Chapter 38 * Huling Kabanata*

23 2 0
                                    

Hinawakan ni Nikela ang kamay ni Emerald. "Ang mabuti pa ay umalis na tayo sa lugar na 'to. Kunin na natin si Yessa at bumalik na tayo sa Venus."


"Ah... Babalik tayo sa Venus?"

"Hindi maaari!" Agad na kumontra si Azure. "Kailangan ni Lady Emerald iligtas ang mga alipin."

"Tumahimik ka d'yan. Gusto mo bang tapusin kita!" Binigyan ng masamang tingin ni Nikela ang lalaki.

"Nikela, tama ang sinabi niya," agad na sabi ni Emerald. Napatungo siya. "Alam kong alam mo na na ako ang royal slave kaya meron akong obligasyon." Muli siyang tumingin kay Nikela at binigyang diin ang kanyang huling mga salita. "Kailangan kong tulungan ang mga alipin!"

"Paano mo iyon gagawin? Mas mahalaga ba iyon kaysa mabuo ang pamilya natin?"

"Siyempre gusto kong mabuo tayo, pero inaalala ko rin si Yessa. Kakayanin niya bang mabuhay sa Venus?"


Biglang dumating sina Afrile, Lexus at Zyra.

"Superior!" Agad na yumuko si Afrile.

Sina Lexus at Zyra ay ganoon na rin Ang ginawa.

"Sabihin mo na ang lahat na maghanda dahil babalik na tayo sa Venus."

"Masusunod po!" sagot ni Afrile. "Siya nga po pala, may magandang balita si lady Emerald para sa ating lahat."

"Magandang balita?" ulit ni Afrile.

"Aba ang galing. Tumawag niyang lady si Emerald sa harap ng Superior," bulong ni Lexus kay Zyra.

"Oo nga." Napangiti lamang si Zyra.

"Anong balita 'yon?" tanong ni Nikela sabay sulyap kay Emerald

"Habang nagsasanay kami ni Lady Emerald, natuklasan namin na kaya ng kapangyarihan niya tanggalin ang salamangka na nakabalot sa Venus."

"Ano?" Napakunot ng noo si Nikela.

"Talaga Emerald?" Agad na napatingin si Lexus kay Emerald. "Kung gayon, maaari nang maging normal muli ang Venus. Wala nang light-years na aalalahanin!"

"Oo nga!" dagdag ni Zyra.

"Kung gayon hindi mo na kailangang aalalahanin ang magiging estado ni Yessa. Mas magiging madali na ngayon para sa atin ang bumalik sa Venus," sabi ni Nikela kay Emerald.

"Pero..." Hindi na nakausap si Emerald matapos makita ang matalim na mga mata ng kanyang asawa. "Nikela..." tangi niyang sambit.

"Maaaring asawa ka niya, ngunit bago iyon ay siya ang aming binibini. Siya ang pag-asa ng mga alipin! Kaya hindi mo siya puwedeng basta Kunin at ilayo sa kanyang obligasyon!" lahad ni Azure.

Biglang nagpalabas ng apoy sa kanyang kanang palad si Nikela.

Nagpakawala naman ng tubig si Azure.

"Sandali! Hindi n'yo kailangan maglaban!" awat agad ni Emerald

"Meron po akong suhestiyon!" Ang sinabing iyon ni Lexus ang nagpatahimik sa lahat. Tumingin sila sa lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now