CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)

56 10 1
                                    

Author's Note : Sorry hahahaha.

This chapter is for manlivehell ,thank you for reading and supporting my story!Love you Kuya!Hahaha.Suyo well sa jowa mo💕

-TatasHart💕

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE
(Game breaker)

Angel's point of view

Seryoso,kung ibang babae talaga ako magsisisigaw ako sa kilig ngayon dahil sa lalaking kaharap ko pero hindi naman ako ibang babae.

"Ano?"

"Tsk.Hindi talaga nakikinig ng announcement kahit kailan." bulong nito pero hindi nakatakas sa pandinig ko.

-_-

"Wala ka na doon!.Bakit ano ba 'yon?A-anong ginagawa mo rito?!"tanong ko habang hindi makatingin sa mga mata niya.Nakangiti kasi, e parang tanga!.

"Sinusundo ka, alangang hindi ako panoorin ng girlfriend ko sa game ko?"

Napatayo ako at gulat na tinignan siya.Ano?!Sila ang unang game?!Hayst balak ko pa sanang matulog ngayon dito sa kwarto naming mga racer at mukang hindi matutuloy dahil sa game nila.

"Paano ba naman malalaman ni Angel na first game kayo?!Natulala kasi 'yan matapos ang pagkanta mo para sakan'ya"

"Naks!Sana all!"

Sunod sunod na asar nila pero isang masamang tingin ko lang ay natigil din sila at mas sumama ang muka ko nang makita ko na mas lumawak lalo ang pagkakangiti niya.

Alam ko namang hindi para saakin 'yon!.

"Mag-s-start na ba?Tara na!Baka malate ka pa!" saad ko at agad na nauna sa paglalakad palabas pero napatigil din agad ako.

"Let's go!" rinig kong sabi ni Chad mula sa likod ko pero gaya ko ay napatigil din siya nang makita ang nasa harap ng pinto.

"Ate...may game ako sa Might Yem International School, Nood ka?" parang nanlumo ako sa narinig.Kahit gusto ko pero hindi ko magagawa.

"Eli kasi..."

"Game din ni Kuya Chad?" tumingin siya kay Chad na tinanguan naman niya 'to."I know,gusto ko lang sabihin sayo baka sakaling gusto mong manood." ngiting sabi niya pero nakikita ko sa mata niya ang panlulumo.

"Sorry---" hindi ko natuloy ang iba pang sasabihin ko nang may sumingit sa usapan.

"Syempre pipiliin ni Angel ang boyfriend niya keysa sa kapatid niya," napatingin ako sa nagsalita at napabuntong hininga ako nang makita si Mommy kasama niya si Daddy at kasunod nila si Kuya Ethan.Hindi ko na sila pinansin at hinarap uli si Eli.

"Eli sorry ah...itr-try kong humabol." paghingi ko ng tawad kay Eli.Hinawakan ko siya sa kamay at magsasalita palang sana uli ako nang sumingit na naman si Mommy.

"Bakit pa?Hindi ka kailangan ni Eli doon,"

Tinignan ko si Mommy na nakataas ang kilay saakin bago tignan si Daddy na walang magawa kundi ang panoorin lang kami at ni Kuya Ethan na hindi alam ang gagawin.Huminga ako ng malalim.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now