Chapter 7 *Pagbawi*

250 18 2
                                    

Hindi matanggap ni Zyra ang  resulta ng unang araw nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi matanggap ni Zyra ang resulta ng unang araw nila.
Umiiyak siya habang hawak ang papel.

"Huminahon ka lang, Zy. May limang araw pa. Babawi tayo!" sabi ni Lexus.

Doon lang natahimik si Zy. Habang ang iba ay napangiti dahil sa nakikita nilang determinasyon sa mukha ni Lexus.

Babawi sila.
Babawi ang A-7.

Day 2.

Hindi pa sumisikat ang araw, bihis at nakapila na ang A-7.

Sila ang nauna.

Nang magpakita ang liwanag ay isa isa nang dumating ang iba pang mga grupo.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang roll call.

"A-7 All present!" malakas at buong buo ang sigaw ni Lexus.

Hindi sigurado si Emerald, pero may palagay siya na hindi na makapaghintay ang kanilang leader na makabawi.

Pagkatapos ng roll call ay bumalik na agad ang mga grupo sa kanikanilang Cave.

"Bilisan nyo nang kumain, may meeting tayo pagkatapos," sabi ni Lexus.

Nagsimula na si Renz sa pagkain.
Sumunod naman ang iba pa.

"Leader, kumain ka rin," sabi ni Emerald.

"Okey lang ako," sagot nito.

Natapos na ngang kumain ang lahat.
Maliban kay Lexus na tila walang gana.

"Handa na ba kayong makinig?" tanong niya sa mga kasama.

Tumango ang lahat.

"Mabuti. Una sa lahat gusto kong humingi ng tawad." Yumuko si Lexus. "Pinagkatiwalaan nyo ko pero binigo ko kayo sa unang araw pa lang kaya patawad."

"Leader..." sabay na sambit nina Emerald at Zy.

Muling humarap si Lexus sa mga kasamahan. "Pero tulad ng sinabi ko kahapon, babawi tayo."

May plano si Lexus.

Plano na isasagawa nila sa araw na ito.

Katulad sa unang araw ay hinati uli ng A-7 ang kanilang grupo sa tatlo.
Sina Clinton at Zy ang naging magkasama.
May hawak nang espada si Zy habang pana naman ang dala ni Clinton.
Ito ang gagamitin nila sa pangangaso.

Mabilis nilang narating ang gitna ng kagubatan.
Ang tahimik.
Tila walang bakas ng mga hayop.
"Iba ang pakiramdam ko ngayon. May ginawa na ba ang A-20?" hula ni Clinton.

Bigla silang nakarinig ng alulong ng lobo.

Nagkatinginan pa sina Zy at Clinton bago sabay na tumakbo patungo sa pinanggagalingan ng alulong.

Napahinto sila nang may makitang malaking bato na nakaharang sa daan.

"Ano ito? Bakit may harang dito?" Nagtataka si Zyra. Kahapon kasi ay wala naman ito.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now