CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE

42 6 4
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
(Secrets)

Angel's point of view

Magkaharap kami ni Chad, nakangiti siya sa akin habang ginagamot ko ang mata niyang sinapak ko. Inilatag namin ang banig na siya hihigaan namin at magkatabing nahiga.

"Ang tigas ng higaan." nagsimula na naman siyang magreklamo.

"Okay lang ’yan. Katabi mo naman ako," ani ko at tumawa. Nagulat ako nang bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ko at pinihit ako papalapit sa kaniya.

"Angel..."

"Hmm?"

"Huwag kang magagalit sa akin huh.."

Tinignan ko siya at nakapikit na siya, mabigat na ang paghinga at halatang tulog na. Napangiti ako.

Kinabukasan

Maaga akong nagising at napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig na yumakap sa katawan ko, natural na lamig ng umaga. Napatingin ako kay Chad at tulog pa rin 'to kaya maingat akong bumangon para hindi makagawa ng ingay. Lumabas ako nang kubo.

"Wow..." manghang usal ko sa nakita. Hamog ng malamig na umaga at araw na pasikat na. Napangiti ako. Napakaganda naman. Ang payapa tignan. Habang busy ako sa paghanga sa magandang tanawin naramdaman ko ang braso na yumakap sa akin mula sa likuran.

"Maganda pala rito kapag umaga..." aniya sa paos na boses. Tumango ako bilang pasang ayon. "good morning, honey ko.." bati niya at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

Hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa akin, "good morning din."

Matapos naming panoorin ang pagsikat ng araw ay nagpunta na kami sa bahay kubo nila Mang Pido at Manang Espe upang mag almusal, saktong pumunta kami roon ay naghahanda na sila.

"Magandang umaga sa inyo!" masayang bati sa amin ng mag anak.

"Magandang umaga rin po." ako lang ang bumati kaya nilingon ko si Chad na tinaasan lang ako ng kilay. Hayst 'tong lalaking 'to talaga!

Masaya naming kinain ang almusal. Matapos no'n ay sabay naming inayos ni Chad ang gamit namin upang umakyat na sa sky plaza. Ang sabi kasi ni Mang Pido mas maganda kung maaga aakyat dahil hindi kami masyadong maiinitan at mas maganda ang klima.

"I hate tricycle." inis na anas ni Chad habang naglalakad kami papalapit sa tricycle na sinakyan namin nang pumunta kami rito, at 'yon ang sasakyan namin ngayon para makapunta sa paanan ng sky plaza.

"Hate ka rin niyan. Kwits na kayo kaya manahimik ka na at sumakay na tayo!" sabi ko at hinila siya pasakay sa tricycle. Nangingiting pinanood namin kami ni Mang Pido na magbangayan bago niya pinaandar ang tricycle.

Habang nasa byahe ay pareho kaming natigil ni Chad sa pagbabangayan nang makita namin ang magandang tanawin. May falls! Mahabang ilog at matataas na bundok na halos berde! At napanganga ako ng literal nang makita ko ang cross! At ang Diyos na nakadipa sa taas ng bundok! Mukang 'yon na ang sky plaza! Wow! Ang ganda! Hindi ko inaasahan 'to...

"Iyan ang pinagmamalaking pasyalan ng Natividad, Pangasinan.. Ang sky plaza!" saad ni Mang Pido.

"Maganda pala..." ani ni Chad habang ang tingin ay nasa taas din.

"Sobra..." gatong ko pa.

Nilingon niya ako at nginitian. At sa ngiti niyang 'yon bigla akong kinabahan.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now