," giit ni Lexus.

Unti unti na ngang nawawala ang ulan. Nagliliwanag na ang kalangitan.

"Lima na lang tayo. Wala na ang ulan. Tapos na ang palaro," dagdag ni Lexus.

"Nakakainis kayo. Mga mahihina!" saad ni Mia bago ibinaba ang hawak na punyal. Lumakad siya sa may sulok at sumandal doon.

"Sino ba siya? Bakit napakalakas niya?" tanong ni Zyra.

"Sa tingin ko siya ay—" Naputol ang sasabihin ni Lexus nang biglang bumukas ang pinto ng bahay tuluyan. Mula roon ay pumasok si Hugo kasama ang ilang mga tauhan.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now