Chapter 25 * Ang Prinsipe ng Crest*

111 14 8
                                    

Kasisikat pa lamang ng araw nang dumaong sa isang isla ang barko na pagmamay-ari ng kaharian ng Crest.
Halos dalawang araw din bago ito nakarating sa lugar na ito.
Binigyan ang mga alipin ng damit at sinabihan na isuot nila iyon.
Pare pareho ang mga kasuotan. Kulay abong roba na may itim na sinturon. May kasama rin iyong itim na sapatos na gawa sa goma.

Pagkababa ng barko ay pinatayo sila at pinapila sa isang malawak na lugar. Walang anomang halaman sa lugar na iyon, puro lupa lamang at nga bato kaya napakaalikabok.

Ang bilang ng mga alipin ay eksaktong 200, 'tig sampu sa bawat pila.

Pumunta sa  harapan nila si Hugo. Tiningnan sila nito. Kasabay noon ang isang ngiti na namutawi sa labi ng lalaki.
Ilang saglit pa ay may dumating na isa pang lalaki na may kasamang mga kawal. 

"Narito na ang ating prinsipe. Si Prinsipe Reune. Magbigay pugay kayo sa ating kamahalan!" malakas na sabi ni Hugo bago ito yumuko.

Ang mga alipin ay agad na lumuhod.
Sina Emerald at Lexus lamang ang nanatiling nakatayo.

"Anong ginagawa n'yo? Magbigay galang kayo!" sabi ni Zyra kaya agad nang lumuhod sina Emerald at Lexus.

"Aba, Aba! Magaling! Natutuwa ako na makita kayong lahat," simula ng prinsipe. Ang prinsipe ay isang maliit na lalaki na may kulay abong buhok. Mayroon itong bilugang mga mata at makinis na kutis. Magarbo at makulay ang kasuotan nito.

"Naging maayos ba ang inyong paglalakbay? Nagustuhan n'yo ba ang mga pagkain sa barko?" tanong nito.

Sabay sabay na tumugon ang mga alipin.
"Opo kamahalan. Maraming salamat, kamahalan!"

Ngumiti ang kamahalan. "Mabuti at nagustuhan n'yo, pero hindi lang iyon ang kaya kong ibigay. Sa oras na maging ganap ko kayong alipin, marami pa kayong mas magagandang bagay na mararanasan. Lalo na kapag naisama ko na kayo sa aking palasyo."

Biglang natahimik ang mga alipin.

Napatingin si Lexus sa kamahalan at hindi napigilang magsalita.
"Mawalang galang na po kamahalan, ngunit hindi pa po ba kami ganap na alipin? Nabili n'yo na po kami."

"Tama ka, alipin. Binili ko kayong lahat, ngunit hindi ko kailangan ng marami. Lima lang ang gusto ko."

"Lima lang? Ano pong ibig ny'ong sabihin?" Ang lahat ay nagtaka.

"Ang ibig sabihin ng kamahalan, lima lang ang isasama niya sa palasyo," paglilinaw ni Hugo.

"Pero dalawang daan po kami. Kung lima lang ang kukunin n'yo, paano ang iba?" dagdag na tanong ni Lexus.

"Kaya nga narito kayo sa islang ito, para malaman ko kung sino ang limang dadalhin ko," sabi ng prinsipe. "Hugo!" Tiningnan nito ang lalaki. "Ipaliwanag mo."

"Opo, kamahalan." Tumayo si Hugo at muling humarap sa mga alipin. "Makinig kayo… Sa lugar na ito ay magkakaroon tayo ng palaro."

"Palaro?" Napapakunot na ng noo ang mga alipin.
Nagpatuloy si Hugo. "Kayong lahat ang magiging kalahok sa palarong iyon. At isa lang ang gagawin ninyo upang manalo--Ang  manatiling buhay! Matatapos ang laro sa oras na lima na lang ang matira."

"S-Sandali…" Biglang nanginig si Lexus. "S-Sinasabi n'yo ba na l-lima lang ang bubuhayin n'yo sa amin?"

"Eksakto!" mabilis na sagot ni Hugo.
Sa puntong iyon ay lumabas ang tunay nilang kulay.
Ang mga parang anghel ay naging demonyo. Perpektong deskripsiyon sa mga lobong nagbabalat kayo bilang tupa.

