CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)

54 8 6
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX
(Choice)

Angel's point of view

Huling araw na ng interhigh, matatapos na rin ang nakakabagot na sport festival na 'to!

Nakahiga na ako ngayon sa kwarto ko. Matapos kasi ng eksenang ginawa ko sa hospital doon ay umuwi na ako, baka kasi pagbayarin ako ng hospital sa sinira kong vase doon. Sila ng bahala doon, tutal ay mapepera naman silang lahat. Ako kasi ay paubos na ang allowance ko pero tiyak naman akong magkakaroon uli ako ng pera.

"Angel, kainan na!" boses 'yon ni Shadow mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Tirahan niyo ako ng ulam!" sigaw ko at nagmamadaling bumangon at tumakbo pababa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil meron pa akong nadatnang makakain.

"Si Angel, demunyita talaga, nakita na pala niyang binubugbog ni Klein si Oscar hindi pa inawat." parinig ni Carl habang kumukuha ako ng kakainin ko.

Inismiran ko nalang siya at nagpatuloy.

"Mali 'yon, paano kung napatay ni Klein si Oscar sa sobrang galit?" gatong ni Cole sa sinabi ni Carl.

Napahinga naman ako ng malalim dahil nagsisimula na akong mainis. Bakit kailangan ipaalala pa nila 'yon? "May nagbabantay ba sakanila sa hospital? Baka magpatayan uli sila roon." pag iiba ko nalang sa usapan.

"Sus! Iniiba mo ang topic!" singit na ni Gaio sa usapan.

"Oo nga naman!"

"Halatado!"

Pasang ayon nila sa sinabi ni Gaio.

"May nalalaman ka pang andoon sila! Dalian niyo! Baka mamatay si Oscar do'n!" inakto ni Cole 'yong sinabi ko, ginaya pa kuno ang boses ko. "Pero nakita niya na pala hindi pa niya inawat."

Nagtawanan silang lahat sa ginawa ni Cole. Gusto ko ring matawa dahil sobrang seryoso na ng itsura ni Cole dahil tinawanan siya kahit wala naman siyang intensyon na magpatawa kaso nabadtrip ako, hindi naman ganoon kaarte ang boses ko, e.

"Gandang laban, e! Besides Oscar deserve it," taas balikat na sagot ko.

Natahimik sila habang nakatingin saakin.

"So, ano? May nagbabantay ba sakanila roon sa hospital?" pag uulit ko na sa tanong ko.

"Andoon na ang parent nila, don't worry." si Dana ang sumagot.

Napatango tango naman ako. Iyon ang dapat talaga.

Naupo na ako sa tabi ni Carl dahil doon lang naman ang bakanting upuan at nagsimulang kumain.

Syempre hindi lang kain ang ginawa namin kundi nagbangayan nag-asaran kami. Ako ang kinawawa nila at pinagtulungan. Sinumbat nila saakin ang ginawa kong pag iwan at hindi pag awat kanina sa dalawa, hindi naman ako makaganti ng salita dahil totoo naman na ginawa ko 'yon kaya dahilan ko ang sinabi ko which is hindi makatarungang dahilan.

Matapos naming kumain ay naatasang magligpit at maghugas ng pinagkainan ay walang iba kundi ako.

Ako lang.

-_-

Bwesit sila.

"Laro mo na bukas."

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now