Chapter 22 *Paglisan*

128 19 4
                                    


"Nagawa no, Emi! Tinalo mo siya," simula ni Zyra. Nasa Cave na sila ngayon.
Ginamot ni Zyra ang sugat ng mga kasama, hindi pa rin kasi makakilos ang mga ito dahil sa kanilang mga kadena.

"Pero sasama ka ba talaga sa fourth general na iyon? Ayos lang ba sayo na magpasubasta?" dagdag na tanong ni Zyra.

"Hindi mo dapat gawin iyon!" giit n Weiss. "Clinton, magagawan mo ba ng paraan ang mga kadena?" tanong niya.

"Tinitingnan ko na."

"Huwag n'yo nang pilitin pa dahil ang sabi ni Shadow, gawa ang mga kadenang iyan sa bulaklak ng Midori. Kahinaan iyon ni Echezen kaya talagang mapipigilan niyan ang inyong mga kapangyarihan, pero hindi naman kayo dapat mag-alala sa akin dahil ang totoo, bahagi ito ng plano ni Shadow."

"Bahagi ng plano?" Nagkatinginan ang lahat.

Nagpatuloy naman si Emerald. "Tama ang narinig nyo. Si Shadow ang nagsabi sa akin na imungkahi iyon sa general. Iyon lang daw kasi ang tanging paraan para mahanap at mailigtas ko si Nikela."

"Alam mo na kung nasaan siya?" Napabulalas si Jaz.

Tumango si Emerald. "Sinabi sa akin ni Shadow."

"Sino ba talaga ang Shadow na iyon?" tanong ni Clinton. "Hindi ba siya kaaway?"

"Totoong pumanig siya sa mga kalaban. Iyon ay dahil nakalimutan niya kung sino talaga siya, nito na lang niya naalala na isa rin pala siyang Hashke."

"Isa siyang Hahske?" Napabulalas si Renz.

"Hindi ko siya kilala!" dagdag ni Weiss.

"Sa palagay ko kilala nyo siya. Siya ang Hashke na inutusang makipagkita sa akin noon," bunyag ni Emerald.

Doon na naging malinaw sa apat na Hashke kung sino si Shadow.

"Pero bakit magkamukha sila ng Superior?" dagdag na tanong ni Jaz.

"Dahil anino siya ni Nikela."

"Anino?"

Sa wakas ay nalinawan na rin sila. Kaya pala ito kamukha ni Nikela. Kaya pala may pareho rin ito na kapangyarihan.

"Ibig sabihin sobrang lakas talaga ni Superior Nikela dahil pati anino niya ang lakas na," sabi ni Lexus.

"Tama ka!" dagdag ni Zyra.

"Kung gayon, Emerald kaya ka ba magpapaaubasta ay para makita ang Superior?" tanong ni Clinton.

"Sigurado ka ba talaga sa mga sinabi ng Shadow na 'yon?" May pagdududa pa rin si Weiss.

"Naiintindihan ko ang pagdudua nyo, sa katunayan ay naisip ko rin iyan, pero sigurado na ako na nagsasabi siya ng totoo. Ang pagkawala niya kanina ang patunay doon."

Naalala ng lahat na wala na nga pala si Shadow.

"Ang totoo, alam ni Shadow na mangyayari ito--na mawawala siya."

"Makipagkasundo ka sa Fourth General. Alam ko na hindi siya basta papayag. Malamang gagawa siya ng kondisyon. Sa tingin ko ay paglalabanin niya tayo. Lalabanan kita para makita niya ang husay mo."

"Sinakripisyo niya ang kanyang buhay para mapuntahan at mailigtas ko si Nikela dahil sa kasalukuyan hawak siya ng First General. Naniniwala kasi sila na siya ang Pure Royal Slave."

"Pure Royal Slave ang Superior?" sabay na napabulalas sina Jaz at Renz.

"Imposible iyon!" sabi agad ni Weiss. "Hindi puwedeng maging pure royal slave ang Superior dahil maharlika siya. Imposibleng maging slave ang isang maharlika."

"Maharlika si Nikela?" Napakunot ng noo si Emerald.

"Hindi mo ba alam iyon? Ang Superior ang prinsipe ng Liro."

"Prinsipe ng Liro?" Nagulat sina Lexus at Zyra.

"Si Nikela? Prinsipe ng Liro?" Walang ideya si Emerald.

"Teka, ang gulo naman ata noon. Kung prinsipe siya bakit siya nakakulong?"

