Chapter 36 *Ang Kapangyarihan ni Nikela*

22 1 0
                                    


"Puwede ba akong makiusap?" Lumapit si San kay Afrile at tinanong iyon.

"Bakit?" tanong ni Afrile.

"Gusto ko sanang puntahan ang 2nd general, pero hindi ko alam kung paano."

"Gusto mong humiwalay sa amin, ganoon ba?" diretsong tanong ni Afrile.

"H-Hindi naman. Gusto ko lang po talaga siyang makita."

"Naiintindihan ko, pero hindi ka namin maidadaan doon dahil kailangan na rin namin makarating agad sa Poseidon. Ang puwede mong gawin ay humanap ng ibang masasakyan."

"Pero may dumadaan bang pampasaerong sasakyan patungo sa Bayan ng Aries kung saan naroon ang Second General?" tanong ni Lexus.

Walang sumagot, dahil wala.

Napatungo na lamang si San.

Bumuntong hininga si Afrile bago kumapa sa kanyang bulsa.

Inilabas niya ang isang kwintas na hugis itlog.

"Teka, iyan ba iyong kwintas ni Emerald? Bakit nasayo 'yan?" napabulalas si Lexus.

"Iniwan niya ito sa akin para sa mga ganitong pagkakataon!" Inihagis niya ang kwintas.

Bigla itong nagliwanag at sa isang iglap lamang ay may lumabas na isang magandang babae na nakasuot ng pulang bestida. Mayroon itong maputing balat at kulay itim at mahabang buhok. Suot din nito ang kwintas.

"S-Sino ka?" Sabay na napatanong Sina Lexus at Zyra.

"Ako si Calida."

"Ikaw iyong fire dragon ni Emerald?" kumpirma ni Lexus.

"Ako nga. Ibinilim sa akin ni Lady Emerald ang pagtulong sa inyo. Anong maipaglilingkod ko?"

"Maaari bang ihatid mo siya sa Bayan ng Aries?" Itinuro ni Afrile si San.

"Sige." Kasunod noon ang biglang pagtransform nito bilang dragon. Tumingin ito kay Sana.

"S-Sandali... A-Ayos lang ba na sumakay ako sayo?" medyo kinabahan si San.

"Oo. Puwede kang sumakay sa akin," wika ng dragon.

"Kung gayon, sige. Salamat po." Sumakay na si San sa dragon. "Salamat din sa inyong lahat. Maraming salamat!" paalam bi San, pagkatapos ay lumipad na ang dragon palayo.

"Sana makita niya agad iyong master niya," sabi ni Zyra.

"Oo nga." Si Lexus.

"Sige na! Tayo naman ang aalis!" sigaw ni Afrile.

Agad na kumilos sina Zy at Lexus

"Humanda kayo dahil magsisimula na ang gera!" dagdag pa ni Afrile.

***

"Azure! Kaya mo bang makarating sa Poseidon nang mas mabilis?" tanong ni Emerald sa sinasakyang dragon.

"Opo. Walang problema," tugon nito. Bigla itong naglabas ng kulay asul na liwanag Hanggang sa nagmistupan itong kidlat sa bilis.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang kaning destinasyon.

Huminto sa alapaap ang dragon. Sa itaas iyon ng buong kabayanan.

"Narito na po tayo, Lady Emerald," pahayag ng dragon.

Tumingin si Emerald sa paligid.

"Bakit parang ang tahimik?" napansin niya. Inasahan niya kasi na sa pagdating niya ay may mga alagad ang mga general na sasalakay agad sa kanya.

Nagpalinga-linga siya.

"Saan na po tayo pupunta?" tanong ni Azure.

"Kung nasaan si Nikela. Doon tayo!" sagot ni Emerald.
Pumikit siya at nakiramdaman.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon