Chapter 3 *Si Shadow*

872 55 41
                                    

A/N:
Dahil sa likes and comment naeengganyo ako mag update kahit na sobrang busy sa work at may health issue. HOLIDAY naman kasi. MORE holiday pa sana!!!

***

Nikela?

Biglang natulala si Emerald nang makita ang isang lalaki na kamukhang kamukha ni Nikela. Pero si Nikela ba talaga ito o baka naman namamalikmata lang siya?

"Anong ginagawa ng Superior dito?"

Napatingin si Emerald sa mga kasama niyang laya.

Sila rin ay nagsasabi na si Nikela ang kaharap nila. Ibig sabihin ay hindi siya namamalikmata. Si Nikela nga ang nasa harapan niya.

Bigla niyang ninais lapitan ang lalaki.

Unti unti siyang humakbang subalit napahinto nang harangin ng isang lalaki. Iyong lalaking matikas ang katawan na kausap kanina ng Regulator.

"Hoy kayo! Ayokong makikita kayo na pakalat kalat. Ang mabuti pa sumunod kayo sa akin para malaman n'yo ang lugar n'yo!" sabi nito.

"Kung makapagsalita ka akala mo ka kung sino. Alipin ka lang naman, di ba?" Isa sa mga laya ang nagsabi noon.

Bigla siyang tiningnan nang masama ng lalaki. Kasunod noon ang isang alipin na sumugod at sumuntok sa nasabing laya. Namilipit ito sa sakit.

"Weis!" tawag ng kasamahan nito.

"Oo, mga alipin nga kami, pero nandito kayo sa teritoryo namin kaya susunod kayo sa amin sa ayaw at sa gusto nyo!" sabi ng matikas na lalaki.

Biglang pinalibutan ng mga alipin ang mga laya.

Dito nabatid ni Emerald at ng iba pang mga laya na hindi basta basta alipin ang mga narito sa isla. Malalakas sila.
Tila nga mas malakas pa sa kanila.

Pero si Nikela. ..

Pinilit silipin ni Emerald ang lalaki.

"Anong problema mo?" bulyaw ng matikas na lalaki.

"Si Nikela! " Itinuro ito ni Emerald.

"Oo nga. Kasama namin siya!" sabi ng isa sa mga laya.

Sinulyapan ng matikas na lalaki si Nikela. "Hoy! Kilala mo ba sila?"

Napakunot ng noo ang lalaking kamukha ni Nikela.  "Hindi ko alam," sagot nito.

"Ikaw si Nikela.  Ang Superior namin! Kaya dapat iligtas mo kami!" sigaw ni Weis, ang lalaking sinikmuraan kanina.

"Superior n'yo ko?"

Biglang natawa  ang matikas na lalaki. "Anong Superior ang sinasabi n'yo?  Kasamahan namin siya. Siya si Shadow."

"Davi!" Hinawakan ng lalaking kamukha ni Nikela sa braso ang matikas na lalaki. "Gusto ko silang pakinggan. Baka may alam sila sa nakaraan ko."

"Seryoso ka ba?"

"Puwede ba akong humiram ng isa sa inyo para makausap?"

"Ako! Kilala kita!" Halos lahat ay nagtaas ng kamay.

"Lahat kayo? Isa lang ang kailangan ko."

"Ako!" Nagtaas na rin ng kamay si Emerald.  "Kilala kita. Kilalang kilala kita."

Napatingin kay Emerald ang lalaking kamukha ni Nikela. "Sige, ikaw na lang ang sumama sa akin,"  sabi nito bago lumakad paalis.

Tumingin muna si Emerald sa mga kasamang laya at sa mga alipin na naroon bago sumunod kay Nikela.

Ramdam niya na hindi natuwa ang mga kasamahan niyang laya, pero ayos lang. Totoo naman kasi na higit kanino man siya ang nakakakilala kay Nikela.

"Iyong iba, sumunod kayo sa akin. Dadalhin namin kayo sa magiging tirahan n'yo." Pinangunahan ng matikas na lalaki na nagngangalang Davi ang mga laya.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now