Chapter 30 *Habilin*

44 4 0
                                    

Naiinip na ang prinsipe.

Gusto na niyang matapos ang palaro kaya naman nagbigay siya ng utos.

"Tapusin nyo na silang lahat! Kung sino ang matirang buhay, siya na ang panalo."

Ngunit upang maging interesante ang pagpaslang ay iminungkahi ng isa sa mga tauhan ng prinsipe na lagyan ang bawat grupo ng impostor.

Isang gabi habang salitan na nagpapalit ng bantay sina Emerald ay huminto ang oras.

Isang lalaki na tauhan ng prinsipe ang may kakayahan na gawin iyon.

Sa sandalling iyon, kinuha nila ang isa sa grupo at mabilis na pinalitan.

Sa lahat ng grupo ay ganoon ang kanilang ginawa.

"Kristal!" Patuloy ang paggising ni Emerald sa kasamahan.

Bigla itong nagmulat ng mga mata dahilan para mapangiti si Emerald. "Mabuti naman at ayos ka lang. Ano bang nangyari sayo?"

"E-Emerald... Si Z-Zyra. K-Kailangan niya ng... tulong!" Hindi tuwid na sambit ni Kristal.

Oo nga. Kung nandito si Kristal, ibig sabihin, impostor ang kasama ni Zyra. Nasa panganib siya! Naisip ni Emerald.

Pero kung aalis siya para puntahan si Zyra, paano si Kristal?

"S-Sige na. Puntahan mo na siya." Inabot ni Kristal ang kamay ni Emerald. Ibinigay niya rito ang kanyang kwintas na nahahlintulad sa itlog ang hugis.

"Bakit mo ito ibinibigay sa akin?" tanong ni Emerald.

"D-Dalin mo na iyan. Sige na, iligtas mo na si Zyra," samo ni Kristal.

Nag-aalangan man ay agad nang tumayo si Emerald. "Babalikan kita!" sabi niya bago siya tumakbo paalis.

Ngumiti si Kristal.

Isang ngiti na may kasamang pagluha.

Bumalik sa alaala niya ang kanyang kabataan. Ang hirap ng mga pinagdaanan niya, ngunit batid niya na matatapos din ang pagdurusa kapag nabuhay ang dragon.

Kung totoo man iyon- na may dragon na mabubuhay upang magliligtas sa mga alipin. Tila hindi na niya iyon masisilayan pa dahil malapit na magwakas ang kanyang buhay.

Kinuha siya, sinaktan at inilibing ng buhay sa ilalim ng lupa ng tauhan ng hari. Sinuwerte lang siya na makita pa ni Emerald.

Mabuti na lang talaga dahil naingatan niya ang kwintas.

Nabuhay naman ako ng mabuti, hindi ba? ani ng lumuluhang si Kristal. Ramdam na niya ang kanyang katapusan, ngunit sa puso niya kahit isang saglit, nais pa sana niyang mabuhay upang makadaupang palad kahit sandal ang kanilang tagapagligtas—kung sino man siya.

Pilit inabot ni Kristal ang langit gamit ang kanan niyang kamay. Ilang saglit pa ay bumagsak na rin iyon kasabay ng tuluyang pagsara ng mga mata ng dalaga.



"Zyra!" malakas na tawag ni Emerald habang tumatakbo at nagpapalinga-linga.

"Nandito ako, Emerald!" sagot ni Zyra.

Nakita nga ni Emerald ang kaibigan sa likod ng mga bato na nagtatago. May sugat ito sa kaliwang braso.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Emerald.

"Oo, ayos lang ako. Balewala lang naman itong sugat ko. Pero kailangan nating mag-ingat dahil nasa paligid pa rin ang kalaban. May kakayahan pa siyang magbago at manggaya ng anyo. Ginaya niya si Kristal at sa tingin ko ako naman ang gagayahin niya."

"Kailangan nang mabalikan agad si Kristal," sabi ni Emerald bago ito tumingin sa paligid. "Sa tingin mo nasaaan ngayon ang impostor?"

"Magpakita ka! Huwag kang duwag!" bigang sigaw ng isa pang Zyra habang hawak ang isang matulis na bato na may bahid ng dugo.

"Ayon siya! Tama ako, ako naman ang ginaya niya!" sabi ni Zyra.

Nakita nga ni Emerald na may dalawang Zyra ngayon.

"Iyong batong hawak niya, iyon ba ang ginamit niya para sugatan ka?" tanong ni Emerald.

Tumango si Zyra.

Tumingin naman si Emerald sa lupa at nakakita ng parehong bato.

Pinulot niya ang isa.

"Susugurin na ba natin siya? Sa tingin ko kung sabay tayo na lalaban ay matatalo natin---" Hindi pa man natatapos sa pagsasalita ay bigla nang sumuka ng dugo si Zyra.

Sinaksak siya ni Emerald sa tiyan gamit ang bato.

Kasabay noon ang pagbalik nito sa tunay na anyo. Isang maitim na lalaki. "P-Paano mo... nalaman?" tanong nito bago ito bumagsak sa lupa.

Napansin sila ni Zyra.

"Emma!" tawag ni Zyra. Agad itong tumakbo palapit kay Zyra.

"Zyra!" Niyakap ni Emerald ang kaibigan, pagkatapos ay tiningnan ang nagpanggap na Zyra. "Sa tingin mo ba hindi ko makikilala ang kaibigan ko? Unang pagtawag mo pa lang, alam ko na."

Natawa ang lalaki na nagpanggap pagkatapos ay nawalan na ito ng malay.

"May kapangyarihan siya, pero hindi siya malakas. Mukhang mas sanay pa rin akong makipaglaban kaysa sa kanya," pagmamalaki ni Zyra sabay pakita sa bato na ginamit niyang sandata.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Emerald.

Ngumiti si Zyra. "Ito ring bato ang ginamit ko sa pagsangga sa mga palaso, nadaplisan lang ako ng kaunti." Ipinakita niya ang kanyang hita. 'Pagkatapos, tumigil na ang mga palaso, siguro para maging kapanipaniwala ang paggagaya ng impostor. Paano mop ala nalaman na ginagaya niya lang ako?"

"Hindi na iyon mahalaga. Ang importante ngayon ay mabalikan natin si Kristal," sabi ni Emerald.

"Oo ng apala, si Kristal! Nakita mo ba siya? Anong lagay niya?" nag-aalalang tanong ni Zyra.

"Hindi maganda kaya balikan na natin siya!"

"Sige!"

Tumakbo na nang sabay ang dalawa.

"Emerald! Zyra!" si Lexus.

Nakasalubong nila sina Lexus at San.

"Mabuti naman at ayos lang kayo," sabi ni San.

"Si Kristal, hindi maganda ang lagay niya!" sabi agad ni Emerald.

Biglang tumahimik ang dalawang lalaki.

"Bakit?" tanong ni Zyra.

"Nakita namin siya," sabi ni Lexus sabay iling.

Bigla nang napaluha sina Emerald at Zyra.

Muli rin silang tumakbo upang mapuntahan si Kristal at tama nga, wala na itong buhay.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Место, где живут истории. Откройте их для себя