CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)

71 9 15
                                    

A/N : 7pm kagabi, napublish ko na 'tong chapter na 'to pero hindi napublish?Ano 'yon?hahaha sorry nagloloko 'ata si Watty.

-Tatashart

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE
(Yes)

Angel's point of view

We fight,we fix,that's our friendship.

Nakangiti ko silang pinapanood na naglalaro na parang bata sa pool.Nang makauwi kasi kanina ay nag usap usap sila na mag swimming sa pool para makapagrelax daw.

Sa ngayon napapansin ko ang pagiging emosyonal ko tuwing sila na ang usapan kaya nababahala ako,hindi dapat ganito...dapat inilalayo ko na ang loob ko sa kanila bilang paghahanda sa mga bagay na maaring mangyari anumang oras gaya na lamang 'pag nalaman na nila kung sino ako,kung sino talaga ako,anong pakay ko at kung kanino akong grupo.Ilalayo ko ang loob ko sa kanila para kung sakali man na malaman na nila ang totoo hindi gano'n kabigat sa loob.

Pero paano?

Ngayong nasanay na ako na kasama sila.Nakakabwiset!Untog ko nalang 'ata sila isa isa para makalimutan nalang nila ako para ako nalang magdusa hindi na sila kasi hindi nila deserve e.Nagtiwala lang naman sila saakin,sa maling tao.

"Malabs! Halika na rito! Hayaan mong mag isang mag ihaw d'yan si Chad! " tawag saakin ni Gaio. "Joke! Segi, d'yan ka nalang pala!" bawi agad nito sa sinabi at agad na sumisid palayo kaya nilingon ko si Chad na nag iihaw ng barbeque sa tabi ng kinauupuan ko.Natawa ako dahil ang sama ng tingin nito kung nasaan kanina si Gaio.

"Sungit" bulong ko at muling tinuun ang atensyon ko sa mga lumalangoy kong mga kaibigan.

Gusto ko ring makisali sa paglangoy nila,gusto kong lunurin si Gaio na ang lakas lakas ng tawa roon kaso may parte saaking gustong manatili dito...kung nasaan si Chad.

Si Chad na ang lakas makabigay motibo hindi ka naman gusto!

"Narinig ko 'yon---"

"Ay  hindi gusto!" hiyaw ko sa gulat dahil sa mismong tainga ko pa siya nagsalita.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya naman minura ko siya.Malutong na mura.Lagi nalang kasi!Tuwing tatawa o ngingiti ay nang aasar.Hindi ba pwedeng tumawa o ngumiti siya kasi masaya siya...saakin?.

Joke lang.Ew.

"Falling for me already?"

Bigla akong napaiwas ng tingin sa lalaki dahil hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakaniya.

"Asa!" bulyaw ko.Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa niya kaya naman inis na hinarap ko siya. "Huwag ka ngang tumawa tawa d'yan kung ayaw mong ihulog kita sa pool at lunurin!" napatayo pa ako dahil sa sobrang inis pero tinawanan lang uli niya ako.Hindi ako nagbibiro! Ihuhulog ko talaga siya at lulunurin!.

"Lunurin mo ako ng pagmamahal mo..." banat niya.

Kailan ka pa naging corny Chad?!

Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.

"Pwede ba?!"

"Pwede bang mahalin kita?" saad niya at kumindat pa.

Sinugod ko siya at kahit matangkad siya saakin ay inabot ko ang tainga niya at piningot 'yon.Napadaing siya pero wala akong pakialam at hinila ko siya patungo sa gilid ng pool at tinulak.Hiyawan ng mga kasamahan kong na nanonood na pala saamin ang umalingawngaw sa paligid.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now