Chapter 4 *Cronus, Ang Lugar ng mga Alipin

314 29 17
                                    

A/N: Nagdecide ako na magbalik loob na sa pagsusulat.
Ang goal ay makapag update every week.
Salamat sa mga walang sawa na naghintay at nag-comment dito para iremind at iinspire ako na bumalik.
Last time, nabanggit ko na nasira ang tablet ko (kaya walang magamit. Thanks to my sister binigyan ako ng fone para may magamit pang type)
Nawala rin ang outline (at ilang chapter na unedited) na nagawa ko na para sa story na ito... Kaya pinanghinaan ako ng loob na ituloy pa ito... Pero ito na nga, itutuloy ko pa rin.
~start from scratch~
Nag-reread ako at gumawa ng bagong outline.
Medyo naiba sa unang nagawa ko. I hope magustuhan nyo pa rin.
Salamat sa pagbabasa.

PS pafollow naman sa twiter at pasubscribe sa youtube
Mimi's Venture
SayuriMa

PPs 91k reads na ang PIV. Road to 100k :)

***

Sunod sunod ang mga pagsabog, pagbagsak at pagguho ng mga gusali sa isang lugar.

May mga tao na nasaktan.
Duguan sila at nakahandusay.

Sa gitna ng pagkawasak na iyon ay may makikitang dalawang lalaki na nananatili pa ring nakatayo.

Ang una ay si Double Zero.

"Tapusin na natin ito," hamon niya.

Taglay niya pa rin ang imahe ng pagiging Superior.
Sa kanyang pananamit.
Sa kanyang tindig.
Subalit bakas ngayon sa kanyang mukha ang labis na galit.

"Kamahalan..." may pang iinis na wika ng isa pang lalaki.

Hindi nagustuhan ni Double Zero ang sinambit niya.

"Hindi ako nagpunta rito para labanan ka," pagpapatuloy nito. "Hindi ko naman hangad ang iyong buhay. Ang nais ko ay ang iyong ala-ala!"

"Nikela!" Biglang napabangon si Emerald.
Nananaginip lang pala siya.

Nasaan ako? Napatanong si Emerald.
Nakita niya ang sarili sa loob ng isang kuweba. Nakahiga siya sa isang maliit na banig. May mga kasama siya na tulad niya ay nakahiga rin sa maliit na panlatag na iyon. May isa na sa lupa na natulog.
Sa gitna nila ay may lampara na tangi nilang pinagkukunan ng liwanag.

Dito na nga pala ako titira.

Tama. Dito na muna mamumuhay si Emerald---hindi na bilang bilanggo kundi isang alipin.
Parang mas malalala ito.
Kuweba lang talaga ang tulugan?
At pito pa sila na narito.

Napahawak si Emerald sa ulo niya.
Muli niya kasing naalala ang kanyang panaginip.

May isang lugar na winasak.
Nasa lugar na iyon si Nikela at mayron siyang kasama.
Maaaring isa sa kanila ang sumira sa lugar.
Pero bakit?
Hindi sigurado si Emerald.
Limitado kasi ang detalye sa panaginip niya, pero isa ang malinaw.
Sinabi ng isang lalaki na gusto nitong kunin ang ala-ala ni Nikela.

May kaugnayan kaya ang panaginip na iyon sa kalagayan ngayon ni Nikela?

Naisip ni Emerald si Shadow. Shadow daw ang pangalan nito pero kitang kita naman na ito si Nikela.
Kung nawalan nga ito ng alaala, may posibleng totoo ang panaginip niya.

"Gising ka na agad?" Biglang may pumasok na babae galing sa labas.

"Ikaw iyong..." Ito iyong nag-iisang babae na kagrupo ni Emerald. Matangkad ito. Morena ang kulay at may mahabang buhok. Nakasuot ito ng kulay rosas na pang itaas at pantalon na butas butas ang disenyo.

Ngayon lang napansin ni Emerald na nawala pala ito. Puro lalaki na lang pala ang kasama niya.
"Saan ka galing?"

"Naghilamos lang ako sa may ilog," sagot ng babae. "Grabe naman kasi sa lugar na ito. Wala man lang maayos na tulugan at palikuran. Mabuti pa sa Venus."

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon