CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN

7 1 0
                                    

Author's Note :

Hi?!

I'm busy in my acads now but I'll try to update a chapter as I can. I'll also re-read it too kasi limot ko na ang mga pinag-susulat ko and iyong flow. I can't find my outline too. So, hope you understand po! Muah Muah!

Next update will be next week, weekends.

-Doña 💋

-

Chapter One Hundred Sixty Seven

Angel's point of view

"Please... remove your bad memories in the dark, Angel, and replace it with us.. dancing in the dark and we're happy." bulong niya habang nagsasayaw kami.

"I will." sagot ko nang nakangiti. Niyakap niya ako at sa ganoong pwesto namin pinagpagtuloy ang pagsasayaw.

"Mahal kita, at araw araw kitang pipiliin."

"Mahal kita..." madamdaming ani ko.

Sa ganoong pwesto umilaw na uli ang mga ilaw at inanunsiyo na may panalo na. Nagtaka namin kami ni Chad dahil bigla nila kaming tinawag sa stage at sinabi nila na kami ang panalo sa sweet dance contest! Kahit na nagtataka ay nagpasalamat pa rin kami sa binigay na primyo.

"Hindi ko alam na pa-contest iyon." sabi ko at naupo na kami sa upuang inilaan sa amin nila Manang Espe.

"Magkano ang primyo?" tanong ni Manang Espe.

"Sa inyo na lang po." sabi ni Chad at ibinigay ang sobre na naglalaman ng pera.

Walang pag-aalinlangang kinuha naman 'yon ni Manang Espe at binuksan, pinakita niya ang laman no'n at limang daan 'yon. "sigurado kayong sa akin na 'to?" tanong nito. Sabay lang kaming tumango ni Chad. "edi salamat." sabi niya at binulsa ang pera, narinig ko pa na binulungan niya ang mga anak na makakabili sila ng mga laruan nito kaya napangiti ako.

Ang barya talaga sa mga mayayaman ay malaking halaga sa mga gaya nila.

Simula ngayon.. hindi na ako magsasayang ng pera.

Joke lang. Haha.

Naupo ako sa tabi ng mga bata at iniupo ang isa sa mga magkakapatid sa binti ko habang si Chad naman ay nasa likuran namin kasama ni Mang Pido. Babae lamang kasi ang uupo sa upuan at mga lalaki naman ay nakatayo.

Masayang nanuod lamang kami ng mga nagsasayaw sa gitna at mga palaro hanggang sa namatay ang masayang tutog at napalitan ng mabagal na musika. Muli na namang nagsitayuhan ang mga lalaki sa harapan ng mga babae upang ayain silang magsayaw. May nag-aya rin sa mga katabi kong babae na agad tumayo.

Lahat ay nagsigawan nang tumayo ang isa sa mga naka-upo sa stage, mukang sikat itong tao.

"Papalapit sa gawi natin si Mayor." bulong ni Manang Espe sa akin, "marahil ay aayain niya akong sumayaw." kinikilig pang aniya kaya natawa ako. Tumikhim naman ang asawa niya sa likod dahilan para tumahimik siya kaya napangiti ako. Seloso rin pala si Mang Pido.

Maya maya lang ay biglang nasa harapan na namin si Mayor. Medyo bata pa 'to para magkaroon ng mataas na posisyon, may itsura kaya siguro sinisigawan at moreno. Tuwang tuwa naman si Manang Espe na inayos ang buhok niya samantalang ako ay natatawa na.

Lahat ay napasigaw nang ilahad ng Mayor ang kamay niya sa harap ko.

"Maari ba kitang isayaw?" tanong niya.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now