Chapter 8 *Gabi ng Pag-iisa*

268 20 3
                                    

Day 2
A-20 points: 0

A-7 points: 10

Sabay na bumagsak ang papel ng A-20 at A-7.

"Ang galing, Lexus!" Napayakap si Zy sa kanilang leader. "Nagawa natin. Nakabawi ang grupo!"

"Binabati kita, leader. Tagumpay ang plano mo," nangingiting sabi ni Weis.

"Hindi ito magtatagumpay kung wala ang kooperasyon nyo. Tagumpay natin ito!" giit ni Lexus.

"Kahit na ganoon, ikaw pa rin ang nakaisip ng mga gagawin namin kaya sayo pa rin ang papuri," sabi ni Renz.

Napakamot ng ulo si Lexus. " Masyado nyo naman pinapalaki ang ulo ko, pero sige na nga! Tagumpay ang plano ko! Magaling ako!" Nagtaas pa ng mga kamay sa ere si Lexus.

Natawa si Emerald.
Kasunod niya ang iba pa.
Nagtawanan silang lahat.

"Sige na bumalik na tayo sa Cave. Ako ang magluluto. Titiyakin ko na magiging masarap ang pagkain natin ngayong gabi."

"Okey!" Napasigaw sa tuwa si Renz.

Tiningnan ni Lexus ang mga miyembro ng A-20 pagkatapos ay sinenyasan niya si Emerald gamit ang tingin.
Nakuha naman agad ni Emerald ang ibig niyang sabihin. Pinutol niya ang tali ng mga miyembro ng A-20 gamit ang espada.

"Magkita na lang tayo bukas. Humanda kayo dahil simula pa lang ito," paalala ni Lexus.

Bumalik na nga sila sa Cave.

Pagdating dito ay agad na gumawa ng apoy si Lexus para paglutuan.
Nakapuwesto ang apoy sa gitna ng Cave.
Tinulungan siya ni Clinton na magawa ito.
Si Emerald naman ang pumili ng pagkaing iluluto bi Lexus. Kasama niya sina Weis at Jaz habang sina Zy at Renz ay gumawa ng espesyal na inumin gamit ang katas ng mga prutas.

Sandaling oras lang ay natapos na ang kanilang paghahanda. Napuno ng masasarap na pagkain ang kanilang cave.

"Kain na tayo!" nasasabik na sabi ni Renz bago ito naupo sa harap ng ginawa nilang apoy.

Ganoon na rin ang ginawa ng iba pa.
Umupo sila paikot sa apoy at nagsimula na sa pagkain.

"Ang sarap naman nito!" napabulalas si Lexus matapos matikman ang inuming ginawa nina Zyra.

"Espesyal na inumin namin iyan. Tawagin na lang natin na sweety juice!" sabi bi Zy sabay kindat pa.

Uminom din si Emerald. "Parang sweet juice ito."

"Alam mo iyon? Iyon talaga ang gusto kong gawin kaso hindi ko nagawa."

"May ibang sangkap pa siguro na nilalagay ang mga taga fifth region sa sweet juice, Zy kaya hindi natin nagaya!" sabi ni Renz. Sa fifth region kasi ng Venus galing ang sweet juice.

Napangiti lang si Emerald bago itinuloy ang pag-inom. Iba man ang lasa, ipinapaalala pa rin nito sa kanya ang juice na paborito ni Nikela.

"Hindi ko alam kung ano iyong juice na sinasabi nyo, pero para sa akin masarap na itong ginawa nina Zy!"

"Salamat sa papuri, leader!"

"Talaga, leader? Hindi ka pa nakainom ng sweet juice?" tanong ni Weiss habang kumakain ng inihaw na karne. "Balita ko paborito iyon ni superior double Zero, ah," dagdag pa nito.

Natigilan sa pag-inom si Lexus.

"Mahilig ang superior sa sweet juice?" Hindi iyon alam ni Zy. Tumingin siya kay Emerald.

"Oo, pero ang alam ko mas gusto iyon ni Zero One kaysa ni Double Zero," sabi Emerald.

"Ha?" Napakunot ng noo si Zy.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon