CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE

19 2 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE

Angel's Point of View

Agad akong pumara ng taxi nang hindi ko na matanaw ang kotse ni Klein. Agad kong sinabi ang lugar kung saan ako bababa.

Sa bahay nila Rosh.

Nang makarating ako roon ay natawa ako nang makita ko na ang daming armadong bantay sa labas at loob ng bahay nila. Mukang may kinakatakutang makapasok sa loob.

Sino kaya?

Ang grupo kaya nila Chad..

O ako?

Tinaas ko ang dalawang kamay ko dahil nang pagkalabas ko pa lang ng taxi ay tinutukan na kaagad ako ng tatlong guwardiya ng baril.

"Kalma." natatawang sabi ko nang inilahad ko ang kamay ko sa harap nila ay natataranta at natatakot silang umatras.

Tanginang iyan. Sila ang may baril sila pa ang natataranta?

"Hihingi lang ako ng pera pangbayad sa taxi driver. Wala kasi akong dalang pera." natatawa pa ring pakikipag-usap ko sa kanila.

Agad namang kumilos ang isa sa kanila at natataranta pang kinapa ang bulsa niya at inabot sa akin ang limang daang peso. Inabot ko ang pera sa driver na bakas na bakas sa muka ang takot sa tatlong armadong lalaki sa harap ko.

Natawa na lang uli ako nang mabilis niya iyong minaneho paalis.

"Boss niyo? Andiyan?" tanong ko at akmang maglalakad sana ako nang magsikasahan silang lahat ng baril sabay tutok sa akin. As in lahat ng armadong guwardiya rito sa labas ng bahay nila Tito Jack.

"Umalis ka na lang po upang hindi ka masaktan, Miss Angel." sabi ng isa sa kanila. Siya lang ang kalmado sa kanilang lahat at hindi nakatutok ang baril sa akin. Siya kasi ang pinakaleader nilang lahat dito.

Napalabi ako, "bakit?" madramang tanong ko.

Hindi naman niya alam kung anong reaksyon ang ibibigay niya sa akin.

"Napag-utusan lang po kami, Miss Angel. Pakiusap, hindi po namin gustong saktan kayo kaya kung maaari ay kayo na mismo ang umalis." bakas ang pakikiusap sa boses niya. He looks done with me even I didn't fo anything yet. Mukang ayaw niya ng gulo talaga.

Ako rin naman.

Pero gulo talaga ang lumalapit sa akin eh. Pupuntahan ko lang naman si Tito Jack pero may mga bantay na armado agad ang sumalubong sa akin.

"Hindi mo ako gustong saktan o.. hindi niyo gustong saktan ko kayo?"

"Miss Angel,"

"Tsk. Biro lang. Ito naman. Aalis ako sa isang kundisyon."

"Ano po iyon?"

"Tell Tito Jack that "may hell be with you", okay?" malambing na bilin ko.

"Po?!" gulat na aniya. Natuwa ako sa reaksyon niya at doon, naalala ko ang pangalan ng lalaking kaharap ko. It was Axel, the head of all guards. And he knows what is the meaning of that word.

"Pero syempre.. hindi ko naman siya gagalawin agad. May papatunayan muna ako. Sabihin mo, ipagdasal niya na hindi totoo iyon."

"Ano po ba iyon?"

"Sometimes, ignorance is a bless." ngiting imporma ko bago naglakad paalis sa lugar na iyon.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon