CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE

59 10 7
                                    

Author's Note : Sana pag pasensyahan niyo na tong nakayanan ko😊 Nakokonsyensya nga ako eh ang late na'kong nag update kaya sana mapatawad niyo ko!.😊 Happy reading mga mahal!😘❤️

-Tatashart❤️

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
(Care)

Angel's point of view

Nagising akong maayos na ang itsura may benda na ang mga galos ko,ramdam ko rin na kay nakalapat ng band aid sa balikat ko, malinis na ako wala ng bahid ng dugo ang katawan ko at iba na ang suot na damit.Nilibot ko ang paningin ko at nasa kwarto na ako ngayon.At don ko naalala lahat ng nangyari kagabi.Naalala ko na kinain ako ng emosyon ko.

Kamusta na kaya yung mga humarang sakin?tsk.

Bumangon ako pero agad ding napayuko at napasabunot sa sariling buhok ng kumirot bigla ang ulo ko at ang bigat ng pakiramdam ko.Nilalamig din ako.

shit!

Kahit na ganon ay pinilit kung kumilos at tumayo saka lumabas sa kwarto.Pero ni isang tao wala akong makita."N-asaan naman k-aya sila?"pati ang boses ko umiba,at medyo hirap akong magsalita.

Tangina  bakit naman ako nagkasakit?kainis.

Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock at nalaman agad ang sagot sa sarili kong tanong.School hour na, malamang nasa school na sila."Hi-hindi man lang ni-nila ako g-ginising para pumasok"nahihirapang usal ko bago bumaba.Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom."Tangina"mura ko nalang,nahirapan kasi akong maglakad kasi pakiramdam ko pasan ko ang universe ngayon at namamanhid pa ang paa ko at sa hindi ko maintindhan nilalamig ako.

Warm kasi muna,mygadness Angel!

Hinihingal na nakarating ako sa baba.Ang bilis ko napagod.

Naghanap nalang ako ng ready to eat na makakain sa ref tinatamad akong kumilos eh para ipagluto ang sarili ko pero hindi naman tinanggap ng tiyan ko ang mga kinain at sinuka ko lahat sa lababo."Kadiri naman,kainis"nasabi ko nalang kasi lahat nakikita kong pag kain at tinitikman ay nakakadiri ang lasa at kung hindi naman ay walang lasa.

Kaya ayaw kong magkasakit eh!.May makakain nga hindi ko naman makain!Gutom tuloy bagsak ko.Dumagdag pa to sa bigat ng pakiramdam ko.

Wala na akong nagawa kundi ang gutom na bumalik sa kwarto at binalot ko ang sarili ng kumot dahil sobrang lamig.

Nakakainis naman ehy!

Pinikit ko ang mga mata para sana matulog pero hindi ko naman magawang matulog.

Gusto kong maiyak king ina.

Tumayo nalang uli ako."Ano na nga uli yung gagawin ko?"hahaha bwiset.

Kahit na hirap sa paglalakad kasi nga pagod ang katawan at kahit na ang bigat bigat ng pakiramdam ko ay naligo ako wala na akong paki kahit mamatay na ako basta malinis ako hahaha, kasi parang naamoy ko pa rin yung dugo na bumalot sa katawan ko kahapon.

Lumabas ako ng banyo ng matapos kong maligo at muling bumalik sa kama at nahiga.Inaantok na ako,siguro kaya ayaw matulog ng diwa ko kasi ambaho ko?hahaha.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum