Chapter 24 *Ang Subastahan*

114 11 4
                                    

Napaawang ng labi si Emerald nang makita ang isang malaking gusali sa kanyang harapan. Hugis bilog ito at gawa sa semento.
Mayroon itong mga bintana na yari sa salamin, samantalang ang maliit na pintuan naman nito ay gawa sa bakal.
Sa pintuang iyon pumasok sina Emerald.

Ang gusaling ito ay ang kilalang Mercado ng Bayan ng Mateus.
Ang daang pinasukan nina Emerald ay ang likod na bahagi nito. Sa harapan ng Mercado ay mas maganda ang mga palamuti. Mas malaki ang mga bintana at ganoon na rin ang tarangkahan kung saan binabati ang mga mamimili na kadalasan ay mga maharlika.

Maliit na pasilyo lamang ang dinaanan nina Emerald. Walang makikita sa daang iyon kundi ang mga ilaw na nasa dingding.

Nangunguna sa paglakad ang Fourth General. Nasa likod niya ang dalawa niyang tauhan. Kasunod na nito ang mga nakapilang alipin.
Magkakatabi sa bandang likod sina Emerald, Zyra, Lexus at ang bago nilang nakilala na si Kristal.
Sa likod nila ay may tatlong tauhan ang fourth general na nakabantay.

Biglang napakapit si Zyra kay Lexus.

"Bakit?" tanong ni Lexus. Nakita niya na nanginginig ang dalaga. "Ayos lang iyan, Zy. Huwag kang matakot," sabi na lang niya.

"Sa lugar na ito ginaganap ang subastahan. Ibig sabihin, dito nakasalalay ang magiging kapalaran natin. Nakadepende iyon sa taong makakabili sa atin. Kung mabait sila, suwerte tayo. Kung masama naman, wala na tayong magagawa," sabi ni Kristal.

"Leader, kung maibebenta tayo at mapupunta sa kung saan, paano pa natin mahahanap ang Superior?" bulong ni Zyra.

"Kung ganoon nga ang mangyayari, tuloy pa rin ang plano. Kahit magkakahiwalay tayo, hahanapin pa rin natin ang mga Hashke. Sila lang kasi ang makakatulong sa atin," sagot ni Lexus.

"Gagawin ko ang makakaya ko para makatulong, leader," ani Zyra.

"Sige Zy. Umaasa ako sayo, pero hindi na ko leader ngayon kaya puwede mo na akong tawagin sa pangalan ko.

"Lotus?"

Napahawak sa noo niya si Lexus.
"Kaya nga pala nagpatawag ako na leader dahil mali mali ka. Iyong totoo, Zyra ba talaga pangalan mo?"

Ngumit lang si Zyra.

"Bilisan n'yo!" utos sa kanila ng tauhan ng fourth general.

Narating nila ang dulo ng pasilyo. Mayroon ditong malaking pintuan. Pagbukas nito ay makikita ang isang malawak na silid na walang anumang laman.
Wala rin bintana kundi isang maliit na pintuan lamang.

"Ito na ang simula," sabi ng Fourth General bago siya humarap sa mga alipin.

Naging senyales iyon sa mga tauhan niya para lapitan ang mga bilanggo. Nilagyan ng mga ito ng posas na may mga numero ang bawat isa.

"Ang nag-iisang pintuan na nasa likod ko ay ang papunta sa entablado kung saan kayo ipiprinsinta sa mga maharklika.
Papasok kayo sa oras na tawagin ang inyong mga numero," sabi ng Fourth General.

"Mukhang magagandang kalidad ang dala mo." Isang boses ang narinig ng lahat mula sa pintuan. Sa pagbukas nito ay lumabas ang isang lalaki na matangkad at may mahaba at kulay abong buhok.

"Third general!" Agad na yumuko ang mga tauhan ng Fourth General.

"Maaasahan ka talaga," sabi ng Third General sabay tapik sa balikat ng Fourth.

Ngumisi lamang ang Fourth General.

Nagkatinginan sina Emerald at Lexus.

Kung gayon, siya pala ang Third General, naisip ni Lexus. Napatingin siya kay Zy. Nakita niya na muling bumalik ang panginginig nito.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now