Chapter 5 *Ang Magiging Pinuno*

257 19 3
                                    

Isa sa mga kagrupo ni Emerald ang nagpakilala bilang Hashke.
Si Kirby Lexus. Isang lalaki na kayumanggi ang kulay, maiksi ang buhok at katamtaman ang laki.

"Talaga, hashke ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zyra. "Ang galing naman may kasama tayong hashke. Ligtas na tayo!" sabi pa nito.

Napangiti ang iba pang naroon. "Kung gayon ikaw na ang magiging pinuno namin," sabi ni Clinton.

"Walang kaso sa akin," sabi naman ni Weis.

"Eh di malinaw na? Si Kikoy na ang magiging pinuno natin at dahil hashke siya sigurado na ang paglamang natin sa iba," napapapalakpak na dagdag ni Zy.

"Kirby Lexus, hindi Kikoy!" correction ng lalaki.

"Pero teka... Hindi ba sa Venus mas mataas ang mga Rose?" Tiningnan ni Zy si Emerald.

"Ah, oo nga pala Rose si miss Emerald," sabi naman ng maliit na si Renz.

Napakamot ng ulo si Lexus. "Tama. Tama. Kung magkakaron tayo ng pinuno dapat isang rose."

"Ah, teka! Hindi!" Napaekis ng mga kamay si Emerald. "Hindi na ako rose ngayon. Isa pa, hindi naman ako sanay sa pamumuno. Si Lexus na lang ang gawin nating leader. Handa akong sumunod at makipagtulungan."

Nagtinginan ang lahat.

"Pero may problema..." Biglang naging seryoso ang mukha ni Lexus. "Ang totoo matagal na akong nakalaya kaya matagal ko nang hindi nagagamit ang kapangyarihan ko."

Mahabang katahimikan ang namayani bago nagsalita si Weis.

"Ayos lang! Sigurado namang maaalala mo rin iyon. Payag na ako. Si Lexus na ang magiging pinuno natin, ano sa tingin nyo?" Tiningnan ni Weis ang mga kasamahan.

Tumango sina Renz, Jaz at Clinton.

"Ayos na ayos sa akin! Si Lizardo na ang magiging leader natin," malakas ang boses na sabi ni Zy sabay taas pa ng dalawang mga kamay.

"Payag din ako," sabi naman ni Emerald.

"Salamat sa pagtitiwala nyo," ani Lexus bago ito tumayo nang tuwid. "Ngayon, bilang pinuno may ilan akong mga mungkahi."

"Sige, sabihin mo lang sa amin," sabi ni Weis."

Tumango si Lexus bago nagsimula. "Ganito. Una! Gusto kong tawagin nyo kong Leader."

"Leader?" ulit ni Zy.

"Oo! Para hindi mo na ako tawagin sa kung anu-anong pangalan," sabi niya kay Zy bago siya nagpatuloy. "Ang pangalawa. Naniniwala ako na iba iba tayong pito kaya mas maganda kung may kanya kanya tayong gagampanan."

Muling nagkatinginan ang lahat.

"Ako, si Kirby Lexus o Leader ang iisip at magd-disisyon sa mga taktika at magiging kilos ng grupo natin. Sana pagkatiwalaan nyo ko!"

"Sige! Ako naman si Zyra. Magaling ako pagdating sa pangangaso."

"Sa Second Region ako nanggaling kaya may kaunting nalalaman ako sa medesina, puwede na ba iyon?" tanong ng maliit na si Renz.

"Mahusay ako makipaglaban. Palaaway kasi talaga ako," sabi naman ni Weis.

Nagtaas ng kamay ang maskulado at dreadlock na si Clinton. "Teknolohiya. May alam ako tungkol don."

"Ako, sa klima may kaalaman," sabi ng makapal ang buhok ni Jaz.

"Maganda iyan. Magagamit natin ang mga kakayahan nyo!" saad ni Lexus.

"May magagawa rin ako," dagdag ni Emerald.

"Siya nga pala, Miss Emerald, may gusto sana akong ipagawa sayo kung ayos lang sayo?"

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora