CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE

128 14 12
                                    

Author's note : Hahaha ewan ko ba at kinakabahan ako ngayon....pls sana magustuhan niyo *cross finger*

-tatashart

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
(Mess)

Angel's point of view

Alam mo yung pakiramdam na ginagawa mo naman lahat ng mamakaya mo pero wala pa rin? Pakiramdam ko nabagsakan ako ng maraming bato na galing sa langit! Lahat kasi ng kailangan gawin ay ginawa ko; nagreview at nag aral na ako't lahat pero bagsak pa rin ako sa post test na ginawa namin! Ewan ko ba! No'ng hindi naman ako nakikinig sa klase at laging lutang nakakasagot naman ako ng maayos at lagi pang mataas ang nakukuha ko pero ngayong nag aral ako? Wala! Tsk. Ba't ganon? So, mas okay pa na pariwara ako kasi mas gumagana 'yong utak ko?

Hah! Ewan ko ba! Kasalanan 'to lahat ni Justin!--- Hindi kasalanan ko pala 'yon kasi hindi ako nag ingat. Tama ng paninisi sa iba! Kasalanan ko talaga 'yon! Hindi ko naalis 'yong clip sa buhok ko bago ako umalis at nag suot ng wig kaya no'ng tinanggal ni Carl yung wig na suot ko no'ng naglalaban kami nasama at nahulog 'yong clip na napulot ni Justin. Si Justin na siyang nag bigay sakin no'n. See? Malas.

Lakas ng pakiramdam ko pero 'yon ay 'di ko naramdaman!

'Yon 'yong dahilan kung bakit ko tinuun ang attention ko sa klase, iwas over think kung anong susunod na mangyayari. Pero wrong move pala 'yon kasi king ina! Ambaba ng nakuha kong score!

"Miss Benavidez are you with us?!" doon ako bumalik sa ulirat at bored na tumingin sa teacher sa harap ko na nakapameywang at ang sama kung makatingin sakin.

luhh

"Malamang Miss, nandito pa naman ako sa loob ng classroom eh" sagot ko at nagtawanan naman lahat ng kaklase ko.

"Get out in my class now!" naghuhumirintadong sigaw nito sabay turo sa pinto. Napangisi ako do'n tutal gusto ko rin namang lumabas dahil hindi ko matanggap yung score ko sakan'ya kaya naman inayos ko na 'yong gamit ko saka ko sinukbit 'yong bag ko sa likod ko.

"Kita nalang tayo sa cafeteria," paalam ko kay Gaio na napabusangot agad.

"Wag mo 'kong iwan malabs,"

"Tsk! Paki ko sayo. Basta hihintayin nalang kita sa cafeteria." Kay Gaio nagpaalam ako sa teacher nilagpasan ko lang alangan naman magbabye pa ko batuhin ako niyan ng hawak niyang eraser eh!

Malamang ayaw maiwan ni Gaio don dahil sabi ng teacher na yun ituturo niya daw lahat ng naging lesson namin na namiss ni Gaio.

Dumeretso ako sa garden, ayoko muna sa cafeteria baka andon si Justin.

Nang makarating ako sa garden ay nag hanap ako ng mapwepwestuhan para umidlip muna at saktong nakita ko yung side noon kung saan ko nakilala yung apat no'n, Kung saan ako ginamot ni Chad no'n. Nagtungo ako don at nahiga saka ko pinikit ang mata ko.

Nakakarelax dito. Ang lamig ng hangin kaya kahit mainit dito at naarawan ako hindi ko na alintana. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.

At do'n inalala 'yong usapan namin ni Justin sa hospital.

Flasback...

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldOnde as histórias ganham vida. Descobre agora