Chapter 16 *Ang Sikreto ng Cronus*

206 17 8
                                    

"May dalawang klase ng mga slaves.
Ang mga royal slaves at mga common slaves.
Ang mga royal slaves, bagama't may lahing alipin ay nagiging malaya dahil sa taglay nilang kapangyarihan.
Pinaniniwalaan na nagsimula ang kanilang lahi sa mga maharlika na ipinatapon dahil nagtataglay ng isinumpang kapangyarihan.
Ang mga common slaves naman-- dahil hindi raw espesyal at walang kapangyarihan ay habang buhay na ang pagiging alipin."

Ganoon sinimulan ni Zyra ang pagsasabi ng mga nalalaman niya. Nakatayo siya malapit sa pasukan ng Cave. Nakaharap siya sa mga kasamahan na lahat ay nakatuon sa kanya. Nakaupo sina Emerald, Renz at Lexus habang nakasandal naman ang iba sa dingding ng kuweba.

"Ngayon ko lang nalaman ang tungkol diyan. Dalawa pala ang klase ng mga slaves?" sabi ni Lexus.

Tumango si Zyra.

"Maharlika na may isinumpang kapangyarihan? Parang may narinig na nga ako tungkol doon," komento naman ni Clinton.

"Pero malalakas ba sila?" pahabol na tanong ni Weiss.

"Ang alam ko, nakabase sa dugong nananalantay sa kanila ang kanilang kapangyarihan," sagot ni Zyra. "Pero narinig ko na karamihan sa kanila ay mga half na lamang. Mayroon din na halos kaunting dugo na lamang ng pagiging royal slave ang tinataglay. Nagsimula lang kasi sila sa iisang maharlika na may isinumpang kapangyarihan. Nagpakasal ito sa hindi niya kauri kaya hindi na nakapagtataka na mahati na ang dugo nila."

"Kung gayon, hindi na buo ang kapangyarihan ng mga royal slave," ani Lexus.

"Oo, pero kahit ganoon nagawa pa rin nilang kontrolin ang mga common slaves," dagdag ni Zyra.

"Ano? Kinokontrol nila ang mga common Slaves?" Napatayo si Renz mula sa pagkakaupo.

"Oo, Renz," mabilis na sagot ni Zyra.

"Kaya pala mga royal slave ang namumuno rito." Nalinawan si Lexus.

Bumalik naman sa pagkakaupo si Renz.

"Pero paano iyon nangyari? Paano nila nagawang kontrolin ang mga common slaves?" nagtataka si Jaz.

"Nagsimula iyon nang mabuo ang Royal Slave Council dalawampung taon na ang nakararaan," sagot ni Zyra.

"Royal Slave council?" tanong ni Emerald.

"Ang Royal Slave Council ay samahan na pinangungunahan ng apat na royal slave na tinatawag na Four Generals. Nakakalat sila sa apat na lugar. Sa Aries, sa Poseidon, sa Mateus at dito sa Cronus. Ang Fourth General na si Kisabo ang namamahala sa lugar na ito."

Nagkatanginan ang lahat.
Nagpatuloy naman si Zyra sa pagkukuwento.

"Nakatalaga si General Kisabo sa paghahanda at pagbebenta ng mga alipin. Siya rin ang nagpapatupad ng batas na kapag labing anim na taong gulang na ang isang common slave ay kailangan nang dalhin dito sa Cronus.
Nakikipagnegosasyon din siya sa ibang mga lugar na nagnanais magtapon ng mga kriminal para gawing mga alipin."

"Sandali. Ibig bang sabihin, nakipag-usap siya sa Liro para dalhin tayo rito?" tanong ni Emerald.

Napatungo si Zy. "Hindi ako sigurado, pero baka nga ganoon ang ginawa nila."

"Iyong ibang mga general, anong ginagawa nila?" Interesado roon si Weiss.

"Ang Third General ang namamalakad ng malaking subastahan sa Mateus. Pinapangalawahan niya si General Kisabo sa pagsu-supply ng mga alipin sa iba't ibang kaharian.
Ang Second General naman ay nasa bayan ng Aries. Nagsasanay siya ng mga Royal Slave. Iyong mga royal slave na nagbabantay rito, galing sa kanila.
Ang panghuli, pero pinakamalakas ay ang First General.
Siya ang namamahala sa pananakop.
Isa rin kasi iyon sa hangarin ng mga royal Slave-- ang manakop ng mga maliliit na bansa.
Pinamumunuan din ng first general ang paghahanap sa pure royal slave. May nakapagsabi kasi na mayroon pang isang royal slave na ipinanganak na may purong dugo."

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon