CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE

67 6 3
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
(Stuck together)

Angel's point of view

"Just wait and relax daw..." I rolled my eyes and sight.

"Stop mocking me, Angel," madiin ang pagkakasabi niya no'n, may banta at halatang iritado na. Kanina pa kasi ako nagsasalita at mukang naririndi na siya sa akin.

"Inis ka sa akin? Bakit? Kasalanan ko ba? Huh? Dapat nga ako ang naiinis sayo," puno ng sarkasmong usal ko.

"But you already annoyed."

Tumingin ako sa front mirror ng kotse at nakita ko siyang nakatingin sa akin mula doon kaya umiwas ako ng tingin at mas pinagsalubong ko pa ang kilay ko.

Hindi naman ako naiinis sa kaniya, trip ko lang mag inis inisan para hindi niya ako kausapin dahil kapag nangyari 'yon baka magwala ang puso ko. Nasa iisang lugar lang kami, kaming dalawa lang. Dati ay sanay naman na ako na nasa ganitong sitwasyon kami pero ibang iba na ngayon e. Mas hulog na ako sa kaniya dahil sa mga nalaman ko at hindi pa nakatulong na alam ko rin ang nararamdaman niya para sa akin.

Napapikit na lang ako at sumandal sa kinauupuan.

"Inis ako sa sarili ko hindi sayo..." minulat ko ang mata ko at nakita ko na nakaharap na siya sa akin. Ngumiti siya, "At bakit naman ako magagalit sayo? Honey kita e."

"Putang ina mo..." namura ko na lang siya at akmang lalabas na sa kotse nang marealize kung nasaan kami ngayon kaya napahinto ako. Narinig ko ang pagtawa niya kaya napabuntong hininga ako't napapikit na lang at muling napamura na naman.

Natutulog ako nang maramdaman ko ang biglaang paghinto ng kotse na dahilan kaya nagising ako. Nalaman ko na lang na nasiraan kami ng kotse sa gitna ng dilim at hindi ko alam kung nasaang lugar kami nahinto.

Alas tres pa lang ng madaling araw at sobrang dilim sa labas dahil maski street light ay wala, sobrang tahimik din dahil maski hangin sa labas ay rinig ko kahit na nakasara naman ang mga bintana.

"Go... you're free to walk out honey..." he teased.

Ramdam na ramdam ko na nakatingin siya sa akin at kahit na hindi ko siya nakikita ay alam ko na may ngiting naglalaro sa kaniyang mga labi. I chewed my lower lips and trying my best not to open my eyes kasi alam ko na kapag nagmulat ako ng mata, magkakasalubong at magkokonekta na naman ang aming mga mata.

"Honey..." he whispered.

Nag init ang buong muka ko. Nakakainis! Nag iinit ang muka ko dahil sa kilig hindi dahil sa galit!

"Putang ina mo talaga Chad! Hindi mo ba ako tatantanan?!" sigaw ko pero tumawa lang siya, nang aasar kaya mas uminit ang pisngi ko. Paniguradong muka akong kamatis nito!

When he called me honey, pakiramdam ko tumigil ang pag inog ng mundo ko at kabaliktaran no'n ang nangyari sa puso ko dahil bumilis ang tibok ng puso ko. Mukang nahalata ni Chad na iba ang atake sa akin ng call sign kuno na 'yon dahil buong byahe niya akong inaasar pero natigil lang siya nang tulugan ko siya. At muli nagsisimula na naman.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now