CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

47 11 14
                                    

Author's note : Hi Annyeong!✋Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa iisa at mabagal na update ko.Sorry na labs!.Ewan ko kung normal ba pero humahapdi mata ko every time na nagseselpon ako kaya minsan mas pinipili kong wag magselpon at magsulat muna, pakiramdam ko kasi ay mabubulag ako hahaha.Anyway,enjoy reading!.

cute niyong author char hahaha
_tatashart💕

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
(The past repeat its self)

Angel's  point of view

"Chad!,"malakas na sigaw na nanggaling sa kusina ang pumukaw sa pagmumuni muni ko.

Agad na napabalikwas ako ng bangon.

"Anong nangyayari don?!"tanong ko sa sarili ko bago ako nangmamadaling lumabas ng kwarto ko at naabutan ko silang...

Naabotan ko silang nakapagitna kay Chad na yukom na yukom ang kamao habang pailalim kung tumingin kay Justin na nakasalampak ngayon sa sahig habang sapo sapo nito ang muka.

Akmang lalapit na ako sa gawi nila upang makiusyoso pero natigil din ako sa kinatatayuan ko ng may nagsalita.

"What's wrong with you two?!Huh?!"ingit ni Cole kila Chad at Justin. Mukang nag away ang dalawa.Hayst sayang di ko nakita pero anong pinag awayan nila?.

"Hayaan niyo silang magpatayan dyan!."inis na sambit ni Klein at naglakad na palayo sa gawing yun.

"Klein,"suyaw naman ni Lisa kay Klein dahil sa sinabi nito.

"What?!,Tell me,what's going on?!.Pag usapan niyo ng maayos hindi 'yung nananapak ka nalang"sambit ni Cole sabay tingin kay Chad na kanina ay masama ang aura na ngayon ay kalmado na."At ikaw.Ano na naman bang ginawa mo?!"baling naman ni Cole kay Justin na ngayon ay nakatayo na pero makikita mo sa muka niya na wala siyang paki alam sa sinabi ni Cole dahil nakatingin lang 'to kay Chad habang blangko ang muka.

Teka?Bakit ganon?Anong nangyayari?.

"Anong na naman?"medyo asar na balik tanong ni Justin kay Cole na napahinga ng malalim.

"Ako nalang magsasalita."natuun ang atensyon ko kay Carl ng sabihin niya 'yon at gan'on din ang iba."Just...nagbago ka alam mo ba yun?Simula nong lumabas ka ng hospital...ang laki ng pinagbago mo."iling na sambit ni Carl.

"Hindi ka naman ganyan dati eh."dagdag din ni Oscar na sinang ayunan nilang lahat.

"Hindi niyo pa kasi alam ang totoo, hindi ko rin gusto 'to,nahihirapan din naman ako."sambit ni Justin at napa igta ako ng tumingin siya sa gawi ko kaya napatingin din ang iba sa'kin.Matapos n'on at umalis na siya,naiwan silang lahat na naguguluhan habang ang tingin ay nasa sa'kin pa rin.

"B-bakit ba?Anong ganap?"napamura nalang ako sa isip ko dahil nautal pa ako.Lumapit ako sa gawi nila.Buntong hininga lang ang sinagot nila at nilayasan na ako.

eh?

"Tangina naman..."usal ko nalang at bagsak ang balikat na naglakad na para bumalik sa kwarto.Bakit pakiramdam ko...ako yung sinisisi nila sa nangyari sa pagitan ni Chad at Justin?.Panong naging ako?Payapa na nga akong nagmumuni muni sa kwarto ko.

"Nag away sila dahil sayo..."napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa nag salita.

"Ano?Pa'nong dahil sa'kin"iritabling sagot ko dahil pati 'tong kaharap ko ngayon ay sa tingin palang ako na ang sinisisi.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora