CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY

70 9 6
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED SIX
(Let us be)

Angel's point of view

Napatakip ako ng bibig nang hindi ko na naman mapigilan ang pagtawa ko.

"Stop laughing, will you?"

Itinikom ko ang bibig pero nauuwi 'yon sa pagngiti kaya naman kinagat ko ang labi ko saka ako tumango tango. Nakita ko na umirap si Chad sa inakto ko na nakapagpangiti sa akin. Alam ko, kahit na nakakagat labi ako ay halata na nangingiti ako.

Itinuun ko na lang uli ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng kotse at tinignan ang magandang tanawin upang hindi na tignan si Chad na salubong ang kilay.

Tawa lang ako nang tawa buong byahe at napapatigil lang ako kapag masamang tingin na ang ibinabaling sa akin ni Chad, gaya lang kanina.

Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko kanina nang tanongin niya ako kung pwedeng pahalik.

Hindi ako handa no'n at nagulat. Well, ugali niya naman talaga ang mangsunggab na lang ng labi tapos ay nagpaalam siya? Sinong hindi magugulat?

Wala pa rin naman akong sagot no'n! Maski pagtango bilang pagpayag sa sinabi niya ay hindi ko pa ginawa tapos ay bigla niyang inilapit na lang ang muka niya. Nabigla ako at kusang umangat ang kamay ko at... sinapak ko siya.

Ang kamao ko ay sapol sa kaliwang bahagi ng mata niya na kulay ube na ngayon at 'yon ang tinatawanan ko kanina pa. Hindi ako makapagpigil sa pagtawa.

Sa pagod na rin siguro sa byahe at sa pagtawa ay nakatulog ako.

"Road trip ba 'to?" tanong ko nang magising na ako sa pagkakatulog ay nasa byahe pa rin kami.

"Nope. Actually we're already here. I'm just going to park."

Sa sinabi niyang 'yon doon ko inilibot ang tingin ko. Magpaparking na lang talaga dahil nasa parking-an na kami.

"Pwede mo na bang sabihin kung nasaang lugar tayo?" tanong ko habang inilalabas ang mga gamit na dala dala namin mula sa truck ng kotse niya.

Hindi kasi pamilyar sa akin ang lugar.

"We're in Pangasinan."

Hindi na ako nagsalita pa at kahit na nagtataka kung bakit ang tagal ng byahe namin ay tumango na lang sa naging sagot niya.

Ibinaba niya ang lahat ng gamit namin na pinagtaka ko na naman. Bakit? Wala akong nakikitang bahay rito... o kahit masisilungan man lang na shed maliban sa mga puno. Confirm. Nasa probinsiya kami ng Pangasinan.

Tahimik na ako sa isang tabi dahil ramdam ko na ang gutom at baka kapag nagsalita pa ako ay mas magugutom ako lalo.

"Chad? Anong trip mo? Ginagaya ba natin ang mga puno at tatayo lang rito? Ano na? Naiinip na ako at nagugutom." hindi ko na napigilan ang magreklamo dahil ilang minuto na kaming nakatayo.

Lumingon siya sa akin at napabuntong hininga. Mukang naiinis na rin siya gaya ko at pilit lang na pinapakalma ang sarili.

"Nakatanggap ako ng text galing sa susundo sa atin dito patungo sa resort hotel na tutuluyan natin. Ang tagal lang."

"Hindi ba pwedeng 'tong sasakyan na lang natin?"

"Hindi raw pwede."

"Bakit daw?"

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now