CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE

58 7 3
                                    

Seryosong Author's Note :

Una. Nagkasakit ako. ako. Vow! Ilang araw din 'yon at ilang araw din akong hindi nakahawak ng selpon nang gumaling ako dahil hindi nila ako pinayagan.

Pangalawa. Mabibigat 'yong mga naiisip kong eksena kaya medyo matagal tagal akong magsulat.

Pangatlo. Pasensya na. 'Yon lang! Hhshshshshh AlabYu!

-TatasHart 💕

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
(No way)

Angel's point of view

"I like you, Angel,"

Napaawang ang labi ko sa narinig. Napapikit ako at natawa ng mahina.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko; matutuwa ba ako? Kikiligin ba ako? Mahihimatay ba ako sa sobrang saya? Manghihina ba ako dahil 'yong lalaking gusto ko gusto rin ako?

Hindi ko alam..

Namali lang ako nang rinig. Tama, namali lang. Umiling ako at humakbang na pero hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag niya uli ako.

"Angel,"

Kunot noong hinarap ko siya, "Ano?!" hindi ko nakontrol ang pagtaas ng boses ko dahil sa frustration. "Lasing ka ba? Nanggagago ka ulit?" napakagat labi ako nang bumalatay ang sakit sa mga mata niya. Bakit ganoon? Ang bilis kong makaramdam ng guilty sa mga sinasabi kong nakakasakit sakaniya!

Nakakainis!

"My heart's on fire..." mahinang saad niya lang imbes na sagutin ang tanong ko.

Sumikdo ng mabilis ang puso ko sa sinabi niya lalo na nang mag angat siya nang tingin saakin at magtama ang aming mga mata. Ang mga mata niya ay nangungusap.

"Gusto ko kita, Angel. Hindi ko alam kung paano, kung kailan, pero alam ko kung bakit... napapasaya mo ako, sa mga ngiti mo, sa tawa mo, sa presensiya mo palang kompleto na ako," Ang bawat salitang nagmumula sa labi niya ay parang isang magandang musika saakin. Nawiwili ako't hinehele nito.

Pero hindi ako pwedeng magpadala.

"Kalokohan. Sinasabi mo lang 'yan dahil... " Wala akong mahanap na tamang salita. Bigla akong napipi at naging blangko ang isip ko at hindi ko na alam ang idudugtong ko.

"Dahil nagseselos ako at gusto kong malaman mo na ang dahilan ay gusto kita, gusto kita," siya na ang nagdugtong sa mga sasabihin ko.

"Gusto? Alam mo ba 'yang sinasabi mo?!" hindi mapigilang usal ko.

"Naalala mo noong gabing tinanong mo ako kung gusto ba kita kasi parang ganoon ang ipinapahiwatig ko? Hindi kita sinagot no'n at nakangiti lang ako... Alam mo kung bakit?"

"M-Malamang hindi! G-Gago ka ba?!" napapikit ako dahil ang tapang tapang ng boses ko pero nautal ako!

"Kasi sobrang saya ko no'ng gabing 'yon. Akala ko talaga hindi mo mararamdaman ang pagpaparamdam ko," ang bawat salita niya ay dahan dahan. Dahan dahan ang pagsasalita niya habang nakatingin sa mga mata ko na para bang ang puso niya na mismo ang nagsasalita para sakaniya para ipaintindi rin 'yon sa puso ko.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now