CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR

22 3 0
                                    

Chapter One Hundred Sixty Four


Angel's point of view


Sobrang laki ng pagkakaiba namin ng lalaking minahal ko. He's so selfless while me is so selfish. Siya, sila muna bago siya. Ako, ako muna bago ang iba.


Wala sa itsura niya ang mga naging disesyon niya. Nakakatuwa siya. Mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya sa mga nalaman.


Hindi tama na natakot siyang sabihin sa akin ang totoo. Hindi tama na inisip niya na iiwan ko siya matapos kung malaman ang lahat kasi... mas minahal ko pa siya.


And I hated myself for that.


Ang lakas ng loob kong mahalin pa siya lalo habang nagsisinungaling ako sa kaniya. Nakakatawa. Natatawa ako sa sarili ko pero anong magagawa ko? Hindi ko kontrolado ang puso ko.


Niyakap ko ang lalaking katabi ko at dinama ang mabigat at mabagal niyang paghinga. Sobrang himbing ng kaniyang pagtulog kaya malaya ko siyang pinagmasdan lang. Inayos ko ang buhok niya, hinaplos ang ang muka niya saka ngumiti. Isang magaang halik sa labi ang ninakaw ko sa kaniya bago pinikit ang aking mga mata.


"Mahal kita, Chad..." I whispered before I fall asleep.

Sa Ika-limang araw, hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako. Pagod ako, hindi sapat ang tulog ko pero hinihila ako ng katawan kong bumangon na. Inayos ko ang kumot na nakabalot kay Chad at napangiti dahil ang amo ng muka niya. Inayos ko pa ang buhok niya bago tumayo mula sa papag.


Nang lumabas ay sumalubong sa akin ang natural na lamig ng umaga. Niyakap ko ang sarili at nilanghap ang sariwang hangin. Napangiti ako nang nakita ko si Manang Espe na naghahanda na ng almusal nila. At ang mga anak niya na pinapanood siya, hinihintay ang malulutong pagkain nila.


Sana'y ganiyan din ang hinaharap ko kasama ang mga anak namin ni Chad.


Natawa na lamang ako nang madako sa akin ang paningin ng matanda at inirapan ako.


"Magandang umaga, ihja!" bati sa akin ni Mang Pido nang makasalubong ko siya. May buhat buhat itong malalaking kahoy at mukang galing siya sa kakahuyan.


"Magandang umaga rin po!" nakangiting balik bati ko.

Pinanood ko siyang ilapag sa lupa ang mga dala niya, nang matapos no'n ay nilapitan niya ang kaniyang asawa, si Manang Espe, at hinalikan sa pisngi. Ganoon din ang ginawa niya sa kaniyang mga anak.


Bumuntong hininga ako saka ngumiti. Siguro... sa ilang araw namin dito at lagi akong maagang bumabangon, ganito kagandang eksena ang mapapanood ko.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now