Chapter 26 *Simula*

131 7 6
                                    

Napakalinaw pa sa alaala ni Emerald iyong mga panahon na tumutugis pa sila ng mga hayop para may makain at may magamit  sa  paggawa ng mga sandata.

Hindi niya kailanman naisip na maaaring mabaligtad ang sitwasyon.
Tulad ngayon.

Wala silang anomang sandata dahil hindi sila manunugis, bagkus ay sila ang tutugisin.

Ipinitik ni Hugo ang kanyang mga daliri. Biglang may mga poste na lumabas galing sa lupa na siyang pumalibot  sa buong isla. Naglabas ng mga nagliliwanag na kable ang mga posteng iyon na siyang tuluyang naging harang ng isla.

"Sandali, may kapangyarihan din ba siya?" tanong ni Lexus matapos masaksihan ang paglitaw ng nga harang. Sa palagay niya ay hindi lang iyon basta harang. Kung titingnan kasing mabuti ay makikita ang pagkislap ng mga ito kaya siguradong may kuryente iyon.

"Royal slave din ba siya?" tanong ni Zyra. "O baka naman isa siyang Hashke?" dagdag niya.

"Hindi! Malabong maging Hashke ang isang iyan. Sigurado ako ron!" sabi ni Lexus.

"Kayong tatlo! Huwag na kayong mag-usap diyan! Tingnan n'yo ang sitwasyon! "
Isang magandang babae ang nagsabi noon sa kanila.

Kasabay noon ang dalawang sasakyang panghimpapawid na dumating. Ang una ay isang helicopter na lumapag sa tabi ng prinsipe. Sumakay ito roon kasama ang kanyang mga tauhan. Samantalang ang isa naman ay malaking eroplano na parang balyena. Nagbagsak ito ng mga mababangis na hayop sa isla.

Dahil doon ay agad nang nagtakbuhan ang mga alipin subalit may biglang may namamana ng palaso. May dalawang tinamaan at duguang bumagsak.

"Ang palaro ay magkakaroon ng mga patakaran na kailangan nyong gawin dahil kung hindi mamamatay kayo," simula ni Hugo. Matatapos ang bawat patakaran kapag sikat ng araw. Kung ano man ang mga patakaran na iyon, kayo na ang bahalang tumuklas dahil ang gusto ng prinsipe ay iyong matatalino at madidiskarteng alipin," sabi ni Hugo bago ito tuluyang sumakay sa helicopter.

Narinig siya ng mga alipin, ngunit hindi na pinagtuunan ng pansin. Mas binigyan ng mga ito ng atensyon ang mga hayop na nasa paligid.
Pagtatakbo naman sila ay may biglang nagpapaulan ng palaso.

May mga mababangis na hayop sa paligid at may namamana na nakatago. Paano kami makakaligtas dito? tanong ni Emerald sa isip.

"Hindi ako magpapatalo sa inyo!" sigaw ng isa. May kasama siyang apat na alipin na sumabay sa kanya sa pagsuntok sa mga lobo na sumusugod.
Hindi sila pinana kahit pa gumagalaw sila.

Baka hindi pinana iyong mga lumalaban sa mga hayop! naisip ni Lexus.

May isang lalaki na nilabanan din ang lobo ngunit tinira ng palaso. Mabuti na lang at nakailag ito.

Hindi. Mali ang naisip ko, ani Lexus sa sarili. Muli siyang nagmasid. Kailan lang ba at sino ang tinitira ng palaso?

Tama. Ang inaasinta lang ng namamana ay iyong nag-iisa. Napangiti si Lexus dahil sa napansin.
Pero hindi. Mali pa rin siya dahil mayroong dalawang magkasama na tumakbo at nilabanan ang mga lobo ngunit pinana pa rin.

Ano ba talagang tama? Natataranta na si Lexus dahil palapit na sa kanila ang isang tigre.

"Tingnan nyo!" Iyong magandang babae kanina ang nagsabi nito. "Pinapana ng kung sino ang lahat maliban doon sa limang sabay sabay na lumalaban."

Lima? Napatingin doon si Lexus. Biglang may ngiti na namutawi sa kanyang mga labi. Ngayon ay sigurado na siya sa patakaran ng pagsubok na ito.

"Makinig kayo! Bumuo kayo ng grupo na may limang miyembro. Magsamasama kayo at sabay sabay na labanan ang mga hayop!'

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now