CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR

55 6 5
                                    

Author's Note : Ang WiFi saamin ay weather weather lang HAHAHA. Sensya na.

-TatasHart

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
(LQ)

Angel's point of view

"Hindi." tapos ay ngumiti siya.

Sa ngiti niyang 'yon nawala ang ngiti ko. Ibang iba sa ngiti niya kanina na pekeng peke.

May naalala ako sa ngiting 'yon.

Gano'n lagi ang ngiti ni Gaio tuwing may gagawin siya o may ginawa siyang kagagohan!

"Oy ano? Anong ginawa mo?!" tumayo na ako at nilapitan siya, siya naman ay umatras at mas lalong lumawak ang ngiti niyang nakakaloko.

"Promise me one thing first."

"Oo! Ano?"

Nagulat ako nang lumapit siya saakin, "If you see me outside wearing a simple shirt call me Namji, Okay?" bulong na usal niya sa mismong tainga ko. Medyo kinilibotan pa nga ako sa boses niya. Para bang nagbabanta pero hindi naman.

Lumayo siya tapos no'n at inilibot ang tingin sa paligid. Mukang tinitignan niya kung may nakarinig ba o wala sa usapan namin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung ganoon tama nga ang iniisip ko noong nakita ko siya. Nagpapanggap siya bilang Namji. Pero bakit?

"Bakit?" hindi napigilang tanong ko.

"Hindi magandang marami kang alam. Just say promise and I will tell you what you want to know." para siyang business man na nakikipag deal saakin. Marahil ay talagang business man siya base na rin sa suit niya kanina nang makita ko siya.

Tama naman siya. Minsan hindi maganda ang maraming alam pero minsan lang kasi ang pangit kapag wala kang alam para kang tanga na walang kamalay malay. Pero sa pagkakataong 'to hindi ko nalang aalamin ang dahilan niya at kung bakit dahil una ayaw niyang sabihin, pangalawa hindi ko na problema 'yon.

"Segi. Pangako."

Hindi ako basta basta nagbibitaw ng pangako! Pero ang isang 'to ay hindi ko nakontrol. Bigla ko nalang nasabi ang katagang pangako at huli na nang mapagtanto ko na nasabi ko na. Siguro sa kagustuhan ko na ring malaman kung anong ginawa niya para makaganti kay Chad para saakin.

"Oh? Nangako na ako! Sabihin mo na saakin kung anong ginawa ko para makaganti sa lalaking 'yon para saakin?"

He bit his lower lip not to smile. He scratched his back head. "Binalikan ka niya, nakita niya tayo. Noong nakita ka niyang nasa bisig ko naglakad siya papalapit. At habang naglalakad siya hinalikan kita."

"You what?!" nabingi na 'ata ako at mali mali ang naririnig ko.

Sana nga mali!

"Hinalikan kita," nagsalita siya na parang wala lang 'yong ginawa niya.

Napahawak ako sa labi ko, "What the fuck?! Gago ka ba?!" gulantang ko. Ano 'yon? Noong wala akong malay ay hinalikan niya ako? At nakita 'yon ni Chad?!

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now