Chapter 37 *Lakas at Kahinaan*

18 1 0
                                    

"Nikela... Niligtas mo ko."

May mga luhang biglang pumatak mula sa mga mata ni Emerald.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Nikela.

"Nagpunta ako rito para iligtas ka, pero ako ang iniligtas mo. Lagi mo na lang akong inililigtas!" iyak ni Emerald.

Sa isip niya, simula pa noon hanggang ngayon ay parati niyang natatakasan ang kamatayan dahil kay Nikela. Laging dahil dito.

"Hindi na ko nagbago. Kahit magsanay ako, wala pa rin. Mahina pa rin ako," dagdag pa ni Emerald.

"Ano bang sinasabi mo?" Pinahid ni Nikela ang luha niya gamit ang daliri. "Natural lang na iligtas kita dahil obligasyon ko 'yon," sabi ni Nikela sabay ngiti bago ibinaba si Emerald at humarap sa First General.

"At nagawa mo pa talagang gumising? Bakit? Sa palagay mo ba ay may laban ka pa rin sa akin? Hindi mo pa ata alam. Nakuha ko na ang lahat ng kapangyarihan mo!" giit ng General.

"Alam ko," sagot ni Nikela. "Pero sa tingin mo ba talaga, kapangyarihan ko lang ang inaasahan ko?"

"Ano?" Kumunot ang noo ng First General.

***

"Afrile! Afrile!"

"Mary, ikaw ba 'yan?"

Sakay pa rin ng barko ang grupo nina Afrile nang makausap niya si Mary.

"Ako nga ito. Mabuti dahil naririnig mo ko. Gusto ko lang malaman kung ano nang mga kaganapan d'yan?"

"Pasensiya na, pero hindi maganda ang lagay namin."

"Ano! Bakit?"

"Nagawa na ng kaaway na kunin ang kapangyarihan ng Superior kaya hindi na namin siya matatalo. Napakalakas na niya ngayon."

"Kinuha niya ang kapangyarihan ni Nikela?" kompirma ni Mary.

"Oo. Kaya nga ang plano na lang namin ay ang iligtas ang Superior at tumakas na. Ayoko sanang tumakbo, pero sa sitwasyon namin, malabo na kaming manalo. Parang ang Superior na rin ang kalaban namin ngayon.*

"Hindi... Mali ka."

Napakunot ng noo si Afrile. "A-Anong ibig mong sabihing mali ako?"

"Ilan lang kaming may alam nito, pero hindi madalas gamitin ni Nikela ang kapangyarihan niya. Hindi pa kasi niya iyon lubusang nakokontrol. Sa katunayan, nahirapan siya bago niya nagamay ang siyamnaput porsiyento nito."

"Ibig bang sabihin noon ay may iba pa ba siyang kapangyarihan na puwede niyang magamit?"

"Wala na, pero..."

***

"Ahahahaha!"

Tumawag nang malakas ang First General. "Wala ka nang silbi, pero kung umasta ka ay parang nasa taas ka pa rin. Hindi talaga maikakaila ang dugong nananalantay sayo. Isa Kang hambog na maharlika!"

Nagpakawala sa magkabila niyang kamay ng apoy ang general. "Gagawin kitang abo. Namatay ka!" Magkasabay niyang pinakawalan ang mga apoy.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang