CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

14 1 0
                                    

Author's Note :

Hello! Sorry for the kong wait. Mahal ko kayo!

-Miss A.

--

Chapter One Hundred Seventy Three

Angel's Point of View

"Bravo!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was Justin and he's clapping his hand while looking at me. Nakatingin siya sa akin na para bang bilib na bilib siya sa nakikita niya.

Akala ko umalis siya..?

Gaio left me, sabi niya tutulungan niya raw sila Dana at Liza sa hospital upang ayusin ang gamit ng tatlo doon at asikasohin ang bills nila.

Nasa sala ako ngayon at nakaupo, hinihintay ko si Carl na bumaba. Galing kasi ako sa kwarto ni Cole, sumilip ako at nakita ko na binabantayan ni Carl si Cole ng mabuti habang kumakain ito ng agahan.

"Justin..." alanganing bigkas ko sa pangalan niya sabay tingin sa taas. Baka kasi biglang bumaba si Carl, baka marinig niya kung ano man ang sasabihin ni Justin ngayon.

Alam kung sisimulan na naman niya ako. Bakas ang galit sa mga mata niya. Alam kong hindi na siya magtitimpi ngayon sa harapan ko.

"Ang galing mo rin talagang magpanggap eh 'no? Sa tingin mo ba.. paniniwalaan ko ang mga sinabi mo kagabi?" puno ng sarkasmong sabi niya. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang humakbang siya papalapit sa akin.

Hanggang sa makakaya ko, hindi ko siya hahayaang gumawa ng eksena rito sa bahay ni Klein.. habang alam ko na may maaring nakarinig sa mga sasabihin niya.

"Justin.. please? Huwag dito. I'm begging." pakiusap ko. Ang masamang tingin niya ka jna sa akin ay mas sumama. Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa ako bumulagta.

Muling humakbang siya papalapit sa akin dahilan para mataranta ako't humakbang din papalayo sa kaniya.

"Alam ko naman na sinabi mo lang iyon kagabi para ano? Kaawaan kita? Para maawa ako sayo at hindi ko na naman sabihin sa mga kaibigan ko kung gaano kasuklam suklam kang klase ng tao?" puno ng diing sabi niya.

Para naman akong sinaksak ng ilang milyong beses dahil sa sinabi niya. Hindi na siya naniniwala sa akin.. na kahit na magsabi na ako ng totoo ay iisipin niyang kasinungalingan na lang lahat ng iyon.

Inaasahan ko naman na iyon pero masakit pa rin pala.

"Ang galing galing mong magpa-ikot ng tao,  Angel. Tignan mo naman si Gaio.. kuhang kuha mo ang loob niya matapos mong magsabi ng nakaraan mo kuno kagabi. Iyak ng iyak ang loko. Hindi niya alam na isa lang iyon sa mga kasinungalingan mo." sabi niya at tumawa, tawa na puno ng sarkasmo. Tapos matapos niyang tumawa ay tumingin siya sa akin ng seryoso. Wala ng mababasang emosyon sa muka niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Umiyak si Gaio kagabi?

Dahil sa akin?

"Silang lahat. Paniwalang paniwala sa mga kasinungalingan mo, Angel. Kagabi.. halos hindi na sila makatulog at makapag-isip ng maayos dahil lang sa nalaman nila. Awang awa at nasasaktan sila para sayo, para sa kaibigan nila." sabi niya sabay duro sa akin.

Kinuyom ko ang kamao ko. Tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang luha ko pero hindi iyon naging epektebo dahil nakatakas ang mga lintik na luha at nag-unahan iyon nagbagsakan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now