CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT

74 11 6
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT

(Moment)

Angel's point of views.

Nagising ako na sobrang bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko ay pasan ko ang buong mundo sa bigat. Bumangon ako. Puting pader ang sumalubong saakin, amoy gamot din ang paligid kaya alam ko na kung nasaan ako. Hospital. Na naman.

Inalis ko ang bagay na siyang nagsisilbing supporta sa pag hinga ko. Napahawak ako sa ulo ko nang biglang kumirot 'yon at doon ko napagtantong may bendang nakabalot doon. Napatingin ako sa katawan ko at puro sugat at mga gasgas ang nakikita ko.

Kaya pala masakit ang katawan ko.

Papagaling na ang iba. Ang iba naman ay may kulay itim pa, ang iba ay mukang malala dahil may benda pa, ang iba ay mga pasa lang. Napuruhan ako.

Inalala ko ang lahat nang nangyari at biglang nagsulpotan lahat ng nangyari sa utak ko. Mula simula hanggang sa hinayaan kong magpa ikot ikot ako sa gitna ng labanan hanggang sa mabangga ang kotse ko sa mga harang hanggang sa may nagbuhat saakin palabas nang kotse ko matapos no'n ay...

Wala na akong maalala.

Nagbalak akong tumayo pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Masakit. Sobrang sakit. Para akong binugbog at tinapon sa mataas na bangin pero buhay pa rin. Ganoon ang pakiramdam ko. Kinuyom ko ang kamao ko at sinuntok ang gilid ng kama ko sa kabiguang tumayo. Lintek!

Hindi ganito ang gusto kong mangyari pero nangyari! Nababanas ako! Akala ko ay matitigil lang ako sa gitna ng track race at hindi ko inakala na magpapa ikot ikot ako at mababangga!

Natalo ako.

Malamang.

Pero ang pagkatalo kong 'yon naisalba ko ang mga kaibigan ko na malaman nila ang buong katotohanan sa lalaking 'yon. Hindi... hindi sila ang naisalba kundi ang sarili ko. Naisalba ko ang sarili ko sa chance na malaman ng mga kaibigan ko ang katotohanan. Ako, ako na naman. Sarili ko na naman. Makasariling desisyon na naman.

Anong magagawa ko? Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa sa mga bagay na maaring mangyari. Hindi pa ako handang malaman nila ang totoo, hindi pa ako handang magalit sila saakin, hindi pa ako handang kamuhian nila ako dahil pinaglalaruan ko sila. Siguro nga kahit kailanman ay hindi ako magiging handa.

Isang makasariling desisyon na naman. Alam ko 'yon. Laging ako, paano naman sila? Hindi ba? Pero anong magagawa ko? Wala akong kinakatakotan pero pagdating sa kaisipang malalaman nila ang katotohanan ay naduduwag ako.

At ang pagiging makasarili ko, at pagdedesisyon para lang sa sarili ko ay siyang magpapabigat sa sitwasyon. Mas tumatagal mas lumalala, mas lumalala mas sumasakit sa parte ko... lalo na sa parte nila.

Nanghihinang napahiga nalang ako. Nanghihina ako hindi dahil sa mga sugat na natamo kundi dahil sa mga iniisip ko.

Siguro habang maaga pa sabihin ko na? Pero paano? Bigla ko nalang sabihin? Pero paano pa rin? Hindi ko alam.

Napangisi ako. Putang ina!

Paano nalang kung nalaman nalang nila bigla. Gaya ng nangyari kay Justin na nalaman niya nalang.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now