Chapter 9 *Kapangyarihan*

227 17 9
                                    


Lumabas na ang leader ng A-20.
Medyo madilim sa puwesto nina Emerald kaya hindi sila nito napansin.

Hindi na rin naman binigyan ng pansin ni Emerald ang lalaki.
Minabuti niya na ipasok na rin sa loob ng kuweba si Zyra.

Kailangan kong makahanap ng lunas, naisip ni Emerald habang napapakagat ng labi.
Hindi niya maipaliwanag ngayon ang nararamdaman.
Naghahalo ang galit, pagtataka at kawalang pag-asa sa kanyang sarili.
Nariyan din ang pagmamadali na batid niyang kailangan niyang gawin, dahil nasa piligro ang buhay ng kanyang mga kasama.

Muli niyang nilisan ang kuweba taglay ang pag-asa na may mahingan ng tulong.

Hindi na niya alintanan ang biglang pagbuhos ng ulan.
Muling pumunta sa kuweba ng ibang mga alipin si Emerald, subalit karamihan ay may harang tulad ng nauna na niyang nga nakita.

Gayunpaman ay tumawag pa rin siya.

"Saklolo! Kailangan ko po ng tulong!"

Kahit anong tawag niya, walang tumutugon.

Hindi ito maaaring magpatuloy.
Wala ng oras.
Baka habang naghahanap siya ay hindi na kayanin ng kanyang mga kasamahan.

Muling tumakbo si Emerald.
Patuloy pa rin siyang naghanap hanggang sa may mapansin siyang liwanag sa isang daan papunta sa kakahuyan.
Napahinto si Emerald.
May kakaiba sa lugar na iyon, sabi niya sa isip. Agad siyang nagdesisyon na tuntunin ang daang iyon.
Napahinto siya at napabuka ng labi nang makita na may bahagi ang gubat na hindi binabagsakan ng ulan.

Sa bahaging ito ay may isang babae na sumasayaw.

Napakaganda niya, naisip ni Emerald.

Nakasuot ito ng kulay rosas na kimono.
Nakalugay rin ang mahaba nitong buhok.

Sandali. Kilala ko siya! Napangiti si Emerald ng mamukhaan ang maganadang babae.

"Ikaw si Kisa, hindi ba?"

Bigla itong napahinto sa pagsayaw at napatingin sa kanya.

"Doktor ka, hindi ba? Kalangan ko ng tulong! Tulungan mo kami!" Tumakbo si Emerald palapit kay Kisa.
Bigla siyang napahinto sa paglapit dito nang makapasok siya sa loob ng bahaging hindi binabagsakan ng ulan.

Kakaiba sa pakiramdam ang hatid nito.
Hindi siya salamangkero, ngunit alam niya agad na binabalot ito ng kapangyarihan.

"Hindi ka dapat basta pumapasok sa teritoryo ng may teritoryo," saad ni Kisa.

"Patawad. Kailangan ko lang talaga ng tulong."

"Tulong tungkol saan?"

"Nalason ang mga kasamahan ko."

"Nalason?" Sandaling tumahimik si Kisa. "Sige, tutulong ako," sabi nito.

Kasunod noon ang pagkawala ng liwanag sa lugar nila.
Sakto naman ang paghina ng malakas na ulan.
Parang may kakaiba. Nakokontrol ba ni Kisa ang panahon? tanong ni Emerald, pero hinayaan na lang niya.
Mas importante na madala niya ang doktor sa kanilang kweba.

Nagawa naman niya.
Mabilis silang nakabalik sa cave.

Agad nilapitan ni Kisa si Renz. Sinuri niya ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata.
Ganoon din naman ang ginawa nito kina Weis, Jaz at Clinton.
Habang hinawakan naman nito sa noo sina Lexus at Zyra.

"Nalason nga sila," sabi ni Kisa. Kinuha nito ang isang bote ng sweet juice na nakakalat sa sahig. Inamoy niya iyon.
"Hinaluan ng lason na galing dito sa Cronus ang inumin na ito. Kailangan na agad nilang makainom ng pangontra bago pa mahuli ang lahat," saad ni Kisa bago niya itinali ang kanyang buhok.
"Gagawa ako ng gamot. Dalhan mo ako ng mga gamit."

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Место, где живут истории. Откройте их для себя