CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO

30 5 6
                                    

Author's Note : Hi? HAHAHA. I'm the process of finding my ink back so bear with me and my late update. Namiss ko mag update haha.

I know matagal akong nawala kaya patawad. Bumalik na uli ako sa pagsusulat at I hope tuloy tuloy na. And I want to inform you all that my update is every SATURDAY or SUNDAY night. Yeah. Depende kung ilan ang matapos kong chapter.

I hope I'll be productive na. I miss writing. I miss Wattpad. I miss my VIPs. Tagal kong nawala and now... I already found my way home. Here. To You. Hihi I love you all.

-Tatashart

CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
(plano)

Angel's point of view

Nagpatuloy lang kami sa pag uusap at kumakain kami kapag gusto namin. Wala kaming ibang ginawa kundi ang maupo at manatili roon pero hindi man lang ako makaramdam ng pagkaburyo kasi siya naman ang kasama ko.

We spend the whole day together like no tomorrow..

Napakaganda ng klima na parang nakisama sa aming dalawa at hinayaan kaming magsaya. Nakakaapektong araw...

"Can I spend my whole life here?.." sabi ni Chad sa kalagitnaan ng pag uusap namin tungkol sa kung saan.

Napatingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa magandang tanawin na parang ito ang kinakausap niya. Tinignan ko lang siya hanggang sa binaling na niya ang tingin niya sa akin.

"Can we spend more time here?" he asked—no, he pleaded.

"Chad.." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Kitang kita na ang masayang mata niya kanina ay puno na pagdadalawang isip at pag aalinlangan. Hinawakan ko kamay niya at hinaplos.

"Puntahan muna natin lahat ng tourist destination nila rito.. tapos no'n.. babalik tayo sa tinutuluyan natin at doon ko na lang sabihin?" muka siyang.. takot. Takot na mag sabi? Takot na malaman ko ang totoo? Takot na baka husgahan ko siya? Takot ba siya kasi baka iwan ko siya sa malalaman ko? Hindi ko alam basta nakikita ko sa mga mata niya ang takot.

Chad.. ano ba.. kanina lang gusto mo nang sabihin tapos ngayon takot ka na? Bakit?...

"Wala ka bang tiwala sa akin? Sinabi ko na sayo.. hindi mababago ng mga sasabihin mo ang nararamdaman ko sayo kung 'yan ang inaalala mo, hindi rin kita huhusgahan.. wala akong sasabihin, makikinig lang ako sayo." I assured him but he shook his head.

"Please?"

Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya. Hindi ko siya pipilitin kung hindi pa siya handa o baka hindi niya gustong magsabi... kahit na gusto kong malaman ang totoo hahayaan ko na lang ang gusto niyang gawin o mangyari.

Hindi ako nagpahalata na nadismaya ako. I don't know why I felt a little bit dismay, I really don't know. Siguro umasa lang ako na sa oras lang na 'yon siya magsasabi. Hindi naman ako interesado sa mga sasabihin niya kasi gusto ko talagang malaman at naiintrega lang ako, interesado ako sa mga sasabihin niya kasi alam ko na may mga dahilan siya kung bakit niya nagawa ang mga 'yon at para na rin mailabas niya 'yong mga tinatago niya na hindi masabi sa mga kasama niya at para na rin gumaan ang loob niya kasi maski akong nakakakita lang sa hirap sa mga mata niya.. nabibigatan.. nahihirapan na, paano pa kaya siya? Hindi ba?

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now