Isang lalaki ang agad na tumayo. "Ayoko pang mamatay!" sigaw nito bago tumakbo, ngunit hindi pa nakakalayo ay sinugod na ito ng isang kawal gamit ang espada. Duguang bumagsak ang lalaki.

Ang lahat ay natigilan at namutla sa takot.

"Aba, Aba! Bago pa lang tayo magsisimula, may nabawas na agad ng isa," nangingiting sabi ng prinsipe.

Napakuyom ng kamao si Emerald. "Bakit n'yo ito ginagawa?" napabulalas siya.

"Bakit hindi? Mga alipin kayo kaya wala kayong karapatan umangal! Nabili ko na kayo kaya ibig sabihin lang noon ay sa mga kamay ko na umiikot ang inyong mga kapalaran."

Tila alulong na nagpaulit ulit sa pandinig ni Lexus ang sinabing iyon ng prinsipe.

Maya maya pa'y may bigla siyang naalala.

Noong nasa Venus pa siya ay may nakilala siyang magandang babae. Nakasabay niya itong bumili sa isa sa mga tindahan sa Diamond City.

Nag-iisa na lamang ang palamuting hugis kuneho na pareho nilang gustong bilhin. Nauna siya sa pagkuha noon, pero naisip niyang ibigay na lamang iyon sa magandang babae.
Bilang kapalit ay inilibre siya nito ng pagkain kaya nga nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap.

"Matagal ka na ba rito sa Region I?" tanong ng babae.

Tumango si Lexus at nagtanong din.
"Ikaw din ba?"

"Bago pa lang ako," sagot ng babae.

"Bakit ka nakulong?" isa pang tanong ni Lexus. Ang totoo'y, hindi niya alam kung bakit iyon lumabas sa bibig niya, pero dahil nasabi na'y hindi na  niya binawi pa.

Ngumiti naman ang babae bago tumugon. Isang tugon na kung titingnan ay napakalayo sa kanyang tanong.

"Dalawang klase lang naman ng tao ang narito sa Venus--Ang una ay ang mga bilanggo at ang pangalawa ay ang mga makasalanan. Kung iisipin parang pareho lang, pero para sa akin ay magkaiba. Puwede ka kasing maging bilanggo kahit hindi ka makasalanan at puwede ka rin maging makasalanan na hindi nagiging bilanggo. Marami noon sa labas at kadalasan ay maharlika pa. Sila ang mga pinakanakakatakot na nilalang para sa akin."

Walang naging komento si Lexus. Hindi siyaa nakatugon.
Tinawanan naman siya ng babae. Naisip kasi nito na naguluhan siya sa kanyang mga sinabi, ngunit hindi.
Hindi naguluhan si Lexus, sa katunayan ay naunawaan niya ang ibig sabibin ng babae at sang ayon siya roon.

"Sige, aalis na ko," sabi ng babae bago ito tumalikod.

"Ah, sandali!" Tinawag ito ni Lexus. "Puwede ko bang malaman ang pngalan mo?" tanong niya.

"Mary. Mary Hermione," mabilis nitong sagot bago tuluyang umalis.

"Mary?" Nakita na lamang ni Lexus ang sarili na nakangiti. Mula rin nang araw na iyon ay palagi na niya itong naiisip kaya nga hinangad niya na muli itong makita, ngunit hindi na iyon nangyari. Kahit ilang beses pa siyang bumalik sa Diamond City ay hindi na niya nakita pa kahit anino nitoa. Hanggang sa makalabas na nga siya ng Venus.  Hindi na talaga nag-krus pa ang kanilang mga landas.
Nakakalungkot iyon, kaya nga pinilit ni Lexus na kalimutan na lamang si Mary. Nagawa naman niya, ngunit bigla niya  itong naalala ngayon.

Marahil ay dahil saktong sakto ang sinabi nito sa dalawang tao na nasa harapan nila ngayon..

...Puwede ka rin maging makasalanan na hindi nagiging bilanggo. Marami noon sa labas at kadalasan ay maharlika pa. Sila ang mga pinaka nakakatakot na nilalang...

Mga makasalanan na hindi nabibilanggo. Kayo dapat ang mabulok sa kulungan. Kayo dapat! naisip ni Lexus.

"Magsisimula na ang palaro!" Ang sinabing iyon ng prinsipe ang nagpahinto kay Lexus sa pag-iisip. Napatuon siya sa prinsipe.
"Ang palarong ito ay palaro hanggang kamatayan," dagdag pa ng prinsipe taglay ang mala-demonyong ngiti.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now