"Iyon naman talaga ang dahilan kaya may Venus. Para maging kulungan ng mga maharlika na kumakalaban sa kasalukuyang hari."

"Ngayon naiintindihan ko na," sabi ni Lexus.

"Ang ano, leader?" Napatingin sa kanya si Zy. Ganoon din ang ibang nga kasama.

"Ang dahilan kaya nakulong ako ay dahil may natuklasan kami tungkol sa hari ng Liro," simula ni Lexus."Nalaman namin na siya ang dahilan kaya namatay ang mahusay na hari na si Austin Alphonse at kung bakit din nawala ang nag iisa nitong anak na lalaki. Narinig ko rin na may posibilidad na buhay pa ito. Hindi ko akailan na ang Superior pala ang tinutukoy niya."

"Si Nikela?" Napaisip na rin si Emerald. Siya rin ay napagtagpi ang dahilan kung bakit sinabihan siya na huwag ipaalam kung sino ang ama ng kanyang anak. Ito pala ang dahilan--dahil kapag may nakaalam na may dugong Alphonse ang anak niya ay may posibilidad na mapahamak ito.
Yessa...

"Kung gayon dapat maibalik sa pamumuno ang Superior para maging maayos ang kahiraan," sabi ni Lexus.

"Teka, sa tingin mo ba magiging mabuti siyang hari?" tanong ni Zyra.

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Lexus. "Tingnan mo ang Venus. Maayos ang pamumuno niya sa mga Hashke, di ba?" Tumingin siya sa mga Hashke.

Hindi nakaimik ang nga ito.

"Bakit, mali ba ako?" tanong ni Lexus.

"Hindi. Tama ang sinabi mo na mahusay mamuno ang Superior. Sa katunayan para sa akin ay ipinanganak talaga siya para mamuno kaya ayoko siyang mawala," sabi ni Weiss.

"Ako rin. Kung magiging hari kasi siya ng Liro, siguradong maiiwan niya kami. Ayokong isipin iyon," dagdag ni Renz.

"Naiintindihan ko kayo, pero sa tingin ko siya talaga ang nakatakda na maging hari. Kaya magulo ngayon ang Liro ay dahil patuloy iyong hinadlangan," komento ni Lexus.

"Huwag na muna siguro nating isipin ang tungkol doon," sabi ni Emerald.

Muling natuon sa kanya ang lahat.

"Parehas kong nauunawaan ang bawat panig ninyo, pero sa huli si Nikela pa rin naman ang magpapasya kung ano ang gusto niyang gawin. Sa ngayon ang kailangan gawin ay ang mailigtas siya, at gagawin ko iyon. Ipinapangako ko."

"Emerald."

"Weiss, Clinton, Jaz, Renz. Kayo rin, Zyra at Lexus. Pakiusap hintayin nyo kami ni Nikela. Palalayain namin kayong lahat mula sa lugar na ito."

"Oras na!" Biglang dumating si Davi.

"Teka, wala pang tatlumpung minuto!" angal ni Lexus.

"Naiinip na ang general. Gusto na niyang umalis."

"Sige, susunod na ako," sabi ni Emerald.

"Emi!" Niyakap siya ni Zyra. "Mag-iingat ka. Mag-iingat ka."

"Oo, Zyra."

"Maghihintay kami rito," sabi naman ni Weiss.

Ngumiti si Emerald. "Aalis na ko," sabi niya bago siya tumalikod.

"Emerald, huwag kang padadaig sa kanila. Utos ito ng leader mo!" sabi ni Lexus sabay saludo.

Ginaya iyon ni Zyra pati na ng mga Hashke.
Biglang may namuong luha sa mga mata ni Emerald.

Ang totoo ay ayaw niya talagang iwan ang mga ito, pero kailangan. Kailangan niyang makipagsapalaran upang makita at mailigtas si Nikela. Tulad ng sinabi ni Shadow, siya lang ang makakagawa noon.
Hindi naman siya dapat mag-alala dahil mayroon ding mga Hashke sa pupuntahan niya. Kailangan niya lang hanapin.

Lumabas na nga ng Cave nila si Emerald. Sumakay siya sa barko kasama ang general at ilang nga tauhan nito.
Tuluyan na niyang iiwan ang Cronus patungo sa bagong lugar na siguradong may nanghihintay na bagong pakikipagsapalaran.




A/N
Done with Cronus Arc
Sorry natagalan matapos. Busy sa work at sa bahay.

Sa next arc...

Bagong lugar.
Bagong mga kasama.
Bagong pakikidigma.
Magkita na kaya sina Emerald at Nikela?

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now