Chapter 20 * Sino si Shadow*

150 14 7
                                    

Hindi makakilos ang mga Hashke.
Napansin agad iyon ng mga royal slave kaya naman namutawi ang ngiti sa kanilang mga labi.
Agad na sumugod si Frost at binigyan ng malakas na suntok si Weiss dahilan upang bumagsak ito sa lupa.

"Weiss!" tawag ni Lexus. Agad niyang ipinuwesto ang kanyang pana, subalit bago pa niya ito magamit ay bigla na siyang pinalo sa ulo ni Duran gamit ang hawakan nito ng espada.
Bumagsak su Lexus.

Kumilos na rin ang iba pang mga Slave para patumbahin ang iba pang mga Hashke.

"Hindi ito maaari. Emi!" bulalas ni Zyra.

Hinawakan nang mahigpit ni Emerald ang kanyang espada pagkatapos ay tumuon siya kay Shadow. "Ikaw ba si Nikela? Dahil kung hindi ikaw, paano mo iyon nagawa? Paano mo napahinto ang mga Hashke?"

"Shadow ang pangalan niya, hindi Nikela!" giit ni Kisa.
Humakbang si Shadow palapit kay Emerald. Tumitig ito sa kanya bago nagsalita
"Sino ka ba? Hindi kita naaalala," wika nito.

May kung anong lamig na naramdaman si Emerald sa kanyang dibdib matapos iyong marinig. Sadyang nangamba siya, ngunit nawala rin iyon agad matapos marinig ang sumunod na mga salita ni Shadow.

"Anong gagawin mo kung iyon talaga ang sabihin ng tunay na Nikela?"
Bigla siyang hinawakan ni Shadow sa braso. Kasunod noon ang pagkawala nila.

"N-Nawala sila. Saan sila napunta!" nasabi ni Zyra.

"Shadow!" tawag naman ni Kisa.

"Hayaan mo na sila. Pagkakataon na natin 'to."
Pinosasan ni Frost ang mga Hashke kabilang na sina Lexus at Zyra.

Sa huli, sila pa rin na mga royal slave ang nagwagi.

Sa kabilang banda, nakita ni Emerald ang sarili sa gitna ng kakahuyan kasama si Shadow.

"Anong nangyari? Paano ako napunta rito? Bakit tayo nandito?" sunod sunod ang naging tanong niya.

Tiningnan siya nang diretso ni Shadow. "Dinala kita rito para ikaw lang ang makarinig ng mga sasabihin ko."

Napakunot ng noo si Emerald. "Sasabihin? Tungkol saan?"

"Tungkol ito kay Nikela kaya makinig kang mabuti."

"Kay Nikela? Ah!" Napaawang ng labi si Emerald. Kung gayon hindi talaga siya si Nikela? Pero kilala niya si Nikela. "Sino ka ba talaga?" tanong ni Emerald.

"Bumalik na ang alaala ko," bunyag ng lalaki. "Alam ko na ngayon kung sino ako," dagdag nito.

Napahawak si Emerald sa kanyang dibdib. Ang lakas ng naging kabog nito.

"Naalala mo pa ba iyong lalaking nagpatigil sa paligid na nagpakita sayo?"

"Lalaking nagpatigil sa paligid?" Napaisip si Emerald.
Oo, natatandaan niya iyon.
Iyong lalaking naka-hood na may takip sa mukha.

"Kilala mo ba ang taong iyon?" tanong niya.

"Ako ang taong iyon."

"A-Ano?" Hindi iyon mapaniwalaan ni Emerald.

"Pero hindi na mahalaga ang tungkol sa akin. Mas importante na malaman mo ngayon kung nasaan ang Superior."

Nagsimula sa pagkukuwento si Shadow.

Kasama ni Nikela si Shadow. Dalawa sila na nakatayo malapit sa bahay nina Emerald, ngunit hindi kita ang mukha ni Shadow. Nakasuot ito ng hood at may takip ang mukha.
Mula sa kinatatayuan nila ay matatanaw si Emerald. kasama ang anak nito. Nasa hardin ang mag-ina. Nag-iihaw si Emerald habang naglalaro naman ng bola ang anak na si Yessa.

"Hindi nyo po ba sila lalapitan?" tanong ni Shadow.

"Hindi na muna. May kailangan pa akong ayusin," sagot ni Nikela. "Tayo na," sabi nito. Saktong pagtalikod nito ay ang pagtama ng bola sa kanyang paanan.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now