Chapter 12 *Ang Dating Hashke*

191 17 4
                                    

"Anong ibig sabihin nito?" nanginginig ang boses na tanong ni Lexus. Napapakuyom din siya ng kamao. Hindi niya kasi nagustuhan ang naabutan.
May nakahandusay na alipin.
Noong una akala nila ay isa lang, ngunit mali dahil marami sila.

"Nabigla ba kayo?"

Natigilan si Lexus nang biglang magpakita ang isang  malaking lalaki.
Mahaba ang buhok nito. Moreno ang kulay at may hugis krus na pilat sa mukha.

"Naaalala mo pa ba ko, Lexus?" tanong ng lalaki.

Hindi nakausap si Lexus. Napabuka lamang siya ng bibig.

"Ako si Agon, ang pinuno ng samahang ito," sabi ng lalaki gamit ang malakas na tinig. "Ako rin ang magpapasya kung nararapat ba kayong mapabilang sa grupong ito!"

"Tingnan mo sila," sabi ni Zy nang makita ang iba pang mga alipin na nakaupo sa ibat ibang parte ng kuweba. Nakangisi ang mga ito. Ang iba ay inaapakan ang mga nakahandusay na alipin.
Kung bibilangin ay aabot sa tatlumpu ang mga nakatayong alipin samantalang nasa sampu naman ang mga nakabulagta.

"Manlilinlang kayo," sabi ng isang alipin na nakabulagta.

"Siya si..." Hindi natapos ni Emerald ang sasabihin, ngunit ang taong nakita niya ay si Salem na nag imbita sa kanilang grupo.

"Ang tibay mo, buhay ka pa rin pala?" nakangising sabi ng malaking lalaki na si Agon. Bumunot ito ng espada. "Sige, hindi na kita pahihirapan." Itinarak nito ang espada.
Biglang naningkit ang mga mata ng lalaki dahil may sumangga sa kanya.
Walang iba kundi si Emerald.

"Emerald!" tawag ni Zy. Hindi nito inasahan na gagawin iyon ng kasahan.

Napangiti ang lalaking may krus na pilat sa mukha. "Matapang ka. Gusto ko iyan, pero ayoko sa mahina!"  Sinugod ng lalaki si Emerald gamit ang espada. Sa lakas ng puwersa noon ay napaatras ang dalaga hanggang sa mapaupo sa lupa.

Tumawa ng malakas si Agon.

"Emerald!" Agad itong nilapitan ni Zyra.

"Ikaw…" Nanggalit ang mga ngipin ni Renz. Inihanda nito ang kanyang sandata.
Ganoon na rin ang ginawa ng iba pa.
Handa silang labanan ang lalaki.

"Sandali!" Iniharang ni Lexus ang kanyang kamay. "Hindi nyo siya puwedeng labanan. Mapanganib siya!" giit ni Lexus.

"Leader, kilala mo ba siya?" tanong ni Emerald na dahan dahang tumatayo. Muli siyang pumuwesto para lumaban.

"Emerald, huwag na!" Napasigaw si Lexus. " Oo, kilala ko siya kaya alam ko ang kaya niyang gawin."

"Sino ba siya at bakit niya ito ginagawa?" tanong bi Zyra.

"Dati siyang Hashke," bunyag ni Lexus.

"Isa siyang Hashke?" ulit ni Zyra.

Biglang tumawa nang malakas si Agon.

Pati ang iba pang mga alipin na tagasunod nito ay napapatawa rin.

"Oo. Tama ang dinig nyo, dati siyang hashke, pero sandali lang iyon dahil natanggal siya nang may makatalo sa kanya sa Selection. Pero kahit ganoon, malakas siya. Kahit wala na siyang kapangyarihan nakakatakot pa rin ang lakas niya." Pinagpapawisan na si Lexus.

"Mabuti naman at alam mo iyon."

"Aaah!" Gulat na gulat si Lexus nang biglang makalapit si Agon sa kanya. Halos bumagsak ang kanyang panga sa pagkagulat.
Paano nito nagawang makalapit agad?
Para itong hangin sa bilis.

Kahit sina Emerald at Zyra ay nabigla sa bilis nito.

"Leader!" sigaw ni Weiss. Sumugod ito, ngunit bago pa makalapit ay nakatanggap na ng suntok mula kay Agon.
Sinuntok at sinugod din ng lalaki gamit ang tuhod si Renz. Ganoon din sina Jaz at Clinton.
Bumagsak ang apat na lalaki.

"Mga kasama!" sigaw ni Emerald. Muli niyang inihanda ang kanyang espada.

"S-Sandali!"

Hindi nakagalaw si Emerald nang bigla siyang hawakan ni Salem sa paa.

"H-Hindi siya basta matatalo," utal na simula ni Salem. "S-Siya ang pinaka malakas dito. S-Siya rin ang bumubuo ng samahan p-para pabagsakin ang mga r-royal slave. G-Gusto kong mapasali sa k-kanila."

"Pero ayaw ni Boss sa mahina!" sabi ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa likod ni Salem. Agad nitong sinaksak sa likod ng eapada si Salem.

Napabuka ng bibig si Emerald. Natigilan rin nang may mga dugo na tumalsik sa kanyang pisngi.

Ngumisi ang lalaking sumaksak kay Salem.
Kasumod noon ang pagsipa nito sa riyan bi Emerald dahilan upang tumilapon ito at tuluyang bumagsak.

"Ah, Emerald!" takot na takot si Zyra. Agad itong tumakbo sa likod ni Lexus.

"Dahil narito na kayo, lahat kayo ay susukatin. Aalamin namin kung nararapat ba kayo sa aming grupo," sabi ng lalaki na sumipa kay Emerald. Ang hindi mapipili ay mamamatay."

"Hindi kami sasali sa inyo!" giit ni Zyra.

"Wala na kayong magagawa!" sigaw ni Agon. "Ikaw ang uunahin kong kilatisin!" Itinuro nito si Lexus.
"Tapos ikaw!" Si Zyra naman.

Napakapit ng mahigpit si Zyra sa braso ni Lexus.

"At lahat kayo!" sabi ni Agon bago ito tumawa nang malakas.

"B-Bakit kayo pumapatay?" Dahan dahang bumabangon si Emerald. "H-Hindi nyo ba alam na bawal ang pagkitil? Sa ginagawa nyo, malalagot kayo kay Shadow."

"Kung malalaman niya," mabilis na tugon ng lalaking sumipa kanina kay Emerald. Maliit lamang ang lalaking ito. May benda ang mga braso at may hikaw sa kanang tainga.

"Bakit nyo ba ito ginagawa?" tanong ni Lexus.

"Di pa ba malinaw? Para maghari!" giit ni Agon bago iwinasiwas ang daliri. Biglang may lumabas doon na mga sinulid na siyang gumapos kina Weiss, Renz, Clinton, Jaz, Emerald at Zyra.

"Ano ito?" sigaw ni Weiss.
Mistulan silang mga insekto na nabihag ng gagamba.

Ngumisi si Agon.

Halos lumuwa naman ang mga mata ni Lexus. "Paano nangyari iyon? May kapangyarihan ka pa rin?"

"Nagulat ka ba? Ang totoo, pinagtaguan ko si Echezen kaya hindi niya nabawi ang kapangyarihan ko. Ika hashke ka rin hindi ba? May kapangyarihan ka rin."

"Leader, tulungan mo kami!" tawag ni Zyra.

"Mga kasama!" tawag ni Lexus.

"Hambog ka!" Biglang sinuntok ni Agon si Lexus. Sunod sumod na suntok.

Hindi nakabawi si Lexus.
Bugbog sarado ito.

Hinawakan siya ni Agon sa buhok.

"Alam mo ba na kaya lang ako lumabas ng Venus ay para paghigantihan ka?"

"A-Ano? Pero wala akong kasalanan sayo," sabi ni Lexus.

"Huwag kang magkaila!" Muli niya itong sinuntok. Tumilapon si Lexus.

"Leader!" tawag ni Zyra.

"Makinig kayo! Kayong mga hangal!" Tiningnan nito ang buong A-7 na nakagapos. "Nalinlang kayo." Nilapitan ni Agon si Lexus bago inapakan. "Anong sinabi niya sa inyo? Isa siyang Hashke? Malaking kasinungalingan!"

"Ano?" naninhkit ang mga mata ni Zyra.

Napaawang naman ng labinsi Emerald habang nagkatinginan sina Clinton, Renz at Jaz. Napatungo naman si Weiss.

Nagpatuloy si Agon.

"Ang taong ito ay isa lamang hamak na prisoner noon na pinalad mapunta sa Region 1 dahil sa panloloko. Hanggang ngayon hindi pa rin pala siya nagbabago. Manlilinlang pa rin siya!" Nilakas nito ang pagsipa sa lalaki.

"Ah, tama." Huminto ito sa pagsipa at tumingin sa mga kasama ni Lexus. "Ganito na lang. Kayong anim. Maliligtas kayo kung tatalikuran nyo ang taong ito. Sumali kayo sa amin at iwanan siya."

"Ah." Parang kuryente na gumising kay Lexus ang panukalang iyon ni Agon.

Mukhang mangyayari na naman.
Maiiwan na naman siya.
Tatalikuran uli siya ng kanyang mga kasamahan

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now