CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)

55 10 2
                                    

Author's Note : The game is not detailed haha hindi lang si Angel ang naboboring sa larong basketball,ako rin.Wala rin akong alam sa larong 'yan and i don't do research narin haha hindi lang naman sa sport fest nakafucos eh.

-Tatashart

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX

(Is something wrong?)

Justin's point of view

"Ang yabang..." ngising saad ko ng maglaro ng may tricks ang kaharap ko.Nakangisi rin siya saakin, nagyayabang.

Aagawin ko na sana ang bola sa kamay niya ng biglang umikot siya at mabilis na nasalisihan ako.

Napailing ako dahil doon at humarap sa kabilang ring pero napangiti ako,gusto ko pa ngang pumalakpak dahil hawak hawak na ni Chad ang bola at tumakbo patungo sa ring namin,agad na sumunod naman ako para madepensehan siya at bumwelo na siyang ititira 'yon nang...

"Hoy"

Agaw pansin ang sigaw na 'yon kaya nilingon ko ang pinanggalingan ng sigaw na 'yon at nakita ko si Angel sakal sakal siya ng lalaki at nakita ko na hindi siya makapaglag at nasasaktan.

What the heck?

Napatingin ako kay Chad na nanggalaiti at nawala ang focus niya sa laro kaya naman naagaw ang bola sa kamay niya.Agad nagreact ang mga nanonood lalo na si coach sa gilid.Ganoon din ako,hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko lalo na nang makilala ko ang isa sa lalaking nasa tabi ni Angel...Si Hunter!.

Napatitig ako sa lalaking nakahawak sa kwelyuhan ni Angel, pamilyar siya...Parang siya 'yong lalaking yakap yakap ni Angel sa litratong ikinalat ni Ate Shang noon.

Roshan Sawyer Montclair...

Siya ang anak ni Tito Jack na kasosyo ng daddy ni Chad sa negosyo...Nakita ko na siya dati.Anong relasyon nila ni Angel?... bakit kasama nila si Hunter?...Hindi kaya siya ang leader ng red x gang?!.Siya ba ang pinagtratrabahoan ni Angel?.

"Silverado, focus!" sigaw ng isa sa kateam ko kaya nataohan ako at kumilos na ako at tumakbo pero nanatiling nakatingin sa gawi ni Angel.

"Pakshit"usal ko ng nakita kong hinatak ng lalaki 'yon si Angel palabas.Si Hunter naman ay bumalik sa bench nila habang nakangisi.

Ang lalaking 'yon ba ang leader ng red x gang?

Hindi kaya siya nga...

Hindi namin sinabi kay Angel ang lakad namin noong nakaraang araw.Alam ko naman na sasabihin niya 'yon sa leader nila at makapaghahanda sila at baka matalo kami at malagasan kaya sinabi ko kay Chad na huwag ng isama si Angel sa lakad at huwag na rin sabihin ang lakad at ang sinabi kong dahilan...dahil ayoko ko siyang mapagod at masaktan.Galit saakin si Chad dahil sa sinabi kong iyon at ipinaalala saakin ang rule na ginawa niya noon at parusang matatanggap ko dahil nilabag ko 'yon pero hindi ko na inintindi 'yon kasi totoo naman na ayokong mapagod at masaktan si Angel at isa pa...ayoko ko rin na malagasan kami dahil sa katraydoran niya.

Gaya nga ng sabi ko...mahalaga siya saakin,mahal ko siya pero mas mahalaga pa rin ang grupo.

"Montelabano foul!, pushing!" sigaw ng referri kaya natigil ang laro.

Humingi ng time out si Coach, tatakbo na sana si Chad palabas pero agad ko siyang pinigilan.

"Nakita mo rin 'yon!" usal niya habang pilit na nilalagpasan ako pero hindi ko siya hinayaan.Ano?Ipagpapalit ni Chad ang laro namin at susundan si Angel?.Tsk.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt