Chapter 29 *Sen*

44 4 2
                                    

A/N: Eksaktong 1 year bago nakapag-update uli. 

Pasensiya na sa mga naghintay, kung meron man. I lost may outline sa phone ko, dahil nasira (even mga drafts na natype ko na). Sabi ko, babasahin ko muna uli ang PIV at itong Royal Slave para makagawa ng bagong outline, pero hindi kinaya sa dami ng responsibilidad.

Anyway, I will try to update 2 times a week. (or more kung kakayanin)

Ito muna ngayon ang update. I'll update again and pagkatapos nito ay may nakalinya na na bagong fantasy story.

I hope may magbasa pa rin.



****


Bakit ipinanganak akong alipin?

Madalas iyong itanong ng batang si San sa mga taong nakapaligid sa kanya, subalit walang nagbibigay ng kasagutan.

Hanggang sa nakilala niya ang taong iyon. Isang lalaki na sa wakas ay nakapagbigay ng sagot.

"May dahilan ang lahat. Katulad ng dahilan na nagkita tayo ngayon," simula nito. "Para sa akin, ang tanong mo mismo ang dahilan kung bakit ka isinilang na alipin. Dahil misyon mo na alamin ang kasagutan roon.:

"Misyon ko na alamin kung bakit ako alipin?" ulit ng batang si San.

Tumango ang lalaki.

"Pero kayo po, hindi naman kayo ordinaryong alipin, hindi ba? Isa kayong royal slave. Mga alipin kayo na nakatataas dahil mayroon kayong mga kapangyarihan. Gusto ko rin sanang maging katulad mo. Gusto ko rin maging royal slave," dagdag ng batang si San.

"Mali ka. Iisa lang ang royal slave. Titulo iyon ng ating hari. Iyong mga namumuno lang sa atin ang tumawag sa kanilang mga sarili na royal slave para guluhin ang utak ng mga tao. Sa totoo lang special slave ang tawag sa amin. Ibig Kong sabihin, sa atin."

"Sa atin?"

Hinawakan ng lalaki ang batang si San sa balikat.

"San, hindi mo na kailangan hilingin na maging special slave dahil nananalantay iyon sa dugo mo. Isa kang Special Slave."

Tila nagkaroon ng panibagong tanong sa mga mata ng batang si San.

"Gusto mo ba akong samahan? Samahan mo ko sa misyon ko," sabi pa ng lalaki.

"Ngayon, naalala na kita," biglang sabi ng batang San. "Isa ka sa mga general."

Mahabang katahimikan ang namayani nang mabunyag kung sino ang lalaking kaharap ng batang San.

Tama. Isa ito sa apat na General.

Ito ang ikalawang General.

***

"Ano bang sinasabi mo? Wala naman nagbago sayo," sabi ng lalaki na may magarang damit. "Ang Mabuti pa ay tapusin ko na kayo!" Nagpitik ito ng daliri. Kasunod noon ang lalong paggalaw at pagtaan ng putik.

Tuluyan nang nalunod sina Lexus at San.

Tumawa nang malakas ang lalaking may magarang damit. Isa iyong malakas na tawa na unti unting naglaho nang makita niya na nagliliwanag ang dalawang lalaki sa kanyang harapan.

"Paanong?"

May tila bula na nakabalot kina Lexus at San na siyang nagprotekta at nagpalutang sa kanila.

"Ikaw ba ang may gawa nito, San?" tanong ni Lexus.

"Hindi ako si San," sabi ng lalaki sabay tuon sa lalaking may magarang damit. "Handa ka na bang mamatay?"

"Anong sinabi mo? Hindi mo ba ako kilala? Alagad ako ng prinsipe. Isa akong Royal Slave!"

"Tumahimik ka! Hindi ka Royal Slave! Nag-iisa lang iyon!"

"Ano?"

"Pero tulad mo, isa rin akong special slave!" sabi ni Sen sabay lukso palapit sa laaking may magarang damit. Agad niya itong hinawakan sa bibig at mabilis na naiumbog sa putik.

Biglang bumalik sa normal ang kinarorooan nila.

Napaawang ng labi si Lexus nang makita na bumubula ang bibig at halos wala nang buhay ang lalaking may magarang damit.

"A-Anong ginawa mo sa kanya?"

"Hindi mo ba kayang hulaan?"

"Ah..." Napaisip si Lexus. Kaya niyang gumawa ng barrier. Tapos parang may ipinasok siya sab ibig ng lalaki.

Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na siya ng ideya kung ano ang kakayahan ng isa pang katauhan na ito ni San.

"Sen. Tubig ba ang kapangyarihan mo?"

Ngumiti si Sen. Pagkatapos ay bigla itong napatungo. Sandali lang. Napatunghay uli ito.

"Ang galing mo Lexus. Nahulaan mo ang kapagyarihan ni Sen kaya nagustuhan ka niya!" malakas na sabi ng lalaki.

"San, ikaw na ba iyan?" tanong ni Lexus.

"Oo ako na ito. Alam mo ba, bukod sa second general, ikaw lang ang nakahula agad sa kapangyarihan ni Sen."

"Mabilis lang naman iyon malaman."

"Hindi iyon mabilis malaman! Kung hindi mo iyon nahulaan siguradong lulunurin ka rin niya hanggang sa mamatay ka."

"Ganoon ba. Mabuti na lang pala at nahulaan ko." Napakamot na lang si Lexus. "Sandali. Sinabi mong Second General? Kilala mo siya? Kalaban ka?" Agad na dumistansiya si Lexus.

"Hindi, hindi!" Iling ni San. "Oo kilala ko siya. Ang totoo ay tagasunod niya ko, pero hindi kami kalaban. Kontra kami sa iba pang mga general."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Lexus.

Napatungo si San. "Sobrang ginagalang ko si Ikalawa. Kahit si Sen ay sobra ang pagrespeto sa kanya kaya nga galit talaga kami sa First General na nagmanipula sa kanya."

"Hindi kita maintindihan. Puwede bang ipaliwanag mo?"

"Nagtagumpay na ang Ikawang general na hanapin ang hari ng mga slave. Ang tunay na Royal Slave. Pero kinontrol siya ng unang general sa pagnanais na makuha ang kapangyarihan ng hari."

Naningkit ang mga mat ani Lexus. "Hari. Royal Slave. Ang tinutukoy mo ba ay ang pure royal slave? Gusto ng first general na kunin ang kapangyarihan niya?"

Tumango si San.

"Hindi iyon maaari! Kailangan silang pigilan!"

"Iyon din ang gusto namin ni Sen."

"Kailangan itong malaman ni Emerald bago ma mahuli ang lahat."

"Kilala nyo na ba ang aming hari?" paniniyak ni Sen.

"Oo naman. Dati rin namin siyang pinuno. Sa bilangguang pinaggalingan namin."

"Talaga ba?"

"Tayo na. Umalis na tayo sa lugar na 'to!" sabi ni Lexus.

Samantala, si Emerald.

"Kristal?" Hinawan niya ang walang malay na si Kristal. "Kristal, Anong nangyari sayo? Gumising ka!"

Pilit niyang ginigising ang walang malay na dalaga. "Kung nandito si Kristal, sino iyong kasama ni Zyra?"

Naglalakad si Zyra kasama ang isa pang Kristal.

"Saan kaya ang dulo nitong nilalakaran natin?" tanong ni Zyra.

Biglang huminto si Kristal.

Huminto rin si Zyra at tumingin sa kanya.

"May problema ba?" tanong ni Zyra.

Ngumiti si Kristal. "Handa ka na bang mamatay?"

Kasunod noon ang malakas na sigaw ni Zyra.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now