CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY

14 2 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY

Angel's Point of View

"Cole!" masayang bigkas ko sa pangalan ng lalaki nang sagutin niya ang phone niya na kanina ko pa tinatawagan.

"It's not Cole, it's Klein." it was Klein.

Nadismaya akong napa-upo. Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n ang kausap ko lang sa telepono.

"Where's Cole? Is he okay?" tanong ko at pinatay na ang tawag.

"Okay?" naaasar na tanong niya. "ang stupid naman ng tanong mo." bakas na bakas ang pagkasarkastiko ng boses niya. Tumawa pa ito ng nakakainsulto.

"Maka-stupid ka naman. I'm just checking, okay? Kung kumakain ba siya or what." ani ko.

"He's not." maikling sagot naman ng lalaki.

"Bakit nasa sayo iyang phone niya?" tanong ko sabay turo sa phone ni Cole na hawak niya.

Tinignan niya ako na para bang napakatanga kong tao pero napabuntong hininga siya na parang naalala niya na tanga talaga ako. Bwesit eh. Kahit talaga hindi siya magsalita ay alam ko na agad laman ng isip niya.

"Cole... was trying to kill himself. Every day.. every night... every time he got a chance. Kaya lahat ng bagay na maaaring gamitin niya upang saktan ang sarili niya, inaalis namin." imporma niya, "including his phone." sabi niya sabay pakita sa akin ng phone ni Cole.

Bumigat naman ang pakiramdam ko sa nalaman. Huminga ako ng malalim upang kumalma.

Magsasalita pa lang sana ako nang senyasan niya akong manahimik gamit ang kamay niya. Inungusan ko lang siya pero nanahimik din lang.


"How's your feeling? How's you wounds?" tanong niya, wala na ang mapang-insultong Klein.

At mukang iniiwas niya rin ako sa topic tungkol kay Cole o kay Lesly.

Nangiti ako. "Okay? Ang stupid naman ng tanong mo." balik ko sa sinabi niya sa akin. Nagsalubong naman ang kilay niya at lumapit sa akin. Hindi ako nakapalag nang pitikin niya ang noo ko.

"I'm serious." sabi pa niya.

Upang masagot ang tanong niya ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kung may masakit ba sa katawan ko. Ngumuso ko nang maramdaman ko ang sakit sa leeg ko.

"Maayos naman ang mga sugat ko. Ang masakit lang talaga ang leeg ko." sabi ko. Hinawakan ko pa ang leeg ko at ngumuso.

"Pero okay ka na?" tanong niya, naninigurado.

"Oo.." sagot ko.

Matapos naming mag-usap ay sinabi niya na ang pakay niya. Ang sunduin ako dahil pwede na akong umuwi. Napangiti ako sa balita niyang iyon.

Hindi pa raw uuwi ang tatlo dahil hindi pa sila pinayagan ng doctor dahil malala ang tama nila sa katawan. Hindi gaya ko na sakal lang ang inabot.

"Pero pwede bang 'wag muna akong umuwi? Kailangan ko kasing magbantay muna rito..." pagdadahilan ko lang.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now