Chapter 23 *Ang Pag-asa ng mga Alipin*

154 12 4
                                    

Maganda ang panahon.
Kulay bughaw ang langit. Payapa rin ang karagatan.
Gusto sana iyong pagmasdan ni Emerald. Gusto niyang makita ang dagat maging ang mga dolphin na kadalasang lumalangoy at naglalaro sa tubig. Gusto niya rin sanang damhin ang hangin at malapatan ng araw ang kanyang mga balat, subalit hindi niya magawa.
Isa na siyang alipin kung kaya't dinala siya sa isang silid na nasa ilalim na bahagi ng barko.
Mainit rito at medyo madilim.
Marami ring mga tao na kapares niya ang kasuotan--kulay abong roba. Ibig sabihin ay mga alipin din.
Sigurado siya na hindi galing sa Cronus ang mga ito.

Saan pa kaya sila nagmula? tanong ni Emerald sa isip. Kasabay noon ang pagpasada niya ng tingin sa mga alipin na nakaupo sa silid.
Mahigit sa dalawampu ang narito. May babae, lalaki, at may matanda rin.

Nagpasya si Emerald na maupo na rin sa isang sulok. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod at isinubsob doon ang kanyang mukha.
Hindi niya batid kung ano na ang mangyayari sa kanya, pero tiwala siya na magiging maayos din ang lahat.
Makikita niya si Nikela at maililigtas ito.

"Emerald."

Agad na napatunghay si Emerald ng makarinig ng isang pamilyar na boses.

Boses ni Leader. Natigilan si Emerald nang makita ang mukha ng kanilang leader na si Lexus.
Nananaginip ba ako?

Biglang ngumisi si Lexus. "Hindi ka nananaginip. Ako nga ito."

"Ano!" Agad na napatayo si Emerald.

"Nandito rin ako." Nagpakita rin si Zyra.

Napakunot ng noo si Emerald. Tumingin siya kay Lexus tapos ay kay Zyra. Naguguluhan siya. Paanong napunta rito ang dalawa?

"Ipaliliwanag ko kung bakit kami narito," sabi ni Lexus bago ito naupo sa sahig.

Umupo rin si Zyra. "Upo ka na rin," sabi nito kay Emerald.
Ginawa naman niya iyon Umupo siyang muli.
Kasunod noon ang pagkukuwento ni Lexus.

"Si Kisa ang dahilan kaya kami narito," simula niya. "Dumating siya pagkaalis mo at sinabi ang tungkol sa nga General."

"Masama ang aking ama. Alam ko iyon, pero naniniwala ako na hindi lahat ng general ay tulad niya kaya may pag-asa pa. May pag-asa pang mabago ang sistema tungkol sa mga alipin."

"Pagkatapos iyong sabihin ni Kisa ay bigla nang natanggal ng mga kasama natin ang mga posas nila. Nang mamatay si Shadow nawala na rin pala ang bisa ng kapangyarihan niya kaya nakagalaw na sila ng maayos, pero binalaan sila ni Kisa."

"Kapag kumilos kayo, mamamatay ang babaeng iyon. Tandaan n'yo, nasa ilalim siya ng kasunduan ng Fourth General."

"Hindi nga sila kumilos, pero meron silang sinabi."

"Ganito na lang. Sundan n'yo si Emerald at tulungan siya na hanapin si Superior Double Zero," sabi ni Weiss sabay tingin kay Kisa. "Matutulungan mo silang makasakay sa barko ng general, tama?"

Tumingin muna si Kisa sa kanila bago tumugon. "Oo."

"Magaling. Umalis na kayo ngayon, Zyra! Leader!" dagdag ni Weiss.

"Sigurado ba kayo?" tanong ni Zyra.

"Ayaw n'yo bang tulunhan si Emerald?"

"Siyempre gusto!" sabay na sabi nina Lexus at Zyra..

"Pero paalala lang!" may pahabol si Renz. "Susunod kami sa mga patakaran dito. Hindi kami gagawa ng kahit na anong gulo, pero sa loob lang iyon ng isang taon."

"Tama Si Renz," dagdag ni Jaz. "Ibig sabibin noon, dapat makabalik kayo rito kasama ang Superior sa loob ng isang taon."

"Kung hindi namin magagawa, kikilos na ba kayo?" tanong ni Lexus.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora