CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE

14 1 0
                                    

Chapter One Hundred Sixty Five

Angle's point of views

"

May pasayawang bayan pala mamaya sa plaza.. inanyayaan ako ni Mayor." imporma ni Mang Pido, kakarating lang niya galing bayan. Bumili siya ng uulamin namin mamayang hapunan.

Pababa na rin ang araw, kakatapos lang din maligo ni Chad at mga bata sa falls kanina. Hindi na ako sumama dahil naglaba kami ni Manang Espe ng mga damit. Nakaupo kami sa papag na nasa ilalim ng puno at kinakain ang meryenda na suman na niluto ni Manang Espe.

"Pasayawang bayan?" kunot noong tanong ni Chad. 'Yon din sana ang itatanong ko, naunahan niya lamang ako.

"Para 'yong prom night, magdadamit ng maganda, at magsasayawan, gano'n. Ang kaibahan lang ay hindi mga estudyante ang mga dadalo kundi mga taong taga ibang baranggay ng Natividad." eksplinasyon ni Mang Pido. Pareho naman kaming tumango ni Chad nang maintindihan.

"Nais niyong sumama? Maganda roon at masaya! Maraming tao at marami kayong makikilala." sabi ni Mang Pido.

"Sus, maaaya mo ba ang mga 'yan e mayayaman 'yan! Malamang ay elite party lang ang dinadalohan ng mga 'yan." pagpaparinig ni Manang Espe. Nakatingin naman kami ni Chad at parehong natawa.

"We're going. Right, Angel?" sabi ni Chad.

Tatango na sana ako bilang pagpayag ngunit naalala ko na walang nadalang matinong damit si Chad na nag-impake ng damit ko bago kami umalis, puro mga pants at over size shirt ang meron kaya naman umiling na lang ako.

"You don't want? Why?" takang tanong niya.

"Wala akong matinong damit, Chad, lahat ng dala mo ay pants at over size shirts. Alangang pumunta ako roon nang ganoon ang suot?" sabi ko. Naiisip ko pa lang na ganoon ang suot kong damit na pumunta roon ay nararamdaman ko na agad ang mga mata ng tao sa akin. Ayaw ko namang maging agaw pansin 'no! Alam kong agaw pansin ang kagandahan ko pero mas lalala 'yon kapag ganoon pa ang suot ko.

Hayst, ganda problem.

Natawa ako sa iniisip ko.

"Ako rin naman. Walang matinong damit." sabi ni Chad kaya napa irap ako. Wala raw e halos ng damit niya e pangpormahan lahat!

"Magagawan naman ng solusyon 'yan. Edi pumunta tayo ng bayan ngayon para makabili kayo ng susuotin niyo para mamayang gabi! Mayayaman naman kayo!" suhesyon ni Manang Espe.

Nakatinginan kami ni Chad. At natawa.

"Faster, Angel! Iiwanan na tayo nila Mang Pido!" malakas na sabi ni Chad.

"Oo na! Sandali lang!" malakas na sabi ko rin. Papunta kasi kami ngayon sa bayan para bumili ng damit na susuotin namin mamaya sa pasayawan. Lumabas ako habang inaayos ang buhok kong hindi ko na sinuklay dahil sa pagmamadali nila. Natulog kasi ako kanina at nagising nang alas kuwatro na ng hapon at sakto naman na pag-alis namin.

Masamang tingin ang pinukol ko kay Chad nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Alam ko naman na ako ang tinatawanan niya.

"May muta ka pa, Angel," natatawang puna niya. Agad ko namang dinapo ang kamay ko sa mata ko.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now