Chapter 27 *Bukang- Liwayway*

120 8 3
                                    


Si Emerald ang klase ng tao na madaling magtiwala kaya madali rin malinlang. Alam niya iyon.
Ilang beses na niya iyong naranasan. Halimbawa na lamang sa dating kasintahan na si Gerad at kasama na si Mia.
Sinong mag-aakala na may isang Mia ulit ngayon na tatraydor hindi lang sa kanya kundi sa iba pa niyang mga kasamahan.

Kasabay nang paggalaw ng kanilang grupo ay ang mga palaso na tila ulan na bumulusok.

Pero hindi pala sila ang target.

Sabay na napaawang nang labi sina Emerald at Zyra, samantalang parang nabunutan naman ng tinik si Lexus.

"Pwede ba akong maging kagrupo n'yo?" Isang lalaki ang sumali sa kanila. Isa itong mataas na binatilyo na may kulot na buhok. Kayumanggi ang kulay nito at maganda ang pangangatawan.

Napangiti si Lexus. "Oo naman. Salamat!" mabilis nitong wika.

"Niligtas mo kami," sabi naman ni Kristal.
Nginitian siya ng lalaki. Ngiti na nagpapula sa kanyang pisngi.

"Meron bang plano? Sabihin n'yo lang para makasabay ako, " sabi ng lalaki.

Magtitiwala ba uli kami sa kanya? Napatanong si Lexus sa sarili. Wala naman akong pagpipilian, dagdag niya bago tumuon sa lalaki. "Ganito ang gagawin natin..."

Ipinaliwanag ni Lexus ang kanyang ideya.

"Siguradong doble ang panganib kung aabutin tayo ng dilim dito kaya mas mabuti kung makakahanp tayo ng ligtas na lugar. Pasukin natin ang kakahuyan at humanap tayo roon ng kuweba. Kailangan ay sabay sabay tayo na lumakad para hindi tayo paulanan ng mga palaso.

Pagsapit ng dilim, matatapos na ito. Iyon naman ang gagamitin natin na pagkakataon para humanap ng pagkain para kung may ganito uli bukas ng umaga ay handa tayo."

Agad inayunan ng lahat ang suhesyon na iyon ni Lexus. Sabay sabay silang lumakad patungo sa kakahuyan. Sa daan ay maraming mga hayop na sumusugod sa kanila.
Sabay sabay lang ang kilos nila sa paglaban sa mga ito.

Hindi nagtagal ay lumubog na ang araw. Kasabay noon ang isang tunog na tila sinundan ng mga hayop. Nag-alisan ang mga ito.

Sinamantala iyon ng lahat upang humanap ng pagkain sa kakahuyan. Naghanap din sila ng kweba na matutuluyan.

Mabilis silang nakakita.
Pumasok sila rito at sabay sabay na napaupo. Lahat sila ay hinihingal na sa sobrang pagod.

"Ang galing mo," puri ni Zyra sa bago nilang kasama. Marami kasi itong hayop na naitaboy gamit lamang ang mga kamao.

"Kayo rin naman," malumanay na sabi nito.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Emerald.

"Oo nga! Hindi pa namin iyon alam!" halos sabay na sabi nina Zy at Kristal.

Napangiti ang lalaki bago nagpakilala. "Ako si San."

"San pala ang pangalan mo," sabi ni Kristal.

"San, matanong lang kita," si Emerald uli. "Bakit mo kami tinulungan? Kanina kung hindi ka sumali sa amin siguradong tapos na kami."

"Tungkol sa bagay na iyan... " Tiningnan muna ni San ang lahat bago nagpatuloy. "Ang totoo, nakita ko ang ginawa ng kasama n'yo at hindi ko iyon nagustuhan. Bukod do'n, ayokong makakita ng mga babae na nasasaktan." Sumulyap siya kina Zy at Kristal. "Dahil wala pa naman akong kagrupo, nagdesisyon na ako na tumulong at sumama sa inyo," paliwanag niya.

"Ang bait mo pala," komento ni Kristal.

"Salamat."

"Pero iyong si Moira... Gusto niya ba talaga tayong mamatay?" Biglang napatanong si Zyra.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now