CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX

41 2 3
                                    

Chapter One Hundred Sixty Six

Angel's point of views

Hawak kamay na naglakad kami ni Chad papunta kung saan nakaparke ang jeep ni Mang Pido. Medyo malayo iyon sa bahay kubo namin dahil hindi kasya sa malapit ang jeep. Walang parking space, kumbaga.

Nagtaka ako nang papalapit kami roon ay may ibang tao, hindi lang ang mag-anak. Karamihan pa rito ay mga babae, nakasuot ng sexy and vulgar dresses. Uh.. that was surprising. Akala ko ang mga binibini na nakatira sa ganitong lugar ay mabini at mahinhin. O baka judgemental lang ako. Maybe this is their first time to wear those clothes or not.. hmm? I don't think so.

E anong paki ko? Katawan naman nila 'yan at isa pa.. bagay naman sa kanila.

"Oh! Ayan na sila!" sabi ni Manang Espe nang makita niya kami. Sinalubong niya kami, "halikayo at ipapakilala ko kayo sa angkan ko." sabi niya. "lalo ka na Chad! Gusto kang makilala ng mga pamangkin ko! Ikwene-kwento kasi kita sa mga 'yon!" dagdag pa niya at natawa.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Ipapakilala niya si Chad sa mga pamangkin niya? Siya lang? At ikwene-kwento niya si Chad sa mga pamangkin niya? Siya lang? Hindi ako kasama? Hmm. Fishy.

Napatingin ako kay Chad nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Para niya akong inaalalayan sa paglalakad kahit na flat naman ang sandals na suot ko.

Nang makalapit kami ay pinagsadahan nila kami ng tingin. May mga bata, teenager at mga kaedaran namin, mga matatanda at ang iba ay kaedaran lang ng mag-asawa. Nagpeke ako ng ngiti nang sumalubong ang tingin ko sa mga babae na ang tingin ay na kay Chad at para nila itong pinagpapantasyahan.

Naunang nagpakilala ang mga nakatatanda at nauna ring sumakay ng jeep. Sumunod naman ang mga bata na manghang mangha na nakatingin sa amin, siguro dahil bago kami sa paningin nila.

Sumunod namang nagpakilala ang mga babae na hindi mapigilan ang kilig dahil nakikipag-kamay sila sa lalaki. I just shrugged my shoulder. That's not new to me. Palagi kaya siyang pinagkakaguluhan sa school.

I wanted to react. I'm his girlfriend now, hindi na dati na wala kaming, may karapatan na akong ipagdamot siya.

"Sa akin? Hindi kayo magpakilala?" pa-enosenting tanong ko na lang sa mga babae na agad namang napatingin sa akin. I remain calm even though I want to raise my perfect brow to them.

I heard Chad chuckled.

Tsk. Kung hindi pa ako nagsalita hindi na nila ako papansinin at kay Chad na lang ang baling. Hindi ba nila nakikita na magkahawak kami ng kamay? Hindi ba sila aware na girlfriend ako ng lalaki? O baka wala talaga silang paki. Nakakabwisit ah!

Isa isa na silang nagpakilala sa akin. Pero tumango lang ako at hindi tinanggap ang mga kamay nila. Kailan pa ako nakipag-kamay para makipagkilala? Hindi ko alam pero ang alam ko hindi ko 'yon ginagawa sa mga taong ayaw ko.. gaya nila. Tsk.

"Hi, I'm Kloepi, single." malanding pagpapakilala ng babae kay Chad.

Nasa harap niya ako, magkahawak pa ang kamay namin ng lalaking kausap niya pero mukang wala lang ako sa kaniya. Hindi rin siya nagpakilala sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

Inalahad niya ang kamay niya kay Chad, lumapit pa siya at halos ilang dangkal na lang ang layo niya sa amin ni Chad. She even show her boobs to Chad!

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang magpigil na suntukin ang babae sa muka.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now