CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO

58 8 14
                                    

Author's Note : Pambawi.

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO

(See.)

Angel's point of view

Behind those smile there's a pain. Behind those laugh there's a heart that broken. Behind those colorful life what they are now because they have a not so perfect but happy friendship even they don't have a perfect family there's a story.

I'd never imagined this.

Hindi kailanman umabot sa punto na naisip ko na mayroong madilim na nakaraan silang napagdaanan.

"You're a monster! A freaking selfish monster!"

With all my strength, kumawala ako sa pagkakasakal saakin ni Justin at niyakap ko siya. I hugged him tight so he can't pull out.

"Tama na please..." mahinang usal ko. "Tama na Justin," napapikit ako't napaluha nang yakapin niya ako pabalik at umiyak sa balikat ko.

Nanghinang napaupo siya kaya nadamay ako. Nakaupo kami ngayon habang magkayakap.

Sa ganoong posisyon, nakita ko ang papalayong bulto ni Chad sa gawi namin.

Siya, si Chad ang gusto kong yakapin ngayon kasi sa lahat siya ang pinaka nasaktan, sa lahat siya ang pinaka nadurog.

Sino bang hindi masasaktan at madudurog? Masaya kayo, nagtatawanan kayo, magkakasabay kayong kumain, nasa iisang bahay kayong lahat, hindi man magkakadugo ay para ng magkakapatid, hindi man nila sabihin pero mahalaga silang lahat sa bawat isa, pero hindi mo alam silang mga kasama mo may sama ng loob sayo.

Ang sakit no'n.

Ako ngang nakaalam lang ay sobrang nasaktan na. Siya pa kaya?

Gusto ko siyang yakapin, alohin, samahan pero mas pinili kong yakapin si Justin dahil kung hindi magtutuloy tuloy siya sa pananalita, masasabi niya lahat lahat ng kinikimkim niya, mas masasaktan si Chad. Ayoko.

Nakatulog si Justin sa balikat ko. Tinulungan nila akong buhatin siya at ipinunta sa isang kwarto.

Walang nagsalita sakanilang lahat matapos ang insidenteng 'yon. Hindi na rin ako nagsalita pa. Lahat ay dumeretso sa kani kanilang kwartong inuukupaan kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

Nahiga ako sa kama at nagtaklob ng kumot.

Lahat ay natatandaan ko pa. Lahat ng detalyi ng mga salitang binitiwan ni Justin at hindi 'yon mawala wala sa isip ko. Pero... para akong nablangko.

Gusto kong lumabas at magtanong, gustong gusto ko pero huwag na lang. This time, I won't force them to answer my follow up question. May nalaman ako pero hindi naman nabawasan ang mga tanong sa isip ko.

Ang dami daming tanong na nagsisulputan sa isip ko at naiinis ako dahil wala akong makuhang sagot sa sarili ko. Parang nawala nalang bigla sa tamang proseso ang utak dahil sa nalaman at dahil na rin sa nakita.

Napatayo ako dahil sa inis! Inis sa sarili ko!

Kung hindi ba ako nagpumilit na sabihin nila saakin ang mga 'yon hindi mangyayari 'to?

Malamang ay oo.

But it's already done now. Nagsisisi ako pero wala na akong magagawa.

Para hindi masyadong mag isip ay naligo ako ng malamig na tubig. Ayan tuloy ay kahit gabing gabi na ay nagsisisigaw ako dahil sa lamig.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now