CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN

54 5 1
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN

(Reason behind)

Angel's point of view

Everything's happen for a reason... pero ang rason na ba 'yon makakatulong sa nabuong sitwasyon? Funny it's not.

Nangyari ang pag uusap naming 'yon dahil may rason at hindi 'yon nakatulong sa sitwasyon namin ngayon. Walang nagbago. Walang nabago.

Gusto ko siya pero gugulo lang ang lahat kapag pinagpatuloy ko siyang gustuhin pero hindi ko naman maialis sa akin na gusto ko siya kahit na mali.

Nasa isa akong mahirap na disesyon  na ang pagpipilian ay sarili ko, siya... sila.

Napatingin ako kay Chad na tahimik lang at nakikinig gaya ng dati habang maingay kaming nasa paligid.

I miss him...

Kahit na nakikita ko siya palagi. Kahit na nakakasabay ko pa siyang kumain ng umagahan, at hapunan... at kahit ngayong nasa cafeteria kami at sabay sabay kaming kumakain ng snack. Hindi ko maiwasang mangulila.

Gusto kong bumalik sa dati... 'yong dati na inaadmire ko lang ang kagwapohan niya, 'yong dati na libre pa ako kiligin sa simpleng gestures niya, 'yong dati na tamang selos lang ako kay Pia, 'yong dati na hindi ko alam na pareho pala kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Pero malabo...

Bukas na ang exam. Bukas na matatapos ang paghihintay ko. Makakausap ko na siya.

"Angel malabs! Tuloy na natin 'yong ice cream house... please..." nakangusong pakiusap sa akin ni Gaio habang pabalik na kami n room.

"Bukas na lang."

"Na naman!" singhal niya.

Kumunot ang noo ko't nilingon siya, "oh? Ano? Kaya mo na?" nanghahamong tanong ko kaya mas lalong humaba ang nguso niya.

"Kahapon sabi mo bukas nalang tapos ngayon naman bukas na naman! Tsk!"

Napabuntong hininga ako. Sa itsura ni Gaio kunti na lang ay magtatampo na siya. Noong nakaraang araw pa niya ako kinukulit na pumunta ng ice cream house pero laging hindi natutuloy dahil lagi akong tinatamad na kumilos. Hindi hinahanap ng katawan ko 'yong nakasanayan ko na dati.

Huminto ako at hinarap siya. Nangingiting hinuli ko ang bibig niyang nakanguso at pinanggigilan 'yon. Cutie. Pero hindi 'yon nagtagal dahil malakas niyang tinampal ang kamay ko kaya napabitaw ako at ininda ang kamay.

"Sorry. Nauna ka naman e." aniya at hinuli ang kamay ko at sinuri 'yon.

"Totoo na 'to. Bukas na talaga." I'm not sure with my words but I need to say this to make him stopped.

Binitiwan niya ang kamay ko at itinaas ang hinliliit niya.

"Pangako?"

Umiling ako, "ang hirap magbitaw ng salitang pangako... pwedeng susubukan ko na lang?"

"Oh segi."

Buong araw ay nakinig ako sa klase. Hindi pwedeng papitiks pitiks na lang ako gaya no'ng una dahil kung hindi ako magseseryoso maiiwan ako panigurado. Sila Gaio, ang iba sa amin ay hindi halatang maaral pero kung titignan mo naman ang mga scores ay mapapatanong ka na lang kung may source ba sila. Nakakatawa.

Nang gabi naman ay sabay sabay kaming nag aral sa sala. Halata na gusto nilang makapasa. Ako rin naman pero ang atensyon ko ay minsan naagaw ni Chad na kaharap ko lang.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now