Chapter 6 *Unang Araw*

233 13 3
                                    

Malaki ang ngiti sa labi ng buong A-7 nang makakita ng kagubatan.
Si Jaz ang nakahanap sa lugar na ito.
Bukod kasi sa pagbabasa ng klima ay may alam din ang lalaki sa paghanap ng lugar at mga direksyon.

Nasa tapat na nga sila ng gubat ngayon. May dala silang kanya kanyang sisidlan ng tubig at mga sibat na yari sa kahoy. Si Lexus ang gumawa nito.
Ito na muna ang gagamitin nila sa pangangaso.

"Hahatiin natin ang grupo natin sa tatlo. Sa kanan sina Weis at Jaz. Sa kaliwa sina Zy, Renz at Clinton. Kami sa gitna ni Emerald. Magkitakita tayo sa gitna ng gubat bago magtanghali. Maliwanag ba?"

"Walang problema!" may pananabik na wika ni Zyra.

"Isang daang hayon ang target natin. Tayo na!"

Kanya kanya na nga ng takbo ang pito papunta sa kani kanilang pwesto.

Parang katulad lang ito ng dati, naisip ni Emerald.
Noong nasa Venus pa siya, madalas siyang mangaso. Espada ang gamit niya noon, pero wala siya nito ngayon kaya walang pagpipilian kundi gamitin ang tulos na ginawa ng kanilang leader.

Hindi naman siya nabigo. Kahit pa kanang kamay na lamang ang nagagamit niya ay nagawa niyang makahuli agad ng usa.
Marami pa silang nakita na sabay nilang hinabol ni Lexus.
May baboy ramo rin na sumugod sa kanila na mabilis naman nilang napabagsak.

Halos tatlong oras ang ginugol nila sa panghuhuli ng mga hayop.

Nang magtanghali na ay nagkita kita na sila tulad ng napag-usapan.

Nasa limampu agad ang nakuha nila.

"Walang kahirap hirap!" May pagmamayabang na sabi ni Zyra.

"Pero kulang pa," singit ni Renz.

"Mahaba pa naman ang oras. Kayang kaya pa natin iyon habulin!" dagdag ni Zyra.

"Tama. Ang mabuti pa kumain na muna tayo bago magpatuloy," sabi naman ni Lexus.

"Ako na ang babalik sa cave natin para kumuha ng pagkain. Hintayin nyo ko." Nagprisinta na si Weis.

"Samahan na kita." Pati si Jaz. Silang dalawa nga ang umalis.

"Kumusta kayo?" Tinanong ni Lexus ang mga kasamahan.

"Ayos lang naman kami," sagot ni Renz bago ito uminom ng tubig.

"Doon tayo mangaso mamaya sa may ilog," suhesyon ni Zyra. "Malakas ang kutob ko na marami tayong mahuhuli ron."

"Gustong gusto mo talaga ang pangangaso a," puna ni Renz.

"Siyempre naman. Gawain ko ito."

Napangiti si Emerald habang nakikinig sa dalawa. Napatingin din siya kay Clinton. Napansin niya na sira ang kanang manggas ng damit nito at parang may galos ang braso. "Napaano ang braso mo?" tanong niya.

"Wala ito." Agad na tinakpan ng lalaki ang kanang braso.

"Sigurado ka bang ayos lang yan?" tanong uli ni Emerald.
Napatingin na rin tuloy sina Lexus, Renz at Zyra kay Clinton.

"Anong nangyari riyan?" tanong ni Lexus

"Wala ito. Nadali lang ako kanina sa sanga ng puno," sabi ni Clinton.

"Masyado akong abala sa pangangaso. Hindi ko napansin na nasugatan ka Cleff," sabi ni Zyra

"Galos lang naman ito. Saka Clinton ang pangalan ko."

Ngumiti lang si Zyra
Napangiti na rin si Emerald.
Mabuti at galos lang iyon. Akala niya kasi ay tulad ng naging sugat niya sa braso. Mabuti naman at hindi.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon