Chapter 18 *Davi VS Clinton

171 19 5
                                    

Ang mga nagbabantay sa Cronus ay mga piling alipin na may kapangyarihan. Royal slave ang tawag nila sa kanilang mga sarili.
Binubuo sila ng pitong miyembro at pinamumunuan ng lalaking nagngangalang Davi.

"Davi, tingnan mo ito." Isa sa mga kasamahan ni Davi ang tumawag sa kanya.
Iyon ay si Leif. May kakayahan itong magpalabas ng kristal na sa kasalukuyan ay ginagamit nila upang tingnan ang mga kaganapan sa buong Cronus

Agad tumingin si Davi sa kristal.
Ganoon na rin ang ginawa ng iba nilang mga kasama.

Magkakasama sila ngayon sa isang parte ng kanilanh kuweba.
Sina Kisa at Shadow lang ang wala.

"Anong nangyayari?" tanong ni Frost, ang binatang may kakayahang kumontrol sa mga papel.
Ang inaasahan kasi nilang pagsubok para sa mga alipin ay tila nalalagay sa alanganin dahil sa isang di inaasahang pangyayari.

Nauubos ang mga halimaw.

Ilang beses na nilang nagawa na magpakawala ng mga halimaw, ngunit ngayon lamang nangyari na may nakakagawang makatalo sa mga ito nang napakabilis.

"Paano nagkaroon ng ganyan kalakas na mga alipin?" takang taka ang samurai na si Duran.

"Sila iyong mga galing sa Venus. Mukhang may itinatago silang lakas," sabi naman ni Ramus, ang lalaking may tattoo ng dragon.

"Hindi ito maaari. Kailangan natin silang pigilan!" napalakas ang boses ni Leif.

Wala namang naging reaksyon si Davi.

Biglang dumating si Kisa.

"Kisa saan ka galing?" tanong ni Frost.

"Nauubos na ang mga halimaw mo, alam mo ba iyon?" sabi naman ng samurai na si Duran.

"Nauubos?" Napakunot ng noo si Kisa. Tiningnan niya ang kristal na tinitingnan ng mga kasamahn.  Napaawang siya ng labi.
Tama nga. Ang bilis lang para sa mga lalaking iyon na talunin ang mga ginawa niya.

"Puntahan natin sila at turuan na ng leksyon!" sabi ni Ramus sabay suntok ng kanang kamao sa kaliwang palad.

Wala pa rin reaksyon si Davi.

"Davi!" tawag ni Ramus.

Doon lamang tila natauhan si Davi. Huminga ito nang malalim bago tumingin kay Kisa. "Kisa, gisingin mo si Shadow. Biglang tumalim ang mga mata nito.

"Sige," sagot ni Kisa bago ito umalis.

"Tayo na," sabi ni Davi bago nanguna sa paglabas. Napahawak pa ito sa malaking bato na malapit sa daanan palabas ng kuweba. Bigla iyong napulbos.

Alam agad ng mga kasama niya na nangangati na ang kamay ng kanilang pinuno upanh lumaban.
Sinundan na nga nila ito.

Paglabas ng kuweba ay agad silang naghiwahiwalay.

Mabilis nakita ni Davi si Clinton. Kasama nito si Emerald, ngunit ang lalaki lamang ang pinagtuunan niya ng pansin.

"Magpakilala ka!" hamon ni Davi.

"Clinton ng Venus," mahinahon na wika nito.

"Ako naman si Davi."

"Kilala kita. Sino bang hindi makakakilala sayo maya't maya mo ipinapakilala ang sarili mo," sabi ni Clinton.

"Mabuti naman tanda mo pa ako. Tama lang iyon dahil ako ang tatapos sayo!" Ikinulong ni Davi ang kanyang mga bisig. "Kung nagawa n'yong talunin ang mga halimaw ibig sabihin may itinatago kayong lakas at sigurado, may binabalak kayo? tama?"

Ngiti lamang ang naging tugon ni Clinton.

"Sige, kung ayaw mong sumagot bahala ka. Makipag-usap ka na lang sa kamao ko." Bigla itong sumugod at nagpakawala ng suntok. Nailagan iyon ni Clinton. Nabungkal ang lupa na tinamaan nito ng suntok.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon