Chapter 11 *Isang Imbitasyon*

242 16 5
                                    


"Bakit mo iyon ginawa sa kanila?" Agad kinompronta ni Emerald si Shadow matapos makita ang ginawa nito.

"Hinatulan ko lang ang mga mandaraya," tugon ng lalaki bago ito tumalikod at humakbang paalis.

"Sandali!" habol ni Emerald.

Huminto ang lalaki.

"Sino ka ba talaga? Gusto kong malaman kung sino ka talaga!" pasigaw na tanong ni Emerald.

Matagal bago tumugon ang lalaki. "Nasabi ko na iyon, hindi ba? Ako si Shadow," mahinahong sabi nito.

"Shadow?" Umiling si Emerald. "Hindi iyon ang tingin ko. Si Nikela ang nakikita ko sayo!" giit niya.

Wala namang naging tugon ang lalaki.

Nagpatuloy si Emerald. "Kung ikaw nga ang Nikela ko, pakiusap lang bumalik ka na. Miss na miss na kita."

Humarap ang lalaki sa kanya.

Natigilan si Emerald. Nakita niya kasi sa mga mata nito ang tingin na katulad na katulad sa kanyang mahal.
"Nikela..."

"Kung sasabihin ko sayo na ako nga ang Nikela mo, sasama ka ba  sa akin? Papayag ka ba na umalis sa lugar na ito kasama ako?"

Biglang napangiti si Emerald.
Kung sinabi iyon ng lalaki, ibig sabihin, si Nikela talaga ito.
Ang kanyang Nikela.

Iniabot ni Emerald ang kanyang kamay.

Siyempre naman sasama siya.
Sasama siya kay Nikela paalis sa lugar na ito at babalikan nila si Yessa.
Sa ganoong paraan, mabubuo na ang pamilya nila.

Itinaas din ng lalaki ang kamay upang hawakan si Emerald.

Malapit nang mag abot ang kanilang mga kamay.

Teka.

Biglang napaisip si Emerald.
Kung aalis ako sa lugar na ito, paano ang mga kasamahan ko?

Agad ibinaba ni Emerald ang kanyang kamay.

Nanliit ang mga mata ni Shadow. "Akala ko ba, sasama ka sa akin?"

Napaatras si Emerald.
Ang saya isipin na mabubuo na ang pamilya nila, pero hindi iyon ang tamang gawin sa panahong ito.
Hindi lang siya ang dapat makaalis sa lugar na ito kundi ang lahat ng mga laya na kasama niya.

Alam iyon ni Nikela.
Iyon ang gagawin ng Nikelang kilala niya.

"Hindi ikaw si Nikela," sabi ni Emerald."Ang totoong Nikela, aalalahanin ang mga tao niya. Sino ka ba talaga?"

Ngumiti ang lalaki hanggang sa napatawa na ito nang malakas.
"Tama ka. Hindi ako si Nikela kaya itigil mo na ang pagtawag sa akin sa pangalang iyon," sabi nito bago ito tumalikod. "Siya nga pala." Muli nitong tiningnan si Emerald. "Sa kapangyarihang taglay mo, puwede kang pumasa na maging bahagi ng Royal Slave. Pag-isipan mo iyon," sabi nito bago ito tuluyang umalis.

Napailing lang naman si Emerald bago biglang napaupo sa lupa.
"Nikela."
Iyon ang huling salita na nabanggit niya bago siya tuluyang bumagsak at nakatulog sa lugar na iyon.



"Emerald!""

Bukod sa liwanag ng araw na tumatama sa kanyang mukha, nagising din si Emerald dahil sa pagtawag ni Zyra.

"Zyra?"

"Bakit dito ka natulog?"

"Ah!" Agad na tumayo si Emerald. "Umaga na pala. Ayos lang ba kayo?" tanong niya agad.

Malaking ngiti ang naging tugon ni Zyra.

"Emerald!" Si Lexus. Lumabas ito mula sa kuweba. Kasunod niya ang iba pang mga kasamahan.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now