CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE

53 13 11
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
(Beatrice)

Angel's point of view

Panibagong araw, panibagong boring na araw!.Wala ng mga klase at mas nagpukos ang lahat sa darating na sport festival.Wala naman akong nagawa kundi ang manood ng practice nila na hindi ko magets hahaha sorry naman hindi ako pinalaki na tinuturuan ng mga ganyang bagay,lumaki ako na kaya lang at bumasag ng muka ng mga taong kagaya ni Resha!.

Nanonood lang ako ng practice nila.Imbes na alagaan ko si Justin sa bahay eh noh?.Bumaba na ang lagnat ni Justin nang icheck ko 'to bago kami pumasok.Ayos nga eh ang bilis niyang gumaling isang araw---wala pang isang araw na may sakit umookay na agad.Gusto ko nga sana siyang alagaan para gumaling agad at makapagpractice kaso si Chad na abnormal gusto niyang pinapanood ko siya,hindi niya ako pinayagan.

Nakipagpalit muna 'yong isang kateam nila kay Chad...'yon ang tingin ko kasi papalapit na ngayon sa kinauupuan ko si Chad.Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang tuyuin ang pawisan niyang katawan.Kung ibang babae lang ako naglaway na ako sa kakisigan niya!Nagpunas ba naman sa harap ko,kaso hindi naman ako iba...nakita ko na nga abs niya eh!Tsk.'Yong ibang mga nanonood ang naglalaway,nagsisigawan pa nga sila eh.

"Chad,king na naman eh!Hindi ko nga magets 'yang laro niyo!Ang boring boring!Kanina pa ako nabuburyo rito,feeling ko nga mamamatay na ako sa kaburyuhan gusto ko nalang umuwi!"

"Can you please shut up?"suway naman nito habang pinupunasan ang pawis niya.

"Uwi na nga ako,"

"No,stay here."

"Wala naman akong gagawin dito eh!"

"Cheer me."simplehang sagot niya.Kaya napanguso ako.Ang dami dami na ngang nanonood at nagchecheer eh!."One."mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang magbilang siya na kinangisi naman niya."Pahalik ako ah"sambit niya sabay hablot sa kamay ko na nakatakip sa bibig ko at nang unti unti niyang nilapit ang muka niya saakin ay walang alinlangang sinampal ko siya.Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

"Hindi ako papahalik sayo."umiiling na sabi ko.Matapos ang lahat ng kaabnormalan niya nitong nakaraang araw?,Matapos niya akong snoben?,Matapos niyang makipaglandian kay Pia?,Ito siya nauulol na nagpapaalam na hahalikan niya ako?.Abah! Hindi maaari 'yon!.

"Then what with that slap for?"tanong niya habang nakahawak sa pisngi niya.Hindi pa rin makapaniwala.Gusto kong sabihin 'yong lahat ng dahilan para sampalin ko siya pero hindi ko naman masabi.Asan karapatan kong sabihin 'yon?Wala.Fake girlfriend lang naman niya ako.tsk.

"Wala lang trip ko lang."iyan nalang ang sinabi ko.

"You slap me cause it's your trip?"salubong na kilay na tanong niya.Hindi nagustuhan ang dahilan ko.

"Oo,sinampal kita kasi trip ko,"sambit ko habang may ngiti sa labi pero lahat ng 'yon nawala ng bigla niya akong kabigin papalapit sakanya at naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

-_-?

Puta PDA!!!

Tinulak ko siya agad palayo saakin at saka ko nilibot ang tingin ko sa paligid at gusto kong kainin nalang ako ng lupa dahil sa kahihiyan dahil nakatingin ang lahat saaming dalawa ni Chad,as in lahat...mga nanonood sa practice nila,mga taong napadaan lang at ang mga kateammate niya na natigil sa paglalaro at nakatingin lang saamin.Sinamaan ko ng tingin si Chad na ngingiti ngiti lang.

"Walang poreber!"

"Yaks ang PDA mo Montelabano!"

"Matamis hahaha"

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now