Chapter 35 *Ang Kanilang Adhikain*

33 3 2
                                    

Sa Bayan ng Poseidon.

May isang malaking kastilyo sa gitna ng kakahuyan.

Dito namamalagi ang First General kasama ang mga tao niya na royal slaves.

"Siguro'y batid mo na. May nagpakitang dragon," sabi ng Fourth General.

Kasalukuyan ngayong nagpupulong ang tatlong general sa isa sa mga silid sa kastilyo.
Hindi nila kasama ang Ikalawang General.

"Magiging malaking problema para sa atin kung kakalat ang balita tungkol sa dragon," wika naman ng Ikatlong General.

"Ano ang ating gagawin? Susugod na ba tayo? Ang akala ko ba ay alam mo ang iyong ginagawa?" tanong muli ng Fourth.

"Huwag kayong mabahala!" Ngumiti ang First General. "Ang totoo'y hindi ko inasahan ang paglitaw ng dragon, ngunit sigurado naman ako na mabilis ko lang siyang matatalo dahil nasa akin ang pinakamalakas na sandata sa mundo."

Ang tinutukoy ng First General ay si Nikela. Kasalukuyan itong nagbabantay sa may pintuan ng silid pulungan nila.

"Ngunit First General, gaano ka katiyak na habang buhay mo siyang mapapasunod?" tanong ng Third.

Umiling ang First General. "May limitasyon ang pagkontrol ko sa kanya kaya naman inihanda ko na ang aking sarili upang makuha ko na ang kanyang kapangyarihan."

"Kung gayon..." Halos kuminang ang mga mata ng dalawang general. Hindi sila makapaniwala na magiging napakalakas ng kanilang pinuno.
Kung mangyayari iyon, wala nang makakapigil sa kanila.

Ang tunay na layunin ng mga ito sa pagbubuo ng konseho ay upang gawing sistematiko ang kanilang samahan.
Nais din nilang maging mataas ang tingin sa kanila ng mga maharlika.
Oo at mga alipin sila, ngunit dahil sa kanilang kapangyarihan ay umaasa sila na magkakaroon pa rin sila ng magandang estado sa lipunan, subalit hindi iyon nangyayari.
Kahit malakas sila, nakadikit pa rin sa kanila ang salitang alipin.
Kaya nga hinahangad nila na makakuha pa ng mas maraming bansa. Magtatayo sila ng sarili nilang kaharian.

Apat sila na nagkaisa noon, subalit iniwan sila ng Ikalawa.
Mas pinanigan nito ang mga common slaves na patuloy ang daing at reklamo sa kanilang ginawang sistema.

"Tayo na!" utos ng First General kay Nikela.
Nauna siyang lumakad. Nakasunod naman sa likod niya si Nikela.
Lumakad sila sa mataas na hagdan. Patungo iyon sa tore ng kanilang kastilyo.

Oras na upang isagawa ang seremonya. Oras na upang maging pinakamakapangyarihan.
Tatapusin ko kayong mga dragon.
Kayo na nang-iwan sa akin sa ere! sabi ng First General sa isip.

May isang kawal na nakakita sa First General kasama si Nikela. Batid sa mukha ng kawal ang pag-aalala. Agad itong tumakbo palabas ng kastilyo.

"Hashke ng Wall, Afrile! Naririnig mo ba ko?"

Natigilan si Afrile nang may marinig na boses ng isang hashke.

"Alam ko na naririnig mo ko. Narito ako sa Bayan ng Poseidon. Narito ang mga general! Narito rin ang Superior! Balak nang kunin ng First General ang kapangyarihan ng Superior. Kapag nangyari iyon, katapusan na natin!"

Kasalukuyang nagpapahinga ang grupo nina Afrile Moon nang dumating ang mensaheng iyon.

"Kaya mo na ba!" tanong agad ni Afrile may Emerald. "Kailangan na natin magmadali bago pa tuluyang makuha ang kapangyarihan ng Superior!"

Tumango si Emerald.
Hindi naging madali para sa kanya ang ginawa nilang pagsasanay, ngunit masaya siya na ginawa niya iyon. Nakausap niya ang mga dragon.
Wala na ang Wind at Earth Dragon, ngunit  nandiyan pa ang Fire at Water Dragon.
Ang dalawa ang nagligtas sa kanya sa kamay ng First General.
Ang totoo kasi ay ang First General ang napili ng langit upang maging tagapangalaga ng Pure Royal Slave, ngunit dahil sa masamang layunin nito---gusto nitong kunin at gamitin ang kapangyarihan ng Pure Royal Slave sa masama. Lumayo ang mga dragon. Inilayo rin si Emerald.

"Maghanda na ang lahat! Pupunta na tayo sa Poseidon!" pahayag ni Afrile.

Mabilis na kumilos ang lahat.

Hintayin mo ko, mahal mo ko. Sa pagkakataong ito, Ako naman ang magliligtas sayo, ani Emerald sa sarili.

Samantala...

Nasa tore na Ang First General kasama si Nikela.

"Matatapos na rin ang mga pang- aalipusta. Ako na ang magiging pinakamakapangyarihan."

Tumingin ang First General kay Nikela.

"Bukod sa Pure Royal Slave, meron pang natatanging lahi na nabuhay at ikaw iyon. Isang maharlika at purong Nylan. Pero sandali..." Napaisip siya.

Hindi na lingid sa kanyang kaalaman na nagkagustuhan ang may dugong Maharlika at Nylan at ang Kanilang Pure Royal Slave. "May anak ba kayo?" tanong niya. Napangiti siya sa ideyang iyon. "Kung meron, ibig sabihin napakalakas ng kapangyarihan niya. Kailangan ko iyong makuha. Kailangan iyong mapasaakin!"
Natigilan ang First General nang makita ang nanlilisik na mga mata ni Nikela. "Mukhang malapit na talagang nawala ang kapangyarihan ko sayo... Kung gayon, bago pa mahuli ang lahat. Kukunin ko na ang nararapat para sa akin!" Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Nikela. Kasabay noon ang pagsambit niya ng mga orasyon.
Habang iwiniwika iyon ay nagliliwanag si Nikela.

"Wala na. Tapos na tayo!" sigaw ng kawal sa iba pang mga kawal. Makukuha na niya ang kapangyarihan ng Superior!"

Natigilan si Afrile Moon sa pagsakay sa barko.

"May problema ba?" tanong ni Lexus.

Biglang bumagsak ang mga tuhod ni Afrile. Napaupo siya sa lupa.

"Anong problema!" tanong agad nina Lexus.

"Tapos na. Tapos na tayo," sabi ni Afrile.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Emerald.

"N-Nakuha na niya. Nakuha na niya ang kapangyarihan ng Superior!"

Natigilan si Emerald sa narinig.

Si Zyra ay napatakip ng bibig.

Napailing naman Sina San at Lexus.

"Paano na? Ano bang gagawin natin ngayon?" tanong ni Zyra.

"Wala na. Tapos na tayo!" giit ni Afrile. "Nawalan na rin ng pag-asa ang mga Hashke. Gusto na nila ngayong bumalik sa Venus. Sa palagay ko kailangan na itong maipaalam kina Superior Echezen at Superior Dustin. Baka sila, may nagawa."

"Ganon na lang ba iyon? Susuko na tayo?" tanong ni Emerald.

"Bakit? May alam ka bang paraan para talunin ang kalaban? Sa tingin mo ba sasapat ang kapangyarihan mo ngayon laban sa kapangyarihan ng Superior? Malabo iyon!'

"Wala akong pakialam!" sagot ni Emerald. "Azure!" biglang tawag ni Emerald.

Isang dragon na kulay asul ang biglang lumabas mula sa dagat.

Gulat na gulat sina Lexus sa paglabas nito.

Sumakay si Emerald sa likod ng water dragon.

"Dalhin mo ko sa  Poseidon, ngayon din!" utos ni Emerald.

"Sandali!' habol ni Afrile. "Anong binabalak mo!"

"Lalaban ako at babawiin ko si Nikela! Wala akong pakialam kung matalo man ako basta kailangan ko siyang mabawi!" sabi ni Emerald bago lumipad paalis ang dragon.

Napangiti si Afrile.
"Ano bang iniisip ko? Isa akong hangal!" aniya. Tumayo siya nang tuwid.
"Lahat kayong mga Hashke, makinig kayo! Kung ayaw n'yo nang lumaban, sige, umalis na kayo! Pero kung gagawin n'yo iyon, huwag n'yo nang asahan na magkakalugar pa kayo sa Venus! Sa ngayon, hindi na natin prioridad na manalo o tapusin ang mga kaaway! Ang layunin natin ay ang bawiin ang ating Superior!"

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now