CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)

53 9 10
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE
(Different)

Angel's point of view

Alas otso,kanina pa nagsimula ang game nila Shadow na ang sports ay Badminton.Uubusin ko muna siguro 'tong ice cream na binili ko bago ako pupunta roon at manonood.Tsk.Ayoko ngang manood dahil alam kong maboboryo lang ako roon pero hindi naman pwede 'yon at isa pa player din ng badminton si Froylan.

Ang International sport festival College at Highschool ay sabay kaya hati ang talaga ang oras kaya iilan lang ang mga highschool student na nakikita ko ngayon, siguro nasa ibang school sila at ginaganap din ang interhigh nila.Hindi ko rin kasi makita 'yong apat na sila Tristan,Shu,Stell at uhmm hindi ko na nga matandaan kung ano ang pangalan no'ng isa dahil antagal ding hindi ko sila nakita.Miss ko na nga sila,e.

Miss din kaya ako ng mga 'yon?

Pinilig ko nalang ang ulo sa isiping 'yon.Iba na talaga kapag mag isa ka lang kung ano ano ang pumapasok sa utak ko.

Nang maubos ko ang kinakain ko ay nagpasya na akong pumunta roon at manood.Bibili pa uli sana ako at kainin uli 'yon at pag naubos ko na ay bibili uli ako hanggang sa maubos 'yong baryang nasa bulsa ko kaso naisip ko mauubos 'yong pera ko?Syaka hindi ko na mapapanood 'yong game.

Hayst ayoko talagang pumunta roon!.Paniguradong nandoon silang lahat dahil walang kasabay ang laro ni Shadow na laro ng iba naming kasama kaya naroon silang lahat para panoorin siya.Andoon rin panigurado sila Daniel at Travis.

Geyra na this.

I stand up and yawn.Tsk i'm too lazy to walk even to breathe--char.Humihikab hikab pa ako habang naglalakad patungo sa court.Wala pa man ay rinig ko na ang ingay.Nang nasa paanan palang ako ng pinto ng court ay rinig ko na ang sigawan ng mga manonood at cheer leaders na nagchecheer sa school namin at ganoon din ang mga cheer leader ng kabilang panig.Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko agad ang mga kasama ko.Iba kasi ang aura nila, 'yong tipong kahit nakatago na sila makikita mo sila dahil malakas ang dating nila at lumala na nga dahil magkakasama pa sila.

Siguro ang saya ko ng sobra kahapon kung naroon din sila at kompleto?Ano?

Napabuntong hininga naman ako. Ano ba 'yan!.Tapos na 'yon hayaan mo na nga!.

Naglakad na ako papalapit sakanila pero hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan ay nakita ko sila Chad at Pia sa likuran ng mga kasama ko at mukang... nag uusap sila at...bigla silang nagyakapan.

Kunot noo ko silang pinagmasdan.

Ano 'yon?

Ano na namang ganap?.Halata rin kasi sa mga kasama ko na hinaharangan nila ang dalawa para hindi mapansin ng mga manonood sa paligid.

Kumunot ang noo ko nang makita ko kung paano yakapin pabalik ni Chad ang babae na bakas sa muka ang takot.

Ano naman bang nangyayari?!.

"Angel," kahit malakas ang sigawan at maingay talaga ang crowd dahil nakascore ang school namin ay narinig ko at nilingon ko ang taong tumawag sa pangalan ko.

Hindi ko alam at kusa nalang akong ngumiti sa lalaking tumawag saakin at nilapitan siya.

"Are you okay?" he asked,then,tinignan niya ako ng may pag aalala.

I nod."Of course"

"You sure?" he didn't believe in me.I sight.Nakalimutan ko na may naunang tao na ang nakababasa saakin bago si Justin,at si Daniel 'yon.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now